Pinagmasdan ko ang loob ng bahay. Katulad pa rin ito noong huli kong pagbisita dalawang taon na ang nakararaan. Bahay ito ng aking lola na kaniyang ipinamana sa akin noong siya’y pumanaw na.
But no one in the family knows about this house in Pangasinan. Maging ako ay nalaman lang na mayroong ganitong pag-aari ang aking lola ng kinausap ako ng kaniyang attorney.
It was a secret property, according to my lola’s friend. Ibinigay raw ito ng dating kasintahan ng aking lola na isang Espanyol. Kung bakit sa akin ito ipinamana ay hindi ko rin alam.
Halos isang ektarya ang lawak ng lupang kinatitirikan ng bahay na ito. Malayo sa kabihasnan kung kaya’t halos wala ring bahay na malapit. Maayos pa ang bahay dahil lihim ko itong pinababantayan at ipinapaayos simula ng matanggap ko ito.
Isa-isa kong binuksan ang naglalakihang bintana. Napapaubo ako dahil sa makapal na alikabok na aking nalalanghap. Siguro’y matagal na noong huling punta ng taga-linis.
I glanced at Jeophiel who’s still standing by the door. By the look on his face right now, I know he’s in deep thought.
“Tatanga ka na lang ba diyan?” pagkuha ko sa atensyon niya. Inihagis ko sa banda niya ang hawak kong walis at dust pan. “Maglinis ka. Hindi ka bisita rito.”
He was stunned with the idea of cleaning but he did it anyway. Alam kong hindi ito sanay sa ganitong gawain dahil anak-mayaman siya. Pero ni isang beses ay walang reklamong lumabas sa mga labi nito.
Nang matapos ang aming paglilinis sa ibabang parte ng bahay ay nagsimula nang dumilim ang kalangitan. Doon ko rin napagtanto na pareho kaming hindi na nakakain ng tanghalian dahil sa pagiging abala sa paglilinis.
Iniwan ko si Jeophiel sa sala kung saan siya nakaupo’t nagpapahinga. Tinignan ko ang mga pinamili kanina sa palengke at nag-isip nang maaaring lutuin.
I know how to cook but I’m not an expert. Iilang putahe lamang ang natutuhan ko sa mga pagbabakasyon ko sa bahay ng aking lola noong teenager pa lamang ako.
Bahala na.
Tinawag ko si Jeophiel noong matapos ang aking adobo. Agad naman itong nagtungo sa dining area at kinuha ang dala-dala kong mga pinggan.
We started eating in silence. The taste of my adobo was okay…I guess. Ilang subo pa lang ang nagagawa ko ay nakita ko na lamang ang sarili na nag-aabang ng kaniyang reaksyon.
Hindi ko inaasahang mapapatingin ito sa akin kaya agad kong iniwas ang aking tingin. I don’t understand myself at times. Why am I even anticipating his opinion on my cooking?
“It’s good,” he smiled at me.
Inirapan ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagkain. Pilit kong pinigilan ang ngiting unti-unting namumuo sa aking labi.
I shook my head. Gutom lang siguro ito.
***
Sa sobrang haba ng araw na ito at sa dami ng nangyari ay gusto na lamang magpahinga ng aking katawan. Sinubukan kong humiga at ipikit ang aking mga mata ngunit tatlumpung minuto na ang lumilipas ay wala pa ring nangyayari.
The thoughts running inside my head won’t let me have a good slumber.
Since it seems that I won’t be able to sleep anytime soon, I just stood up and went out of my room. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. I know I bought these beers for a good reason.
With two bottles of beer on my hand, I stepped out of the main door. I shivered when I felt the cold air against my skin.
Tinungo ko ang paborito kong parte ng bahay—ang terasa. Naupo ako sa isa sa mga upuang kahoy at ipinatong ang boteng hawak sa lamesita.
Katulad noong huling pagbisita ko rito ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa kalangitan. From where I’m sitting, the view of the vast nightsky is indeed spectacular. I have always loved watching it, it was a reminder that we are just a speck of dust in this universe.
A very lucky speck of dust given an opportunity to witness and experience the beauty of the world.
Kinuha ko ang isang bote at binuksan ito gamit ang isa pa. Nang mabuksan ito ay agad kong itinapat sa aking labi at unti-unting uminom.
Its bitter taste caused me to heave a sigh.
“Hindi ka rin makatulog?”
It would not take a genius to know its Jeophiel. Siya lang naman itong nagpumilit sumama sa akin na akala mo’y close kaming dalawa.
Naupo ito sa aking tabi ngunit nagtira pa rin ito ng kaunting distansya sa aming pagitan. Dapat lang.
He was wearing the basketball shorts he bought earlier in the market. Natatakpan naman ng pulang jacket ang sandong puti na suot nitong pang-itaas.
Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong at uminom muli sa aking bote.
“You still love watching the nightsky,” he said.
Muling umihip ang hangin na nagdala ng lamig sa aking katawan. Pinagsalikop ko ang aking mga braso upang kahit paano’y maibsan ito.
Nabigla na lamang ako nang nabawasan ang lamig. Hindi dahil sa pagkiskis ko ng aking mga palad kundi dahil sa pulang bagay na ngayon ay nakapatong na sa aking balikat.
I felt him placing the jacket on my shoulders. “And until now, you still forget to bring a sweater whenever you go stargazing.”
Ramdam ko ang kaniyang pagtitig sa akin. The intensity of his stare is too much, and I know it was a coward thing to do but I still did. I avoided his eyes.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Idlena.”
Sa sinabi niyang iyon ay tila ba natauhan ako. Siguro nga ay ito ang dahilan kung bakit matapos ang ilang taong walang ugnayan ay bigla na lamang siyang sumasali sa gulo ng aking buhay.
