I - Sino

229 23 18
                                    

    The sound of the slap echoed in my ears. It’s loud, enough to wake me up from the billion thoughts running inside my head.

     Noon, ang una kong nararamdaman ay ang sakit ng sampal, pag-init at pamumula ng aking pisngi. Pero sa katagalan, unti-unting naglalaho ang sakit...hanggang sa tuluyan na siyang nawala.

     Maybe because I’ve been slapped a lot, ni hindi ko na nga matandaan kung pang-ilan na ba ito.

Dahan-dahan kong hinawakan ang parteng sinampal niya…ramdam ko ang init, pero wala na ang sakit. Matagal nang nawala.  I looked at the person who slapped me, she’s standing still, regret evident in her eyes.

“A-anak…” nanginginig ang boses nitong lumapit sa akin. “Hindi ko sinasadya…m-maniwala ka sa akin, hindi ko sinasadya…”

She took another step. Nanginginig pa rin ang labi nito, maging ang kaniyang hakbang ay hindi maayos. She held out her hand to touch me but I was fast enough to push it away.

“Huwag ka nang lalapit sa akin.”

I felt the coldness of my voice in my tongue. And she felt it too, along with the tears streaming down her face.

Sinubukan niya uling lumapit, pero handa na ako. Kahit ilang beses pa siyang lumapit, hinding-hindi na ako magdadalawang-isip na itulak siya palayo.

“Umalis ka na. Hindi kita kailangan dito.”

Umiling siya, paulit-ulit. “Ayoko, anak. Hindi aalis ang mama, hindi na ako aalis.”

“I said I don’t need you anymore! Kapag sinabi kong umalis ka, umalis ka na. Matagal ka nang wala, bakit ka ba bumabalik pa? You should have stayed there, hindi iyong babalik ka tapos mangugulo ka lang!” ani ko sa malakas na tinig. 

Nagmamakaawa ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Kailangan mo ako, anak. Hindi ako aalis sa tabi mo.”

“Kailangan?” a mocking laugh escaped from my lips. “Hindi na kita kailangan ngayon. Can’t you see how far I’ve gotten? Hindi na ako iyong batang iniwan mo noon. Sana naisip mo iyan noong mga panahong namatay ang Papa ko!”

“Ang tagal ka niyang hinintay…” I looked at her in the eye.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa emosyong ipinapakita niyon. Mas mabuting hindi na lang.

“Kahit hindi na ako umaasang babalik ka pa, paulit-ulit siyang nagpapaalang hindi mo kami kayanf kalimutan. Even in his death bed, alam kong hinihintay ka pa rin niya…pero hindi ka dumating.”

Kasabay nang pagtulo ng aking luha ay mabilis akong tumalikod at naglakad papalayo. Tama na. Hindi ko na siya hahayaang masaktan ako.

“And…cut!”

I wiped away my tears using my right hand and smiled at the lady who acted as my mom. Ngumiti rin siya sa akin at nagpasalamat.

    Lumapit ang dalawang babae sa akin, ang isa ay agad akong pinaypayan at ang isa naman ay isinilong ako sa hawak niyang payong. Both of them guided me towards the tent, kung saan naroon ang mga staff at make-up artists.

“Ang galing-galing mo talaga, Idle! On cue ang pagtulo ng luha, iba talaga kapag professional,” ngumiti sa akin ang baklang make-up artist.

Nakisali na rin ang director sa pagpuri sa akin. “Idle is really on another level, talagang deserve ang best actress award yearly!”

“Sinabi mo pa, Direk! At tignan mo naman ang face, napakaganda! Hindi na nga kailangan ng make-up ng batang ito,” dagdag pa ng isang staff.

I offered a small smile as they started retouching my make-up.

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon