Kabanata 2

2.7K 60 2
                                    

*Sa lahat ng nakabasa na ng kabanata 1 yong taong nasa ‘UNKNOWN P. O. V’ ay si Jennie po yun, marahil ang mga bagong mga readers na  nagbabasa ng novel na ito ay makikitang ‘JENNIE'S P. O.V na ang nakalagay doon. Pinalitan ko na po kasi yun.*


------

-Magkahawig-

ROSÉ'S P. O. V


Nagising ako dahil sa liwanag na sumisilip sa bintana ng kwarto ko, dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at muntik na ako mapatalon ng makita ko ang usang babaeng naka puti na naka upo sa kama ko, pero bigla kong naisip ang nangyari kahapon.

“Umm, Pasensya na kong nagulat kita, pero pwede bang magtanong sayo prinsesa?” Wika ng babae at umiwas ng tingin, napansin ko ring lina-laro nya ang mga daliri nya sa kamay na nasa ibabaw ng hita nya. Napatanong naman ako kong bakit nya ako tinawag na prinsesa.

“Oo naman, ako nga pala si Rosé.” Sabi ko at ngumiti sa kanya, ngumiti din sya sakin pero bigla nalang nawala.

“bakit ganon? Hindi ko ma-alala ang pangalan ko. May alam kaba kong bakit prinses?” sabi nya at tumingin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero napa iwas ako ng tingin bigla. Napaisip nalang ako ng ma-alala ko ang itim na mahika kahapon.

“May na-aalala kaba sa nangyari sayo kahapon?” Sabi ko at tumingin uli sa kanya, napatingin naman sya sa kamay nya na nasa ibabaw ng hita nya na para bang nag-iisip. Mga tatlong minuto din ay tumingin uli sya sakin at inilingo-lingo ang ulo nya. Wala akong masamang naramdaman noong sinabi nya yon, ibigsabihin lang ay nagsasabi sya ng totoo.

Kong ganon kinuha mula sa kanya ang mga ala-ala nya.

“Ang na-aalala ko lang ay isa akong dyosa ng lobo at wala na po prinsesa.” Wika nya at parang pabulong nalang ang huli. Kong ganon ay pinili lang ang mga ala-ala na kinuha mula sa kanya? Sigurado akong mahalagang nilalang sya sa mga diwata o may mision sya dito sa mundo ng mga tao na mahalaga. Ano may yon ay kailangan kong malaman, pero ang masasabi ko lang ay magkakampi kami.

“Teka bakit mo ba ako tinatawag na prinsesa?” Natatawa kong tanong, napa kurap sya at ngumiti sakin.

“Dahil sa amoy nyo po, amoy maharlika po kasi kayo.” sabi nya at nawala naman ang ngiti sa mga kabi ko sabay ang pag kunot ako ng noo ko.

Isa akong prinsesa?

Hindi ko mapigilang mag tanong sa isip ko kong sino ang mga magulang ko.

“Kong ganon alam mo kong sino ang mga magulang ko?” tanong ko sa kanya, agad naman nya inilingo-lingo ang ulo nya.

“Sige, pero sino nga ba ang hari at reyna ng mga diwata ng lobo?” tanong ko sa kanya, ngumiti naman sya at agad sumagot.

“Si haring Marko at si reyna Maria.” sabi nya at pakiramdam ko ay parang gusto kong umiyak.

Isa ako prinsesa sabi nya kaya ang hari at reyna ay ang mga magulang ko.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya sa tuwa, alam kong nabigla sya dahil sa ginawa ko, ako rin naman, nabigla din ako sa ginawa ko pero ang pinagtataka ko ay ang comfort na nadama ko ng yakapin ko sya.

“Alam mo ba kong paano makakabalik ka sa mundo mo?” tanong ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap sa kanya, agad nya namnag nilingo-lingo ang ulo nya at malungkot na tumingin sa mga mata ko.

PRANPRIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon