Kinuha ko ang isang itim na backpack at mabilis na naglagay ng ilang damit. Binuksan ko ang dulong drawer at hinugot ang isang wallet doon.Alam kong magagamit ko ang perang itinabi ko rito at ngayon ang araw na iyon.
Isang puting t-shirt ang isinuot ko at maong na pantalon ang sa pang-ibaba. Tinanggal ko ang kolorete sa aking mukha, maging ang mga hikaw at kwintas ay itinago ko sa aking drawer.
I put on the black facial mask and the sunglasses. Itinali ko ang aking buhok at ipinatong ang itim na sombrero sa aking ulo.
I stared at my reflection in the mirror. With all the covers in my face, I’m sure they will no longer recognize me as Idle Garcia.
Isinukbit ko ang backpack at naghanda na sa pag-alis. Matapos ang huling tinging iginawad ko sa aking silid at isinara ko na ang pinto.
Napatingin ako sa saradong pinto ng silid ni Rafa. Sa huling pagkakataon ay humakbang ako palapit dito at binuksan ang door knob. Tulad ng aking inaasahan ay tulog pa rin ito.
I wanted to go near him but I stopped myself. Mas mabuti na sigurong hindi niya alam.
Muli kong nilingon ang labas ng aking bahay bago tuluyang tumulak paalis. Naaalala ko pa noong nabili ko ito, dalawang taon na ang nakakalipas. Akala ko ay iyon na ang tinatawag nilang tagumpay, ngunit hindi pala.
Natigilan ako nang marinig muli ang aking ringtone, kanina pa ito tunog nang tunog. Inilabas ko ang cellphone at nakitang mayroon akong 63 missed calls—ang iba’y mula kay Manager Fia habang ang ilan ay mula sa isang unknown number.
I turned off my phone and put it inside my jean pocket.
Agad kong pinara ang taxi na dumaan sa labas ng subdivision. Maingat akong nagsalita at sinabing ihatid ako sa bus station.
Pagkababa ay pumila kaagad ako sa bilihan ng ticket. Nang matanggap ko ang ticket ay kinumpirma ko kung tama ang destinasyon nito.
Luminga-linga ako upang hanapin ang aking bus na sasakyan. Nang matagpuan ko ito ay agad akong sumakay at naupo sa bandang gitna sa kanang bahagi, katabi ng bintana.
Itinali ko ang kurtina upang pumasok ang hangin sa loob. Ordinaryong bus lamang ang bumibiyahe patungo sa lugar na iyon kung kaya’t ito ang sinakyan ko.
I noticed that there are still a lot of vacant seats inside the bus. And I know that we still have to wait until all seats are occupied before we push through.
Hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang talagang makaalis na sa lugar na ito. Gusto kong makatakas man lang kahit sandali.
I glanced at my wristwatch. It might take an hour or so before the bus leaves. Mas mabuti siguro kung iidlip muna ako.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nang biglang prumeno ang bus ay bigla na lamang akong nagising dahil sa matinding paggalaw.
When my eyes finally adjusted, I glanced outside the window. Gone are the huge buildings and billboards, all I see now are trees and a few houses.
Siguro nga ay nakatulog ako nang matagal, nakaalis na kami sa kabihasnan.
Inayos ko ang aking pag-upo dahil sa tagal ay nangawit rin ako. Dahil dito ay hindi sinasadyang napatingin ako sa aking katabi. Nakasuot din ito ng cap at itim na salamin, at habang tumatagal ay napagtanto ko kung sino ito.
Uminit agad ang aking ulo. Marahas ko itong tinapik sa balikat at pilit na ginising.
After a few tries, he slowly opened his eyes. He adjusted in his seat and fixed his cap. Nang mapagtanto nitong kanina pa ako nakatingin sa kaniya ay ngumiti siya sa akin. “You’re awake?”
Anong nginingiti-ngiti nitong gagong ‘to?
Hinarap ko siya nang seryoso. “Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nakasakay ako rito ha?”
“I followed you, Idlena.”
I gritted my teeth. “Bakit ba napaka-pakialamero mo, Adraneda? Sinong nagsabi sa’yo na pwede mo akong sundan?”
“I’m sorry,” napayuko siya nang bahagya. “Nag-alala lang naman ako sa’yo dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ka rin makausap ng iyong manager.”
“Bumaba ka na,” mariin kong utos sa kaniya.
He looked at me questioningly.
“Ang sabi ko bumaba ka ng bus. Nakita mo namang maayos ako, kaya huwag mo na akong sundan pa.”
Umiling siya. “Saan ka ba pupunta? Sasamahan kita.”
I don’t know what the heck this guy is thinking! Simula noong gabi sa balcony ay ginugulo ako ng kaniyang mga kilos. Matagal na kaming walang interaksyon, tapos na ang mga panahong iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit narito siya ngayon.
I mocked him with a laugh. “Tanga ka ba, Jeophiel? Hindi party ang pupuntahan ko para sumama ka pa. Kaya’t sinasabi ko sa’yong bumaba ka na dahil hindi ko kailangan ng kasama.”
“Alam ko. Gusto lang kitang samahan.”