Humarap ako at sinalubong ang kaniyang mga mata. “Ano ba talagang gusto mo, Jeophiel? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? I’m telling you right now that the Idlena you once knew is not me.” I looked away. “Marami nang nagbago.”
“Siguro nga…marami na,” muling pahayag nito. Bigla na lamang nitong inabot ang isang beer sa lamesita at mabilis na uminom mula rito. “Pero alam kong nandiyan pa rin ang Idlena na nakilala ko noon.”
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sa loob ng ilang minuto ay tahimik kaming uminom ng alak sa kaniya-kaniyang bote.
“What happened to you, Idlena?” he asked, boring his eyes into mine. “What happened to us?”
It was one of the questions I can’t answer. Dahil ako mismo ay hindi rin alam ang sagot.
“You were asking why I was suddenly following you like a dog,” he took a gulp from his bottle. “I want answers. Ilang taon din akong natakot, ilan taon akong sumunod sa gusto mong mangyari. Pero hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko…”
I remained silent, looking at the bottle in my hand.
“I still care for you, Idlena. I still do,” he smiled bitterly to himself. “Tama ka, ang tanga-tanga ko talaga. Kahit pinili mo ang career mo kaysa sa akin, kahit pinagpalit mo ako para sa kasikatan mo…tangina mahal pa rin kita.”
Napapikit ako nang marinig ang pagkabasag ng boses niya. Hindi ko siya kayang tignan sa ganitong kalagayan. Ang akala ko ay tuluyan ko na siyang naialis sa aking sistema…ilang taon ko siyang pilit tinanggal sa aking isipan.
Pero tulad niya, niloloko ko lang din ang sarili ko.
“I’m sorry.” It was all I could say.
I wanted to say more. I wanted to answer all his questions. Gusto kong magsumbong na parang batang inagawan ng lobo. Gusto kong ipaliwanag ang lahat ng nangyari noon.
Gusto kong sabihin na hindi ko ginustong gawin iyon sa kaniya. Gusto kong sabihin na naipit lamang ako ng sitwasyon. Hindi ko siya kailanman ipagpapalit sa kasikatang tinatamasa ko hanggang ngayon. Kahit na iyon ang sinabi ko sa kaniya noon…na sagabal siya sa aking trabaho…na nagbago na ang nararamdam ko para sa kaniya.
Gustong-gusto kong ipagtapat sa kaniya ang lahat. Pero tulad noon ay hindi ko pa rin ito magawa hanggang ngayon. Tama nga siya, hindi pa rin nagbabago si Idlena.
Duwag pa rin ako.
Umusog siya palapit sa akin at pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang tumutulo na pala gamit ang kaniyang hinlalaki. “Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na ayokong nakikitang umiiyak ka?”
He’s still the same. The same Jeophiel I fell in love with.
“Ang hirap mabuhay,” mapait akong ngumiti. “Akala ko noon lahat ng problema ay may solusyon, at bawat umaga ay isang bagong pag-asa. Sinubukan ko namang gawin ang lahat…pero bakit kahit anong laban ko ay hindi ako nananalo?”
Naramdaman ko ang mainit na palad niyang sumalikop sa aking kamay. Mahigpit ang hawak niya dito na tila ba ayaw niyang makawala.
“Sabi nila ay nasa akin na ang lahat—pera, kasikatan at ganda. A lot of them envy me because of what I have achieved and where I am right now. Sino nga ba namang hindi gugustuhin ang buhay ko bilang artista hindi ba?”
I stared into our intertwined hands. I wish we could stay like this.
“When I was a kid, I was teased for wanting a simple life,” I smiled, remembering the old times. “Ako lang iyong gumuhit ng bahay-kubo na sa labas ay may isang alagang aso noong pinagpasa kami ng aming dream house. Lahat ng mga kaklase ko ay mansion ang iginuhit, may garden at swimming pool pa.”
Binalewala ko ang nagtatakang tingin niya sa akin.
“Umiyak ako noon. I told my mom that it’s what I really wanted but my classmates made my dream a laughing stock. At alam kong hanggang ngayon, kung maririnig lamang ito ng mga tao ay pagtatawanan pa rin nila ako. Si Idle Garcia, isang sikat na artista ay gusto ang simpleng buhay.”
Napailing ako sa sarili. “Malayo sa mapanuring mata ng mga tao, sa naglalakihang camera at nakakasilaw na kislap ng mga ito. At sa mga nakakasakal na alahas at makikinang na kasuotan.”
“Sobrang daming tao sa paligid ko, lahat nakatingin sa akin at pinapanood ang bawat kilos ko. Pero hindi ko maintindihan…kung bakit…bakit pakiramdam ko nag-iisa pa rin ako?”
He held my hand tighter. I know that he wanted to make me feel that he’s just there, whenever I need him. And I know that he will always be there.
Pero ayoko nang kumapit pa sa ibang tao. Ayoko nang ipapasan sa iba ang bigat ng bagaheng dala-dala ko. Mas mabuting ako na lang.
“Pagod na ako, Jeophiel.”
Hinawakan niya ang gilid ng aking ulo at isinandal sa kaniyang balikat. Paborito niyang gawin ito noon, kapag alam niyang naging mahaba ang araw ko.
“It’s late, Idlena.” he took a glance on his wristwatch. “Maybe it’s time for you to rest.”
Siguro nga iyon ang kailangan ko. Siguro nga.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Takas
Short StoryIdlena "Idle" Garcia, the most sought-after actress of her time, is a brave woman who doesn't back down to challenges. Sa murang edad ay ito ang naging bread winner ng pamilya, nagsimula sa pagiging print ad model at nang lumaon ay naging reyna ng t...