Kabanata 1

1.3K 34 12
                                    

-Palaisipan-

ROSÉ'S P. O. V

Nagsisitakbohan papalayo sakin ang mga hayop na madaan ko habang ako ay mabilis na tumatakbo papunta sa lugar na ipinakita sakin ng utak ko. Hindi ko alam kong bakit bigla nalang ako nakaramdam ng panganib at naisipan ang lugar na yun, pero ang alam ko lang ay kailangan kong puntahan yon sa lalong madaling panahon.

Habang papalapit ako sa lugar ay nahagilap ng mata ko ang isang babaeng naka puti at naka higa sa lilim ng malaking puno. Tumigil ako mga tatlong metro malapit sa kanya ng maramdaman ko ang itim na mahika na nakakalat sa paligid, diko makakailang malakas ito dahil sa bigla akong nanghina. Pero ang pinagtataka ko ay bakit buhay pa ang babaeng to, na raramdaman ko kasi na normal lang ang paghinga nya, na parang natutolog lang sya. Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng itim nyang buhok. Pero may kakaiba sa amoy nya, na para bang kilalang-kilala ko syang talaga at parang matagal ko na syang hinahanap.

Hindi kaya?

No! Imposeble yun.

Hindi yun pwedeng mangyari.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa isang hakbang nalang ang layo ko sa kanya, dahan-dahan kong inilapat sa balikat nya ang kamay ko. Napalaki nalang ako ng mata ng mahawakan ko na sya.

Wala? Bakit wala?

Wala akong ma kitang ala-ala sa isip nya at para bang may pumipigil sakin na makita yun. Pero isa lang ang sigurado ako, magkatulad kami, magkatulad kaming diwata ng lobo. Hinawi ko ang buhok nyang nakatakip sa mukha nya at doon ko masasabing mabibighani ka talaga sa kagandahan nya. Pero bakit ako hindi?. Napangiti nalang ako dahil parang nakahinga ako ng maluwag, inakala ko kasing sya ang kabiyak ko. Buti nalang hindi.

Binuhat ko sya sa likod ko habang nasa hita nya ang kamay ko para pangsoporta, hindi lang kasi pwedeng iwan ko lang sya dito. Kawawa naman at mabuti rin to para sakin dahil hindi na ako nag iisang kakaiba dito sa mundo ng mga tao.

Nakarating kami sa mansion na tinitirahan ko sa pusod ng gubat at agad akong sinalubong ng mga gwardya dahil siguro sa ayaw nilang makita akong nagpapakahirap na buhatin ang babaeng to.

"Miss Rosé!" rinig ko ang sigaw ni Mang Roberto habang tumatakbo sya papalapit sakin.

"Miss Rosé, okay lang po ba kayo? Ako na po ang magbubohat sa kanya." Sabi ni Mang Roberto noong makarating na sya sa harapan ko.

"kay lang po, kaya ko na po syang dalhin sa loob." sabi ko at ngumiti kay Mang Roberto. Sa totoo lang maggaan lang naman ang babaeng to, ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi ko gustong may ibang taong humawak sa babaeng to, ano ba ang nangyayari sakin? Hayyshht!

Nakarating ako sa kwarto ko at buti nalang at pinagbuksan ako ng pinto ni Aling Neneng; isa sa mga pinagkakatiwalaang kasambahay namin dito sa mansion. Agad kong inihiga ang babae sa kama ko at doon nalang ako nakahinga ng maluwag. Kahit kasi magaan sya ay ang layo naman ng linakad ko at ang haba kaya ng hagdaan na inakyat ko, isipin mo yun mula sa ground floor hanggan sa 3rf floor. My gosh Rosè ang lakas mo!

Tinignan ko uli ang babaeng mahimbing na natutolog sa kama ko. Okay siguro nagkakaroon lang talaga ako ng konting crush sa kanya kaya ayaw kong mahawakan sya ni mang Roberto. I'm crazy.

Ting!

Narinig ko na tumonog ang phone ko mula sa bulsa ng jeans ko kaya agad ko itong kinuha at agad kong nakita ang name ni Jisoo sa screen. Agad kong tinignan ang message nya habang may ngiti ang mga labi ko. Okay aaminin ko may gusto ako kay Jisoo, unang pagkikita palang namin ay alam ko nabihag nya na ang puso ko, hihihihi.

From Chikin🍗

Rosé-ahh, saan ka pumonta kanina? Hindi ka pumasok sa last period natin LAGOT ka kay ma'am nyan.

OMG! Nako lagot nga ako nito may test pa naman kami ngayon sa history, paktay ka Rose Ann Park!

Napa face palm nalang ako at umopo sa upoan na nasa tabi ng study table ko. Agad kong binoksan ang libro ko sa history at pinag-aralan ang mga parts na baka pagkunan ni ma'am ng ipinag quiz samin kanina, pero bago pa ako mag upisang mag review ay nag replay mona ako sa text ni Jisoo.

Sorry talaga kong umalis ako kanina Jisoo-nie may emergency kasi dito sa bahay:(

Sent 5:12 PM

Agad kong niyakap sa dibdib ko ang phone ko dahil sa kilig na nararamdaman ko, hayyssttt! Hindi parin nawawala ang effect nya sakin, kahit ba naman sa sempleng text lang ay nagliliparan na sa loob ng tyan ko ang mga paro-paro.

*****


JENNIE'S P. O. V

Nasaan ako?

Anong lugar ito?

Yan agad ang tanong ko sa sarili ko nang magising ako dito gitna ng kagubatan. Ano ba ang ginagawa ko dito? Nasa mansion naman ako kanina ahh!

Panaginip ba to?

Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad. Doon ko lang napansin na kakaiba ang mga halaman sa paligid, parang nasa ibang planeta ako, lahat kasi ng mga halaman sa lugar nato parang hindi ko pa nakita dati. Habang lumalakad ako ay napansin ang isang babaeng may kulay itim na buhok at may kulay puting damit na nakaupo sa lilim ng malaking puno habang niyayakap ang tuhod nito.

"Prinsesa?" Napatingin ako sa likoran ko at agad kong nakita ang babaeng may puting buhok at may roon din syang teanga na tulad sa lobo? Ano to inuyasha? Pero ang pinagtataka ko ay bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang babaeng to.

Ano tong nararamdaman ko?

Teka parang nakita ko na sya dati?

"Pranpriya?" Aga akong binaling ang paningin ko sa babaeng may itim na buhok at laking gulat ko noong makita ko ang mukha nya. Pakiramdam ko nakaharap ako sa salamin, kamukhang-kamuka ko sya.

Nabigla naman ako ng biglang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko ang babaeng kahawig ko, pero tumagos lang sya sa katawan ko. Agad naman akong humarap sa likoran ko at nakitang kongniyakap nya ng mahigpit ang babaeng may puting buhok.

Ano ba tong nangyayari?

Ako ba ang babaeng kamukha ko o kahawig ko lang talaga sya?

"Kala ko mawawala kana sakin, Pranpriya." Sabi ng sarili ko habang nasa dibdib ng babaeng nag nga-ngalang Pranpriya. Napalunok ako, parang hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Ang mga titig nila sa isat-isa, bakit parang nagsasabing higit pa sa pagkakaibigan ang turingan nila.

Hindi kaya magkasintahan sila?

So? Magkasintahan kami?

-----

So? Ano po ang masasabi nyo sa bagong version ng She Is My Protector? Hehehehe yung mga readers ko dyan simula palang sa umpisa, nakita nyo ba ang inim-prove ng pag sulat ko sa novel na to? Please sabihin nyo, gusto kong malaman😉

At don't worry kong in-unpublished ko ang iba ko pang novel na ginawa, pangako e- popublish ko ulit yun, ngalang mas maganda na ang takbo ng story;)

So? Hanggang dyan nalang ang masasabi ko para sa chapter na to. Bye bye😆

Wag kakalimotang mag vote👇

-Thank You❤-


-MIris-

PRANPRIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon