Huli - Ang Pagtakas

146 16 13
                                    

Hinarap ko ang salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. She told me before that she likes seeing me in casual clothes so I made sure to wear one today.

I put some wax on my hand and started fixing my hair. I am not a fan of these clean cut hairstyles but that changed when I overheard her talking to a fellow actress. Ang sabi niya ay mahilig siya sa mga lalaking mukhang malinis, lalo na ang buhok. Ayaw daw niya sa mga mahahaba ang buhok na daig pa ang mga babae.

Kinuha ko rin ang regalo niyang pabango sa akin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nauubos sapagkat ginagamit ko lang tuwing espesyal ang okasyon. Tulad ngayon.

"You really like that perfume, don't you?"

I turned and looked at her. Nakahilig sa hamba ng pintuan ang aking ina. Nakasuot pa ito ng apron at amoy pancakes pa. "It's her gift, mom. Lahat ng bigay niya ay nagiging paborito ko."

Lumapit ito sa akin at nginitian ako. She tiptoed and tried to kiss me on the cheeks but I immediately avoided her. "Malaki na talaga ang anak ko at mukhang hindi ko na pwedeng halik-halikan na parang baby."

"Mom! Stop it, baka ma-late ako."

She shook her head while smiling. "Ikaw talagang bata ka, sige na at pasasagutin mo pa ang nililigawan mo. Don't come home without a yes, okay?"

"Ni hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw, ma," natatawang sabi ko sa aking ina. "Don't pressure me, okay?"

"Ang bagal mo naman kasi, anak!"

"Mom..." I trailed and gave her that look. "Alam mo namang---"

"—I know, I know," she interrupted. "Don't give me that look, anak. Baka magsumbong ka pa kay Idlena at dalawin ako rito sa bahay."

Sa huli ay itinulak na ako palabas ng bahay ng aking ina. Sobrang kulit pa rin nga at pinabaunan pa ako ng niluto niyang pancakes. Napailing na lang ako noong nilagay niya pa ito sa Tupperware na mayroong design na superheroes.

She still thinks I'm a baby.

Bago tuluyang dumiretso sa aking pupuntahan ay huminto muna ako sa suki kong flower shop. Nanay Flor instantly waved at me when she saw me parking in front. Hindi kalakihan ang shop niya ngunit nagustuhan ko ang kasimplehan nito.

Nanay Flor was even asking me before why I chose to buy at her shop even though there are a lot of expensive-looking shops out there.

Sumalubong sa akin si Nanay Flor, "Jeophiel, hijo, halika pasok ka."

Nagmano naman ako sa matanda at nginitian ito. "Nay, iyong palagi ko hong binibili. Gandahan niyo ho ang ayos ha."

Hinatak niya ako papasok ng shop at pinaupo muna sa isang tabi. Tinawag niya ang helper niya at sinabi rito ang kadalasan kong order.

"Alam mo nagtataka na talaga ako diyan sa nililigawan mo, hijo," pagsisimula ni Nanay Flor. "Aba, e, halos dalawang taon ka nang bumibili ng bulaklak dito sa akin at hanggang ngayon ay mukhang hindi mo pa rin napapasagot."

Ngumisi naman ako. "Ewan ko rin ba, Nay, pogi naman ho ako 'di ba?"

Tumango-tango ito bilang pagsang-ayon. Pero biglang kumunot ang noo nito at hinampas ako sa braso. "Baka naman kasi may iba ka pang pinopormahan kaya hindi mo makuha ang matamis niyang oo!"

"Grabe naman kayo sa akin, nay," nagpanggap akong nasaktan. "Gwapo lang ako pero hindi ho ako babaero, loyal na loyal nga ho ako sa kaniya. Ni tumitig sa ibang babae ay hindi ko magawa."

"Aba'y dapat lang, hijo! Dapat ang puso ay sa isa lamang magmamahal, hindi iyong papalit-palit at hindi nakukuntento sa isa."

Bago pa ako muling makapagsalita ay lumabas na ang babaeng helper ni Nanay Flor at inabot sa akin ang isang bouquet ng sunflower.

I took out my wallet and pulled some bills. I smiled at Nanay Flor as I handed her the money.

"Nako, hijo, lagi kong sinasabi sa'yo na wala akong panukli sa malalaking pera," pagpapa-alala ng matanda sa akin.

