“Saan ba kasi tayo pupunta?” paulit-ulit kong tanong. Kanina pa kami naglalakad ni Jeophiel dito sa bukid bitbit ang isang picnic basket.
Alas syete ng umaga ay bigla na lamang itong pumasok sa aking silid at pilit akong ginising. He even pushed me inside the bathroom and forced me to take a bath.
Simple lamang ang gayak ko, suot ang shorts na maong na abot sa aking tuhod at isang asul na tee shirts ay ngumiti ito nang makitang bihis na ako. Pinagmasdan ko rin ang kasuotan niya, halos katulad ito ng sa akin at mas matingkad lamang ang pagka-asul ng kaniyang pang-itaas.
Hindi ko alam kung sadya ba ang pagkakapareho naming ng kulay ng damit.
Makalipas ang ilang minuto ay inulit kong muli ang tanong. I feel like I have asked him that question for five times already. But he would just smile at me and say, “malapit na”.
Kaya tumahimik na lamang ako at sumunod sa kaniyang paglalakad. Sa tingin ko ay malayo na kami sa bahay, mas magubat na ang aming dinaraanan kung ikukumpara sa lupang pag-aari ko.
I’m not even sure why I agreed to come with him. For Pete’s sake, Jeophiel doesn’t even know this place not until yesterday and yet I’m following him now.
I must be out of my mind.
Ginugulo ng malakas na ihip ng hangin ang aking buhok kaya naisipan ko itong itali. Unti-unti na ring tumataas ang sikat ng araw ngunit hindi pa naman ito masakit sa balat.
Humahampas sa aking binti ang nagsasayawang mga damo. Siguro kung isa itong normal na araw sa buhay ko ay kanina pa ako nainis at nagreklamo. Pero dahil narito ako para takasan ang normal kong buhay ay napapangiti na lamang ako.
I watched Jeophiel’s back as we continued walking towards ‘you’ll-like-this-place’ he’s been talking about. Seeing him in casual clothing is an unusual sight for me, I was used to him always dressed up in a three-piece suit or anything that screams formality.
I picked up my pace and tried walking beside him. Napatingin naman ito sa akin pero agad ding binalik ang mata sa aming dinaraanan.
Stealing glances isn’t my thing. Pero nahuli ko na lamang ang sarili na pinapanood kung paano liparin ng hangin ang kaniyang malambot na buhok, kung paanong kumukunot ang kaniyang noo at ang tunog ng malalim niyang paghinga.
Noon ay malaya kong nagagawa ang paninitig sa kaniya. Pero ngayon ay ito na dapat ang huli, kailangan ko nang tanggapin na hindi na siya sa akin.
I’m not stupid. Alam kong mahal niya pa rin ako, ramdam ko. At lolokohin ko lang ang sarili kung sasabihin kong wala akong nararamdaman para sa kaniya. Mula noon naman ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko.
Pero alam kong hindi siya para sa akin. He deserves so much more than a fucked-up person that I am who will just drag him down into the pit of suffering.
“Idlena, we’re here.”
I stepped out from the train of thoughts inside my head when I heard him speak. Hindi ko ito nakuha kaya tinignan ko siya upang itanong. But all I got from him is an amused smile while he’s shaking his head.
Sinundan ko nang tingin ang kaniyang pinagmamasdan. To say I was surprised with what I saw is an understatement.
I was beyond that.
Hindi ko alam kung paano niya ito nahanap. Nakatayo sa aking harapan ay isang maliit na bahay-kubo, halata ang kalumaan nito ngunit mukhang gawa sa matitibay na materyales. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad palapit rito.
I held out my hand and touched the bamboo. Totoo ngang matibay ito gaya ng aking hula. Hindi kalakihan ang loob ng bahay-kubo, ito ay tulad lamang noong mga pahingahan ng mga magsasaka. Ang gitna nito ay walang laman na kahit ano, ang bawat corner ay mayroong upuang gawa rin sa kawayan.
I took a sit at one of the corners. Dahil gawa sa kahoy ang buong kabahayan ay mas maraming hangin ang nakakapasok sa loob. I could feel the air hitting my face, sakto lamang ang pwersa nito kaya hindi masakit. Preskong-presko ang nararamdaman ko.
I closed my eyes to savor the moment. I don’t know if I’ll ever get the chance to experience this again so I might as well take advantage of it now.
Nang buksan ko ang aking mga mata ay napansin kong nakatayo sa bukana ng kubo si Jeophiel. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ako.
It was ‘that smile’. Iyong tipong umaabot sa kaniyang mga mata at halatang tunay itong nagagalak.
Pinagbigyan ko ang sarili at ibinalik sa kaniya ang ngiti. “Halika na rito, Jeo!”
Jeo. I missed calling him that name.
Nakatawang lumakad papalapit si Jeophiel sa akin at naupo sa aking tabi. Inilapag din niya ang dalang basket sa upuang kawayan.
“How did you find this? Malayo na ito sa aking bahay ah,” kuryoso kong tanong.
Pinunasan nito gamit ang putting bimpo ang kaniyang pawis sa mukha bago humarap sa akin at matamis na ngumiti. “Ako pa ba, Idlena? Huwag mong minamaliit ang poging katulad ko,” aniya sabay kindat pa.
“Pogi?” nagtatakang tanong ko. “Nasaan ba iyon? Bakit parang wala namang pogi?” nang-aasar ko pang sabi habang pabiro akong luminga-linga na parang may hinahanap.
Noong una’y naguluhan siya sa aking kilos. Siguro’y nanibago. Pero nang makuha niya ang ikinikilos ko ay balik na naman ito sa pagiging mapagbiro.
Umakto naman itong tila nasasaktan at itinapat pa ang kamay sa kaniyang dibdib. “Ouch, you’re breaking the pogi’s heart right now.”
We both laughed at his overacting.
“People wonder why you didn’t try acting, but the truth is you just can’t, Jeo! Napaka-OA mong magportray ng character!” pang-aasar ko pa.
“Sus, baka mawalan ng trabaho ang lahat ng leading man kung mag-aartista ako,” pagyayabang nito. “Kaya hindi ko na sinubukan, you know…I’m naturally a generous person.”
I jokingly rolled my eyes at his conceitedness. “You mean baka malugi ang network ninyo kapag ikaw ang naging leading man.”
Bigla namang sumeryoso ang kaniyang mukha. Ang akala ko ay napagod na itong makipagbiruin ngunit nabigla ako nang…
“Tell me,” hinawakan niya ang aking mga kamay. “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Pangit ba ako ha? Then tell my why!”
Ilang segundo akong napatulala sa kaniyang mukha bago tuluyang humagalpak ng tawa. Hinampas-hampas ko pa siya sa kaniyang braso dahil sa sobrang galak.
“Pang-comedy ka talaga, Jeo!” I said in between laughs.
Nang matigil ako sa pagtawa ay pinunasan ko pa ang kakaunting luha buhat ng labis na kasiyahan. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling tumawa nang ganito.
I noticed him staring at me. And ‘that smile’ of his was once again present. Idagdag mo pa ang kakaibang ningning sa kaniyang mga mata. It’s nice seeing them again full of life.
“Why?” I can’t help but asked.
“Wala naman,” sabi nito, nakangiti pa rin. “Natutuwa lang akong marinig ang ganoong pagtawa mo, parang katulad pa rin noon. And that smile of yours. Don’t lose it again.”
Natigilan ako sa kaniyang sinabi.
He stood up and took the basket with him. “Tara, kain na tayo sa labas.”
***
Jeo surely prepared for this picnic. May dala pa siyang blanket na siyang inilatag niya sa damuhan, kumpleto rin ang laman ng basket mula sa prutas, inumin at mga tinapay.
Matapos naming kainin ang mga tinapay na siya mismo ang nagpalaman ay inalok niya sa akin ang grapes na dala. Tinanggap ko naman iyon at ginawang panghimagas.
“Naaalala mo pa ba dati iyong pagtakas natin sa mga taping ninyo para pumunta sa malapit na playground?”
Napangiti ako nang bumalik sa aking alalala ang sinabi niya. “Lagi pa nga tayong napapagalitan noon ni Direk! Masyado ka kasing pilyo noon, Jeo.”
“Ako lang ba?” tumawa siya. “Baka nakakalimutan mong ikaw ang nakaisip lagyan ng bubblegum ang upuan ni Direk? That was one of our best pranks!”
I grinned when a memory came to mind. “How about that time when we placed ants on the actress’ pants? Grabe tawang-tawa tayong dalawa noong magsimula siyang magkakati! Ikaw kaya ang mastermind noon.”
“Guess we’re both evil kids then,” he said.
Those were all good times I had with him. Ang sarap na lamang balikan ng nakaraan—iyong mga panahong ang problema ko lang ay kung paano ako gigising ng maaga para sa shoot bukas, o kung paano kami tatakas ni Jeo sa taping.
Sana pwedeng manatili na lang ako sa mga alaalang iyon.
Inabot ng halos isang oras ang pagbabalik-tanaw naming dalawa. Sa sobrang dami ng mga kalokohang pinagsamahan namin ay kulang na kulang ang isang buong araw para pag-usapan ang lahat. Pati iyong mga biglaang gala at roadtrips namin noon ay naungkat din.
We were both smiling while talking about the past. Those were the days I treasure the most, the days when everything were fine, when everything seemed okay.
“Bakit ka umalis, Idlena?” biglang pagseseryoso nito.
Tinignan ko siya nang may pagtataka.
“Bakit mo tinakasan ang mga reporters?” paglilinaw niya. “Bakit bigla mong iniwasan ang mga problema? You weren’t like this before. Hindi mo tinatakbuhan ang mga issue na pilit ibinabato sa iyo.”
I looked down at my hands. Ayokong sagutin.
“You know what I love about you,” he moved closer and lifted my chin so our eyes can meet. “It’s not your angelic face or your lovely voice. Hindi rin dahil magaling kang umarte at sa maagang edad ay matagumpay ka na sa buhay.”
Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binabanggit niya. Hindi ko rin alam kung anong mayroon sa kaniyang mga mata at hindi ko magawang umiwas. Napakagaan ng kaniyang pagtingin sa akin…na para bang gugustuhin ko na lamang malunod muli sa mga iyon.
“Nagustuhan kita dahil matapang ka, Idlena,” seryoso ang mga mata nito at punong-puno ng paghanga para sa akin. “At a very young age, you were exposed to the messy world of showbusiness. Hindi ko na mabilang kung gaano karaming issue at problema ang sinuong mo nang walang takot, you showed them that you’re a very brave woman and you don’t back down whatever life throws at you. Alam kong kung minsan ay nakakaramdam ka rin ng takot, but you are courageous enough to face and accept these fears.”
Ngumiti siya sa akin. “You are brave not because you don’t have fears but because you know how to face the monsters under your bed.”
Ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon mula kay Jeophiel. Gusto kong hilingin na sana nga ay ako pa rin iyong Idlena na kaniyang sinasabi. Matapang at walang inuurungan.
“What happened to the brave woman I know? Bakit siya tumatakas ngayon?”
Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin. Ito nga siguro ang mga tanong niyang nangangailangan ng sagot. And I want to give him the answers now, he deserves to know.
“I’m not sure what happened. Baka nagising na lang siya isang araw na hindi na niya kayang maging matapang. O baka…baka napagod na siyang lumaban,” I sighed. “Maybe she finally accepted the fact not all battles are worth fighting for, because there are some that no matter how determined you are to win…you’ll still find yourself forfeiting.”
“Or maybe she realized that she is not in a fairytale and no one will come to save her kaya dapat niya nang iligtas ang sarili bago pa mahuli ang lahat.”
Tumayo ako at pinagpagan ang hindi naman maruming shorts.
“Tara na, Jeo. Bumalik na tayo sa bahay. Gusto ko nang magpahinga.”
Then I gave him a smile, and I made sure it is the sweetest because who knows if it could be the last.
To be continued…
BINABASA MO ANG
Takas
Short StoryIdlena "Idle" Garcia, the most sought-after actress of her time, is a brave woman who doesn't back down to challenges. Sa murang edad ay ito ang naging bread winner ng pamilya, nagsimula sa pagiging print ad model at nang lumaon ay naging reyna ng t...