“Tangina,” tinitigan ko siya nang masama. “Ano bang gusto mo ha? Hindi mo ba nakikitang gusto kong mapag-isa? Pagod na pagod na ako, Jeophiel.”
Mabilis kong iniwas ang aking mga mata nang maramdaman ang pamamasa nito.
Tumigin ako sa labas ng bintana at huminga nang malalim. “Gusto kong mapag-isa…” muli kong ibinalik sa kaniya ang tingin. “…kaya pwede bang umalis ka na?”
Halo-halong emosyon ang nakikita ko ngayon sa kaniyang mga mata. Ni hindi ko mawari kung alin ba ang nangingibabaw, ngunit alam kong naguguluhan din siya gaya ko.
“Pasensya na, Idlena. Hindi kita mapapagbigyan ngayon.”
“At bakit?” naguguluhang tanong ko. “Hayaan mo na ako. Gulong-gulo na ako sa aking sarili, kailangan kong lumayo muna.”
“Hindi naman kita guguluhin,” paniniguro pa niya.
Ramdam kong hindi ito magpapatalo sa akin kaya kailangan kong gumawa ng ibang paraan. Hindi ko maintindihan kung bakit pa ito sumunod pa sa akin. Pero isa lang ang alam ko, hadlang siya sa gagawin kong pagtakas sa aking mga problema.
I immediately wore my backpack and was about to shout “para po” when he hurriedly put his palm on my mouth. I tried pushing his hand away but he was just too strong.
“Ituloy mo ang pinaplano mo at sisigaw akong nandito si Idle Garcia,” tumingin siya sa akin at ngumisi. “You don’t want that, do you?”
Peste.
Inirapan ko na lamang ito. Alam na alam talaga niya ang gagawin upang mapasunod ako sa kaniyang kagustuhan.
Maya maya ay tinanggal na rin naman niya ang kamay sa aking bibig. Mabilis kong pinunasan ng panyo ang aking bibig. Ibinalik ko sa baba ang aking backpack at nanahimik na lamang.
Ngumiti ito nang makitang ibinalik ko ang aking gamit. “Madali ka naman pa lang kausap, Idlena.”
“At tuso ka pa rin talaga, Jeophiel,” naiinis kong sambit.
Hindi ko na lamang siya pinagtuunan pa ng pansin at tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Nakakapanibago ang tanawing nakikita ko ngayon, laki akong Maynila kung kaya’t hindi ako pamilyar sa kalikasan. Usok at naglalakihang gusali ang kinasanayan kong makita.
I can’t help but close my eyes as I felt the fresh air on my face. Maingay man ang tunog ng makina ng bus na aking sinasakyan ay nakakaramdam pa rin ako ng katahimikan para sa aking sarili.
Siguro’y dahil sa wakas ay nakalayo na ako sa nakasisilaw na flash ng mga camera. Sana ay palagi na lamang ganito.
For the second time around, I felt myself surrendering to the call of sleep.
***
“Idlena, gising.”
Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ko ang marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakita kong malapit sa akin ang mukha ni Jeophiel kaya agad ko siyang itinulak papalayo.
Lumapit ang isang matandang lalaki sa aming pwesto na sa palagay ko ay ang konduktor. May naksuksok kasing ticket sa kaniyang bulsa. “Gising na ba iyong nobya mo, hijo?”
Nobya? Napakunot ang aking noo sa narinig.
“Ay opo, manong,” sagot ni Jeophiel sa tanong ng matanda. “Pasensya na ho at tulog mantika kasi siya kaya medyo nahirapan akong gisingin.”
Napatingin ako sa labas at napagtantong nakarating na pala kami sa istasyon. Mukhang kanina pa nakatigil ang bus at kami na lamang dalawa ang laman nito.
Ugh, nakakahiya. Bakit ba kasi ang tulog mantika ko?
Tumayo na si Jeoph at sa gulat ko ay bigla na lamang nitong isinukbit ang aking backpack. Dahil dito ay napansin kong wala pala itong dala na kahit ano.
I decided to just let him do that because I don’t want to cause a ruckus. People might recognize me if I create a scene here.
I followed Jeoph outside. Sa tantiya ko ay halos apat na oras din ang naging byahe naming mula Maynila. Pinagmasdan ko ang istasyon ng bus at napadako ang aking pansin sa pila ng tricycle sa gilid. Kung tama ang aking naalala ay dalawang sakay pa mula sa istasyong ito bago marating iyon.
“Idlena? Saan ba tayo pupunta?” tanong niya.
Kanina pa ito nang tanong sa akin, mula pa noong nasa bus kami. Ngunit katulad ng hindi ko pagpansin sa kaniya kanina ay hindi ko ito muling binagyan ng sagot. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papunta sa pila.
“Sandali, Idlena!”
Nakahabol rin naman siya sa akin dahil mahahaba ang kaniyang binti. Nang sumakay ako sa loob ng tricycle at sumunod din siya at naupo sa aking tabi.
“Saan kayo, ineng?” tanong ng driver.
Saglit itong napasulyap sa akin kaya’t ibinaba ko ang aking cap at nag-iwas ng tingin. “Pakihatid niyo ho kami sa bayan, sa may pamilihan.”
The driver nodded and started the engine. Mabilis na sumibad ang aming sinasakyan patungo sa lugar na binanggit ko. Wala sa sariling napatingin ako sa salamin sa loob ng tricycle, mula doon ay tahimik kong pinagmasdan si Jeophiel.
Tanggal na ang sunglasses nito kaya’t kitang-kita na ang kaniyang mukha. Tahimik siyang nakatanaw siya sa mga palayang nadadaanan.
I was shocked when he suddenly looked at the mirror and caught me staring at him. Immediately, I averted my eyes and focused on the road instead.
Tumambad sa aming harapan ang pamilihang bayan. Hindi ito kalakihan tulad ng normal na palengke sa Maynila dahil na rin siguro sa hindi karamihang populasyon ng bayang ito.
Jeophiel looked at me and carefully asked. “What are we doing here? Saan mo ba talaga balak magpunta, Idlena?”
“Ang sabi mo’y hindi ka mangugulo,” paalala ko sa kaniya. “Kaya sumunod ka na lang sa akin kung gusto---”
A ringtone interrupted me. My eyebrows shot up when Jeophiel took out his phone and placed it in his right ear.
“No,” sagot niya sa kausap. “Wala ako sa office.”
“Idlena?” napatingin siya sa akin. “Hindi ko---”
Kinabahan ako nang banggitin niya ang aking pangalan. Bago pa man siya muling makasagot sa kausap ay mabilis kong hinablot ang kaniyang cellphone at pinatay ito.
“I was answering a call, bakit mo biglang ki---”
I crossed my arms at him. “—at balak mo pa talagang sabihin kung nasaan ako ha? Sinabi ko naman sa’yong gusto ko munang lumayo. Bakit ba hindi ka makaintindi?”
“I’m not gonna tell anyone of your whereabouts,” he firmly said. “Bakit ba hindi ka magtiwala sa mga salita ko, Idlena? Kung hindi mo kinuha ang cellphone ko ay sasabihin ko sanang hindi ko alam kung nasaan ka.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. Inis akong naglakad papalapit sa kanal, kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at pati ang kay Jeophiel. Inilagay ko ang dalawang cellphone sa kanal at mabilis na inanod iyon kasama ng ilang mga basura.
“Idlena!” naiinis na sigaw niya. “Anong ginawa mo?”
“They will trace me through those phones!” galit na paliwanag ko. “Kung ayaw mo sa ginawa ko ay bumalik ka na lang ng Maynila at iwan mo na ako.”
Hinila ko ang backpack mula sa kaniyang likod. I turned my back on him and started walking towards the entrance of the market.
I was hoping he wouldn’t follow me anymore but I guess I’m hoping for impossible. Noon pa man ay hindi talaga mapipigilan si Jeophiel sa kaniyang mga gustong gawin. Sinuyod namin ang buong palengke upang mabili ang mga kailangan.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang mga dapat kong bilhin kaya’t namili ako ng karne, isda at gulay. Kung gaano ako katagal mananatili rito ay hindi ko rin alam. It’s better to buy a lot than to starve later.
Ang lahat ng pinamili ay pinabuhat ko kay Jeophiel. Tutal ay gustong-gusto niyang sumama ay mabuting pakinabangan ko siya. Hindi naman ito nagrereklamo.
Nang marating ang bilihan ng damit ay itinulak ko papasok si Jeophiel. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.
Inis akong bumuntong hininga. “Obvious ba? Buy your clothes! Wala akong ipapahiram sa’yo.”
“Uh…” nahihiyang lumingon ito sa akin. “Gaano ba tayo katagal dito?”
“I don’t know! Basta bumili ka ng kailangan mo.”
Isinakay ni Jeophiel ang lahat ng ipinamili sa tricycle. Sinabihan ko ang driver na huwag nang maghantay ng ibang pasahero at babayaran ko nang buo ang biyahe. Matapos kong sabihin ang address ay sumibad na ito.
“Saan ba talaga tayo pupunta, Idlena?”
“Can you shut up?” I asked, irritation laces my voice. “Kung ayaw mong sumama ay hindi naman kita pinipilit.”
“Sabi ko nga hindi na ako magtatanong,” mahinang bulong nito ngunit rinig ko naman.
Hindi ko na lamang siya pinansin hanggang sa marating na namin ang lugar. Nagbayad ako sa driver at nagpasalamat. Ibinaba naman ni Jeophiel ang mga pinamili at sumunod sa aking maglakad.
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ang aking hinahanap. Sa aming harap ay isang lumang bahay na mayroong dalawang palapag. Ang disenyo nito ay hango pa noong panahon ng mga Espanyol, malawak ang hardin sa harap at may iilang puno sa paligid.
“Kaninong bahay ito?” tanong niya.
To be continued…
BINABASA MO ANG
Takas
Short StoryIdlena "Idle" Garcia, the most sought-after actress of her time, is a brave woman who doesn't back down to challenges. Sa murang edad ay ito ang naging bread winner ng pamilya, nagsimula sa pagiging print ad model at nang lumaon ay naging reyna ng t...