Nginitian ko na lamang muli ang matanda saka ako sumakay sa aking sasakyan. Inilagay ko ang boquet sa shotgun seat. Mabuti pang bilisan ko na ang pagmamaneho at baka naiinip na si Idlena.

Binati ako ng gwardya nang matanaw ako sa loob ng sasakyan. I placed my right hand at the end of my brow and playfully saluted.

Ipinarada ko ang aking sasakyan sa labas ng kulay puting gate. Mula sa aking bulsa ay inilabas ko ang isang susi upang buksan ang padlock. Sa sobrang dalas kong bumibisita rito ay naisipan ng pamilya ni Idlena na bigyan na ako ng sarili kong susi.

"Good morning," masigla kong bati sa nakangiting si Idlena. "Hindi ka pa nagsasawa dito sa mga sunflower na palagi kong dala?"

Napailing na lang ako sa aking sarili nang hindi ito sumagot. Palagi naman.

"Are you finally happy?" muli ko pang tanong.

Siguro nga maniniwala na ako sa kasabihang 'time heals everything'. Hindi gaya noon na sa tuwing maalala ko ang maikling bakasyon namin sa kaniyang bahay sa Pangasinan ay nawawala ang ngiti sa aking labi, now I can finally reminisce without tears streaming down my cheeks.

"Anak..." lumapit sa akin ang aking ina at naupo sa tabi ko.

"Ang biglang pagkawala ng aktres na si Idle Garcia ay nabigyan na ng kasagutan. Tinatayang halos dalawang araw itong pinaghahanap matapos itong umalis sa kaniyang contract signing noong Martes," huminto ang reporter at tumingin sa kaniyang cue card.  "Kanina nga ay isang masamang balita ang nakarating sa aming team. Sa isang liblib na bayan sa Pangasinan ay natagpuan ang walang buhay na katawan ng aktres na si Idle Garcia. Ang nasabing pagkamatay ng kilalang aktres ay naganap bandang alas otso ng gabi sa kaniyang silid sa isang lumang bahay na kaniyang pag-aari. Ayon sa ospital na pinagdalhan sa aktres ay nakatanggap sila ng tawag sa isang 'di kilalang tao--"

"That was me, mom!" galit kong sigaw. "Ako iyong tumawag sa kanila...bakit hindi nila ako pinangalanan?"

"—naabutan daw nila ang aktres na mag-isa sa bahay at bumubula ang bibig nito. Sa tabi ng kaniyang katawan ay ilang bote ng gamot ang natagpuan. Hinihinalang sinadya ng aktres ang pagpapakamatay gamit ang mga gamot na ito."

A video played on the tv screen—it was Idlena, her body on the floor while people wearing lab coats are surrounding her. Ilang pulis din ang nasa eksena na naglalagay ng kulay dilaw na tape sa paligid ng crime scene.

Nanginginig ang aking kamay habang pinapanood ko ang sarili sa telebisyon, nandoon ako sa tabi ni Idlena—simula noong dumating ang ambulansya, ang mga pulis, hanggang sa tuluyan na siyang isinakay sa ambulansya. Nandoon ako. Alam kong ako iyon, ako iyong hindi umaalis sa kaniyang tabi.

But I was blurred out of the video.

"Ilang testamento ang nakalap namin patungkol sa nangyaring ito. Ilang saksi ang nagsabing nakita nila ang dalaga na mag-isang bumyahe patungong Pangasinan. Maging ang mga nasa palengke ay umaming namataan nga nila si Idle Garcia sa kanilang bayan. Nakakuha rin kami ng pahayag sa tricycle driver na naghatid sa dalaga---"

Mabilis kong kinuha ang remote at pinatay ang telebisyon.

Tangina. Nagdidilim ang paningin ko.

Napakalinis ng trabaho nila. Ang galing-galing nilang gumawa ng panibagong istorya, napakahusay nilang pagtakpan ang mga nangyari.

"Si daddy..." bumuga ako ng hangin. "...siya ang gumawa nito hindi ba? Siya iyong putanginang nag-utos na tanggalin ang pangalan ko sa istorya ng pagkamatay ni Idlena?"

Hinaplos ng aking ina ang braso ko upang huminahon ako. "Anak, ayaw lang niyang madamay ka sa nangyari."

Tinanggal ko ang kaniyang kamay at matalim ang tinging hinarap siya.

"No, mom." Umiling ako. "Hindi ako ang pino-protektahan niya kundi iyong pangalan ng pinakamamahal niyang network! Lahat na lang pinakialaman niya sa buhay ko, lahat na lang gusto niyang kontrolin para maging perpekto ang imahe ko harap ng mga tao..."

"Sinunod ko naman lahat ng gusto niya! Nilayuan ko na nga si Idlena kasi ayaw niyang madamay ang pangalan ko sa mga kontroberya, pati pamilya ni Idlena pinakailaman niya pa para lang pumayag ako sa mga gusto niyang mangyari..."

"Gusto niya lang mapabuti ang lagay mo, anak."

I turned my back at her. Hindi ko siya kayang pakinggan ngayon.

Lumapit ako sa dingding at pinagmasdan ang mga naka-frame na certificates. Lahat iyon ay puro pangalan ko ang nakalagay, halos mapuno na nga ang kwarto ko ng di mabilang na mga parangal. Sa galit ko ay isa-isa kong tinanggal ang mga iyon at binagsak sa sahig.

The room was filled with the deafening sound of glasses shattered on the floor and my mother's cries.

"Anak, please...don't be like this," pakiusap niya.

"Ano pa bang gusto niya?" nanginginig ang labing tanong ko sa aking ina. "Dahil sa putanginang mga plano niya, pati babaeng mahal ko ay sinaktan ko. Hirap na hirap akong makita siyang lumuluha sa akin habang nagsisinungaling siya...habang sinasabi niya sa aking ayaw na niya dahil hadlang ako sa pangarap niya. But I know the truth, and it hurts me bigtime that it was me who caused her all those hardhips and problems."
Napailing-iling ako habang ngumingiti nang mapait. "Naisip ko nga...sana hindi na lang ako nakilala ni Idlena. Siguro maayos ang buhay niya ngayon, siguro hindi nagulo ang buhay ng pamilya niya. Siguro...siguro...siguro buhay pa siya ngayon at masaya."

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang umagos ang bawat patak ng luha pababa sa aking mukha.

"Tangina..."

"I kept on asking her...asking her what happened to her...pero putangina ako naman gumawa ng lahat ng iyon sa buhay niya! Ako naman itong naging dahilan ng pagkasira niya...ako naman talaga ang dapat na humihingi ng tawad sa lahat ng kagaguhang ginawa ng ama ko. Dapat nga...dapat ako iyong nakahiga ngayon sa kabaong---"

"Huwag kang magsalita ng ganyan, anak..."

Sa labis na panghihina ng aking tuhod ay napaupo na lamang ako sa sahig. Dahan-dahan kong tinignan ang mukha ng aking ina na kanina pa rin lumuluha.

"Ang gago ng anak niyo ma," I smiled bitterly. "Mahal na mahal niya si Idlena pero bakit niya sinaktan? Bakit niya hinayaang umabot sa ganito? Bakit hindi niya ipinaglaban? Bakit...bakit ang gago niya na nga...ang duwag duwag niya pa?"

Lumipas ang ilang araw na nanatili lamang ako sa aking silid. Huwebes...Biyernes...Sabado...Linggo. Sa loob ng apat na araw na nakaburol si Idlena ay ni minsan hindi ako nagpakita sa memorial hall. Ilang beses kong sinubukang dumalaw sa kaniya...pero ang tanging kaya ko lang gawin ay tumanaw sa kaniya mula sa aking sasakyan.

Nahihiya ako sa kaniya.

Pakiramdam ko ay wala akong karapatang malungkot sa kaniyang pagkawala. Kasalanan ko naman, kasalanan ko...kaya hindi dapat ako ganito.

Sa araw ng kaniyang libing ay tinibayan ko ang aking loob. Nang masiguro kong nakaalis na ang lahat ng dumalo sa kaniyang huling hantungan ay lumabas na ako ng aking sasakyan.

Ang bawat hakbang na aking ginagawa palapit sa kaniya ay parang punyal na unti-unting bumabaon sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay para akong pasyente na dahan-dahang nawawalan ng hininga.

Pero tangina, kulang pa nga itong nararamdaman ko.

Nang marating ko ang pinaglibingan sa kaniya ay dahan-dahan akong napaluhod dito. I caressed the black marble with her name on it.

Idlena "Idle" Razon Garcia
February 20, 1995 – March 26, 2019

"Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw sa'yo," tinignan ko ang litrato niyang nakapatong dito. "Naduwag na naman kasi ako, natatakot akong humarap sa'yo sa sobrang dami ng naging kasalanan ko. Natatakot din akong...akong tanggapin na wala ka na."

Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang bawat patak ng luha sa kaniyang pangalan.
"Madaya ka, Idlena." I said as I look at her smiling face. "Ang sabi mo, magpapahinga ka lang saglit...ang sabi mo ipagluluto mo pa ako ng sinigang...ang sabi mo saglit ka lang...hindi mo naman sinabing panghabambuhay na pahinga pala ang gusto mo."

Hinawakan kong muli ang kaniyang picture frame. Tulad noon ay hindi pa rin nagbabago ang matamis niyang ngiti. Iyong ngiti na isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang limutin siya.

"Iyon lang naman ang gusto ko, Idlena..." ibinalik ko ang kaniyang litrato sa dating kinalalagyan nito. "...gusto kong maging masaya ka. You deserve to be happy after all the pain I have caused you."

Ngumiti ako sa kaniyang larawan. "At saka nga pala, huwag mo na akong masyadong kulitin sa panaginip. I already read the letter you left for me."

Naalala ko noong binasa ko ang kaniyang sulat isang linggo na ang nakakalipas. Sa loob ng dalawang taon ay noon ko lamang nahugot ang lakas ng loob upang basahin iyon. Natagpuan ang ilang sulat sa kaniyang bag sa bahay sa Pangasinan.

Sulat para sa kaniyang pamilya, ilang kaibigan, kay Manager Fia at para sa akin.

"Kahit kailan talaga ay napaka-organized mo, Idlena. Pati ba naman lovelife ko ay ginawan mo pa ng plano para sa akin," napakamot ako sa aking ulo dala ng hiya. "I know, I know...you'll tell me that I don't know how to court a girl. Hindi naman kasi kita niligawan noon, you immediately gave in to this pogi face of mine..."

I laughed at my own joke. Siguro kung katabi ko lang ngayon si Idlena ay nahampas na naman ako noon o 'di kaya'y binara ang aking biro.

"Si Helena, iyong secretary ko..." napatigil ako nang maramdaman ang pangangati ng aking tainga. I'm sure as hell it's already red!

Tangina bakit ba ako nahihiya sa harap ng puntod ni Idlena?

"I've been noticing her these past few days," napailing-iling ako habang inaalala ang mga kahihiyang nagawa ko sa harap ng aking secretary. "Siguro nga psychic ka, Idlena, tama ka at nagulat nga ako noong mabasa ko ang pangalan ng aking secretary sa iyong sulat. Bakit pati iyong magugustuhan ko ay nahulaan mo kung sino?"

"You like her for me, right?" I asked. "Ang hirap mo naman kasing kalimutan...sobrang hirap. Pero tulad ng gusto mo na makahanap ako ng taong magpapasaya sa akin kapag...kapag wala ka na...gagawin ko, Idlena."

I wiped the stubborn tears on my face. "I will start courting her today, Idlena. Hindi na ako magpapakaduwag, kahit ano pang sabihin ng aking ama ay hindi na ako matatakot gaya noon."

"Wish me luck, Idlena."

Ikinabit kong muli ang padlock sa maliit na gate ng kaniyang museleo. Before hitting the road, I glanced one last time at the white mausoleum.

Akala ko noon ikaw itong nagbaba ng mga bagaheng pasan mo. Akala ko ikaw iyong tumatakas sa mga problemang ibinabato sa'yo ng buhay. Akala ko ikaw lang ang tumatakbo papalayo sa lahat ng bagay na sumasakal sa'yo.

Ako rin pala.
Ako pala ang unang nag-iwan ng mga pasanin ko. Ako pala iyong tinitigan ka lang habang isinisiksik mo sa iyong likod ang mga bagaheng ibinaba ko. Ako pala iyong tunay na tumatakas sa mga sitwasyong hindi ko magawang harapin.

Pero hindi na ngayon.

I hope you're proud of me, Idlena. Hindi na ako tatakas pa.


Wakas

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon