Chapter 7

2.9K 55 2
                                    

Lumipas ang mga araw at medyo halata na rin ang tyan ni Charlie.  Dumating na ang araw ng pagpapa-ultrasound nya.  At tulad ng unang check-up nya, kasama nya si Jason.  Talagang inagahan pa ni Jason ang pagpunta sa bahay nila para lang masigurong makakasama sya nito sa doctor.

Magtataka siguro kayo kung bakit sa bahay sinundo ni Jason si Charlie?  Simula kasi nang tanungin siya ng mga kaibigan ni Charlie kung nanliligaw na ba sya sa kanya, e, sinimulan na nya ang talagang pormal na panliligaw nya.  Kaya ang unang una na ginawa nya ay magsimulang manligaw sa pamilya ni Charlie.  At botong boto naman ang nanay ni Charlie sa kanya.

Jason parked his car at the hospital where Charlie will have her check-up.  Excited sa mangyayari. Di naman bago sa kanya ang makapanood ng ultrasound ng buntis, pero ngayon eh di lang nya maiwasan ang excitement dahil pinakahihintay rin nya ang araw na to.  At napansin naman iyon ni Charlie.

"Masyado ka atang excited?"

Tumingin lang si Jason sa kanya ng makahulugan saka sya inalalayan papunta sa clinic ni Doc Inggrid.  Binati naman sila ng doktora pagkapasok nila ng clinic.  Kinumusta ni Doc Inggrid ang kalagayan ni Charlie bago sinimulan ang sonogram.

"Ok, Charlie. Let's start with your scheduled sonogram.  You may raise your shirt when you lie down."

"Uhm, Jason?"

"Yes, Charlie?"

Pinandilatan lang ni Charlie si Jason saka nginuso ang pintuan ng clinic.  Sinesenyasan nya kasi si Jason na lumabas.  Kahit tyan lang nya makikita ni Jason, nahihiya pa rin sya.

"What?"  tanong ni Jason na natatawa.

"Labas na.  Mag-iistart na kami ni Doc."

"Really, Charlie, you want me to go out?  You know I can't miss this."  tanggi ni Jason.  "Hurry up.  Naghihintay si Doc.  Hubad na.  Hehe."

"Pwede naman sya manood sa tabi mo Charlie.  This is one of the moments a couple should share--hearing your baby's heartbeat for the first time.  And besides, saglit lang naman to."  sabi ni Doc Inggrid.

No choice si Charlie kundi pumayag.  Kaya pumuwesto na sya sa higaan dun at inangat ang blouse nya.  Napansin nalang nya na matamang nakatitig si Jason sa tyan nya.  Na-conscious naman sya kaya sinitsitan nya si Jason na nginitian lang sya ng makahulugan ulit at hinawakan nang mahigpit ang kamay nya.

Ano kaya'ng iniisip nitong lalaking to?  Pero nakaka-touch pa rin kasi gusto nya talagang makasama sa check-up ko...siguro unconsciously nararamdaman din nya na sya ang daddy ng baby ko...hayyy... Gulong gulo lang ang isip nya pag ganitong nakikita nyang masyadong concerned si Jason sa kalagayan nya.  Na para bang desidido itong maging daddy ng baby nya.  For the past weeks kasi ganon umakto si Jason.  Na para bang sya talaga ang tatay ng dinadala nya, which is, in fact, sya nga. 

Pero kasi kung maaalala nyo, ang alam ni Charlie, eh, di alam ni Jason na ito ang daddy ng baby nya dahil lasing sya nang gabing iyon. 

At ang alam naman ni Jason, eh, hindi alam ni Charlie na sya nga ang daddy ng baby nito dahil sa disguise nya ng gabing iyon.

Ang gulo ba?  Kahit ako sumasakit ang ulo sa dalawang to.  Bakit di nalang kasi magkaaminan.

Medyo nagulat si Charlie nang maramdaman nyang pinahiran sya ng malamig na gel sa tyan kaya naputol ang pagmumuni-muni nya.  Naka-on na ang monitor kaya hinihintay nalang nila na maging malinaw ang image habang pinapasada ni Doc ang tyan ni Charlie.

Lubdub...lubdub...lubdub...

Mabilis at malakas na tibok ng puso ang naririnig nila mula sa machine, pero hindi kay Charlie yun.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon