Chapter 14

2.9K 49 2
                                    

Nasa baybayin si Charlie at ang kambal kasama si Jhoan.  They've been enjoying themselves lalo na’t humahagikhik na nagtatampisaw sa tubig sa tabing dagat ang mga bata.  Panay din ang kuha ng pictures nila.
 

Limot na nya ang galit sa asawa.  Tampo nalang ang nararamdaman nya.  Di nya rin kasi natiis na di basahin ang mga text messages nito.  Umiiyak na sya habang hawak ang cellphone dahil nabasa nya sa pagkahaba-habang text message ni Jason ang walang humpay na paghingi nito ng patawad at pagpapaliwanag nito sa totoong nangyari noong gabing iyon.  Kasalanan pala ng isang lukaret na fan ang lahat ng kaguluhang iyon.  Wala palang kamalay-malay ito na hindi sya ang babaeng kaulayaw nito noon.  At gustuhin man nyang tawagan si Jason para sya naman ang humingi ng patawad at mag-explain, eh, di nya magawa.  Doon na kasi sya tinamaan ng hiya dito.  Pero kahit na.  Dapat suyuin nya pa rin ako kahit isang malaking misunderstanding ang lahat ng ito.

Kaya hanggang ngayon, ampon pa rin sya ni Jhoan dahil sa pagtatampo niya sa asawa nyang magaling.  Di na sya nahiya dito dahil ito na rin ang may sabi na natutuwa daw ito at may kasama itong nagtatago sa paraisong iyon.  Isang buwan na sila ng kambal sa Palawan at hanggang ngayon di man lang sya tawagan ni Jason para kamustahin sila ng mga anak nila at tanungin kung nasaan sila.

"Hey there, lovely ladies!"  bati ni Pierre.

"Hi, Pierre.  Nadaan ka?  Si Matteo?"  tanong ni Jhoan.  Buhat nya si Marco na tuwang-tuwa na pinaglalaruan ang toy shovel na hawak nito.

"Ah, nasa bayan, may biniling supplies.  Mukhang babagyuhin daw mamaya.  Kayo ba prepared na?"

"Yup, we already bought supplies yesterday.  Lalo na may baby kami."

"Ganon ba?  So, how's my favorite girl in the world?"  sabi ni Pierre tapos inakbayan si Charlie.

"Magtigil ka nga dyan Pierre.  Sapakin kita eh.  Di kita type.  Tisoy ka masyado.  Gusto ko yung tall, dark, and handsome."  sabay baling sa buhat na si Tristan.

"Tulad nung lalaking papalapit?"  nguso ni Jhoan sa bagong dating na lalake.


Napatingin si Charlie sa tinuro ng kaibigan at nagulat sa nakita while the twins shrieked with glee.  Para namang slow mo kung maglakad si Jason papunta sa kinaroroonan nila.  Ano kaya kung slow motion din syang tumakbo papunta rito?  Tapos sasalubungin sya nito ng yakap at i-iikot sa ere habang tumatawa.  Parang sa pelikula lang.  Kaso malabong mangyari yun dahil mukhang galit ito at di maipinta ang mukha.

Charlie was breathless with anticipation, naglahong parang bula ang pagtatampo sa asawa.  Nandito sya.  Susunduin na nya kami.  Awww, Jason.  Namiss kita.  Pero bumalik ang tampo at nadagdagan ng inis ang nararamdaman nya para dito nang magsalita ito pagkalapit sa kanila.

"I'm here to get my kids."  nakasimangot na turan ni Jason.  Lalong nagsalubong ang kilay nang makitang nananatiling nakaakbay sa asawa ang lalaking katabi nito.

Napakunot ang noo ni Charlie.  Kids lang?  Di kasama wife?  "Ano kamo?"

"I said I'm here to get my kids."

"Pwes, uuwi ka'ng mag-isa.  Wala kang isasama kahit isa sa kambal."  Gusto ata nito ng gyera eh.

"Ah, I'm Pierre Romano, pare.  I'm..."

"Boyfriend ko."  pagsasalo ni Jhoan.  Nakita nya kasing masama ang tingin ni Jason sa pagkaka-akbay ni Pierre kay Charlie kaya inunahan na nya.  Ayaw na kasi nyang lumala pa ang problema ng mag-asawa.  Napansin naman nya agad na medyo nabawasan ang pagkakasimangot ni Jason.  "Pierre, honey, kunin mo muna si Tristan kay Charlie.  Usap muna kayo dyan ha.  Iwan muna namin kayo."

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon