Sa isang kaharian ng mga diwata sa silid ng mga aklatan ay makikita mo ang isang babaeng may kulay puting buhok katulad rin ng teanga nito na parang sa lobo, naka sout sya ng napaka puting damit, habang naka paa lang, sa unang tingin ay masasabi mong napakaganda nya. Nag babasa sya ng isang makapal na lebro. Makikita mo sa mga mata nyang kulay ube ang karonongan at katalinohan, habang nag babasa.
“Pranpriya!” napatigil sya at tumingin sa babaeng mayroong itim na buhok at kulay asul ang mga mata, naka sout ito ng kulay pulang damit at kagaya din sa kanya na naka paa lang, masasabi mo ring napaka ganda rin nya.
“oras na.” sabi ng babaeng diwata na mayroong asul na mga mata at lumabas ng silid. Agad namang tumayo ang diwata na nag nganhalang Pranpriya at sinondan ang sumondo sa kanya.
“Seulgi, nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari.” wika ni Pranpriya at tumigil sa paglalakad, napa tigil din ang diwatang nasa unahan nya.
“Pranpriya, kaibigan kita at alam kong kakayanin mong protektahan ang prinsesa ng higit pa sa buhay mo.” naka ngiting wika ni Seulgi at lumapit sa kaibigan sabay hawak sa balikat nito, na parang nag sasabing magiging maayos din ang lahat, tumango naman si Pranpriya at nag simula uli silang dalawang maglakad.
Nakarating sila sa isang silid at pagkapasok mo ay agad mong makikita ang lahat ng mahahalagang diwata, pati narin ang mga nakakatandang nga diwata.
“nang dyan kana pala.” sabi ng lalaking diwata at napatingin ang lahat kay Pranpriya na kakapasok lang sa silid. Tumango lang si Pranpriya at ngumiti ng mapakla. Ayaw nyang pumonta sa mundo ng mga tao, gusto nyang manatili lamang at hanapin sa boong sulok ng kaharian nila ang taong nakatadhana para sa kanya.
“Pranpriya.” napabaling ang atensiyon nya sa babaeng mayroong berdeng mga mata at nakasout ng kurona. Agad naman syang lumohod sa harapan nito, bilang pag-galang.
“mission mo ay pangalagaan sya, tandaan nyo magka-ugnay kayong dalawa.” sabi ng diwatang may berdeng mga mata sa diwatang naka-luhod sa harapan nya. Ini angat naman ng diwata ang ulo nya at agad na masisilayan ang mga mata nyang kulay ube.
“masusonod po Inang diwata.” wika nito ng may pag galang. Hinawakan sya ng inang diwata sa ulo nito at unti-unting may liwanag na bumalot sa katawan ni Pranpriya.
Sa isang iglap lang ay lumabas si Pranpriya mula sa isang puno, agad syang tumingin sa paligid kong may naka kita ba sa kanya pero nakita nyang walang tao at ang mga hayop lang ang tumitingin sa kanya.
Maya-maya pa ay may isang napaka itim na usok ang lumapit sa kanya at nag anyong tao; isang babaeng nakatago ang mukha sa tela at ang mga mata lang nito ang makikita, hindi alam ni Pranpriya kong anong nangyari pero nang hawakan sya nito sa noo ay bigla lang syang nahimatay. Mula sa pagiging kulay puti ng buhok ni Pranpriya ay naging itim ito at nawala ang tenga nito na katulad sa lobo; naging normal na tao sya sa isang iglap lamang.
Samantala sa isang eskwelahan malapit sa kagubatan na naroroon ngayon si Pranpriya ay makikita sa cafeteria ang tatlong babaeng nag-uusap, napatigil lamang sila ng biglang tumayo ang babaeng mayroong blonde na buhok at hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman; takot, pagkabigla, pag-alinlangan at kasiyahan.
“Rosé? Anong problema?” tanong ng babaeng may itim na buhok at mayroong nakakabighaning hugis pusong labi sa kaibigan nilang tumayo nalang bigla sa gitna ng kanilang pag-uusap.
“pasensya na, pero kailangan ko nang umalis.” sabi ng babaeng nag nga-ngalang Rosé at tumakbo papalabas ng pintoan ng cafeteria.
“weird.” malamig na sabi ng babaeng may roong matang kahalintulad sa pusa at may roong itim na buhok sa katabi nyang babaeng nagtanong kanina kay Rosé. Ikinabit balikat nalang ng babaeng katabi nya ang nangyari.
-----
So? Anong masasabi nyo sa simula ng novel nato?
Pwede kayong mag comment ano mang oras para mag tanong😉 o hulaan ang susonod na mangyayari.
Don't forget to vote❤
-Thank You Po❤-
-MIris-
BINABASA MO ANG
PRANPRIYA
Fantasy"Misyon mo ay pangalagaan sya, tandaan nyo magka-ugnay kayong dalawa." Sabi ng diwatang may berdeng mga mata sa diwatang naka-luhod sa harapan nya. Ini angat naman ng diwata ang ulo nya at agad na masisilayan ang mga mata nyang kulay ube. "Masusonod...