III - Kailan

107 16 8
                                    

Ilang beses ko nang sinusubukang tawagan ang aking manager ay hindi pa rin ito sumasagot. Kadalasan naman ay gising pa iyon ng ganitong oras, hindi ko malaman kung bakit hindi ko siya ma-contact ngayon.

This isn’t the first time that a police officer called me to bail Rafa.

Madalas ang ganitong pangyayari, sa sobrang dalas ay sanay na rin ang aking manager sa mga pabigla-bigla kong tawag. Alam na niya ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.

“Idlena,” pagtawag ni Jeophiel sa aking pansin. Halos nalimutan ko nang narito pa nga pala ako sa balcony at hindi pa rin umaalis ang isang ‘to.

Hinarap ko ito na may inis sa aking mukha. “Ano na naman?”

“Can I…” tumigil ito at tumigin sa akin nang may pag-aalinlangan. Tinaliman ko lamang ito ng tingin bilang tugon. “…can I help you with something?”

“Hindi na. Kaya ko na.”

For the nth time, I tried calling my manager again. Ngunit kung minamalas ka nga naman ay wala pa rin akong napala.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili at ibinato ko ang wine glass na hawak. Lumikha nang malakas na ingay ang pagkabasag nito.

Mabilis na lumapit sa akin si Jeophiel at hinila ako palabas ng balkonahe. Pinilit kong magpumiglas ngunit malakas ito kung kaya’t nahila niya ako paalis.

“Ano ba, Adraneda!” pagtulak ko sa kaniya nang marating namin ang gitna ng hallway. 

Dahan-dahan nitong pinakawalan ang aking braso na hawak niya. “Stop it, Idlena. Muntik ka nang masaktan sa ginawa mo kanina. Huwag mo na iyong uulitin at baka masugatan ka na sa susunod.”

“Wala ka na dapat pakialam kung masaktan man ako o hindi,” mabilis kong balik sa kaniya.

Iniwan ko na siya roon at mabilis na tinungo ang elevator. Ngunit talagang makulit ang lahi ng mga Adraneda sapagkat nakasunod pa rin ito sa akin.

I immediately pushed the close button inside the elevator but he was able to stop the door.

Sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili sa loob ng elevator kasama siya. Pinindot ko ang floor na para sa parking.

“Bakit ka ba sunod nang sunod ha? Ano bang trip mo?” naiiritang tanong ko.

“I’ll bail Rafa since you can’t get a hold of your manager.”

I closed my fist firmly. “Ilang beses ko bang uulitin sa’yo bago tumatak sa utak mo?” Humakbang ako palapit sa kaniya at itinulak ang kaniyang dibdib. “Stay away from me. Stay out of my life!”

He gently pushed my hand away. “You need my help, Idlena.”

“Talaga?” sarkastikong tanong ko. “Sige! Pumunta ka sa presinto at ilabas mo ang kapatid ko. Galingan mo rin ang pagsagot sa mga punyetang reporter! Baka nakakalimutan mong matunog ang pangalan mo sa media dahil isa ka sa board of directors ng kumpanya.”

“Hindi ako kasing sikat mo, Idlena,” mariin nitong pahayag. “It would be safer for me to go there kaysa ikaw ang pupunta. Mabilis ang balita at siguradong hindi ka pa man nakakalabas ng presinto ay naroon na agad ang mga reporter.”

Ayoko mang aminin ay alam kong tama siya. Tumahimik na lamang ako at hindi na sumagot pa.

Kung hindi lamang ako nagigipit sa sitwasyon ay hinding-hindi ko tatanggapin ang tulong niya.

Gamit ang kaniyang sasakyan ay tinungo namin ang presinto. Hindi na rin ako nakipagtalo pa sa gagamiting sasakyan dahil paniguradong may maghihinala kung makikita ng media ang aking kotse na papaalis ng hotel.

Nang marating naming ang presinto ay agad siyang lumabas ng sasakyan.

Hiyang-hiya ako sa aking sarili dahil pati ang perang pampyansa ay hindi ko naibigay sa kaniya. Sinubukan kong mag-withdraw kanina ngunit kulang na iyon.

Ten minutes passed until I saw the two of them walking towards the car.
Binuksan ni Jeophiel ang pintuan ng backseat at agad na pumasok doon si Rafa. Mula sa aking upuan sa harap ay nilingon ko ang aking kapatid.

His eyes were bloodshot and droopy. Magulo rin ang buhok nito at kitang-kita ang iilang pasa sa pisngi. There’s even blood on the side of his lips. I stared at him for a minute and I can feel my eyes welling up. Mabilis kong ibinaling sa iba ang aking tingin.

Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganito. Siguro nga kasalanan ko.

“Huwag kang mag-alala, I’ll pay the money you used for bailing me out,” he said with coldness in his voice. Hindi na ako sumagot pa at pinanood ko na lamang siyang dalawin ng antok.

I glanced at Jeophiel while he’s driving. Tahimik lamang itong nagmamaneho patungo sa aking bahay. I can feel that he wants to ask me something but he is hesitating.

Marahil ay napapaisip siya sa nangyayari sa buhay ko.

I sighed. “What did they say? It it shabu again? Or marijuana this time?”

Saglit itong napalingon sa akin nang bigla akong magtanong. He nodded at me then turned his eyes again on the road. “Shabu. 6 sachets of it.”

He turned to me again with hesitation in his eyes. “What happened to Rafa? Hindi naman siya pabaya noon, he’s even part of the top class.”

Umiwas ako ng tingin at ibinaling ang atensyon sa nadadaanan. Madalas ko rin iyang itanong sa aking sarili, pero hanggang ngayon ay hindi ko mabigyan ng sagot.

“Sa totoo lang…” malungkot akong ngumiti. “…hindi ko rin alam.”

***

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Binuksan ko ang text ng aking manager at napagtantong ngayon nga pala ang araw na iyon.

Manager Fia: ‘Idle, dear, be at the company 8 AM sharp. Today is the renewal of your contract with the network.’

I immediately got up from bed and started fixing myself. Matapos ang tatlumpung minuto ay natapos ko ang pagligo pati ang aking make-up.

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon