Kabanata 3

1.3K 55 5
                                    

-Lalisa-

JENNIE'S P. O. V

'Di parin ako naka galaw hanggang sa nakarating na sya sa harap ko. Hindi parin ini-iwanan ng mga mata naming dalawa ang isat-isa. Parang sya ang taong version ng babaeng lobo na napapanaginipan ko.

Binibini? Maari bang magtanong ko saan sa aklatang ito makikita ang mga lebrong naglalaman ng mga alamat?” tanong nya at pakiramdam ko ay matutonaw na ako sa kinatatayuan ko dahil sa boses nya, pakiramdam ko matagal ko nang hinahanap ang boses nya. Parang gusto ko synag yakapin. Ano ba tong nangyayari sakin?

“Binibini, naririnig mo ba ako?” tanong nya, bumalik naman ako sa katinuan at napa step back ng dalawang hakbang. Ma syado na kasi syang malapit sakin, parang hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko.

“A-ah, Ehh, nasa kabila.” agad kong sabi at pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko. Ano ba tong nangyayari sakin?

“Maraming salamat binibini.” sabi nya at ngumiti sakin. Magkamukha tala silang dalawa at ng babaeng lobo sa panaginip ko. Kailangan kong malaman ang pangalan nya.

Aalis na sana sya ng bigla ko syang tanongin. “P-pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” shit, bat ako nauutal?

“Um—” Napatigil sya sa pagsasalita ng may narinig kaming sumigaw.

“Lalisa!” agad akong napatingin sa taong sumigaw dahil WTF! Bakit sya sumigaw sa loob ng library?!

Napalaki nalang ako ng mata ng makita ko kong sino ang sumigaw. “Rosé!” napa face palm nalang ako ng sumigaw din ang babaeng nasa likoran ko. Goodness!

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang lahat ng mga estudyante na nakatingin samin lahat, shit this is so embarrassing.

*****

ROSÉ'S P. O. V

P-pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” napalaki ako ng mata ng marinig ko ang tanong ni Jennie sa diwatang kasama ko. Mag-isip ka Rosé, hindi lang dapat pwedeng sabohin ng diwatang yun na hindi nya ma-alala ang pangalan nya sa harap ng best friend mo. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang libro sa gilid at nabasa ko ang title ay Lalisa.

“Lalisa!” sigaw ko sa diwata. Bahala na basta matigil ang paguusap nilang dalawa, huhuhuhu. Nakita kong parang nagulat si Jennie sa pag-sigaw ko.

“Rosé!” sigaw pabalik sakin ng diwata. Wew, buti naman at sinakyan nya ang palusot ko.

“Ms. Park?” parang binuhosan ako ng malamig na tubig sa katawan ng marinig ko ang pagtawag ng sure name ko. Alam ko kong kaninong boses yon, boses yon ni Mrs. Song. Ang librarian. Lagot ako nito.

Naglalakad lang naman ako kanina dito sa library habang hinahanap ang babae diwata, ng marinig ko ang pag-uusap nila ni Jennie mga 15 metro ang layo sakin, ganon ka talas ang pandinig ko. 'Di ko alam kong bakit pero parang nakaramdam ako ng saya ng marinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso nilang dalawa habang nag-uusap.

*****

“So? Ang pangalan mo ay Lalisa?” tanong ni Jennie sa diwata, agad naman itong tumango. Thank god at sinakyan nya ang palusot ko.

PRANPRIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon