Chapter 9

2.7K 66 0
                                    

It’s been a week since Charlie last saw Jason.  Nasa ibang bansa kasi ang huli para sa mga international games kung saan participant si Jason.  Kaya ngayon sabik na naman syang maka-uwi para mapanood ito ng live kahit sa tv man lang.

“Tessa ikaw na bahala dito ha.  Be sure to check if all the doors are locked.”  Bilin ni Charlie sa tauhan nya sa shop.

                             

Nakarating na sya ng bahay nya nang tumawag si Aya para tanungin kung nanonood na sya.  Mag-isa lang syang nakatira sa bahay nya.  Nag-decide kasi syang bumukod sa parents nya simula nang magka-business sila ng kapatid nya para ma-prove sa mga relatives nya na kaya nyang maging independent.

“Charlie, buksan mo na tv mo dali!!”

“Oo, teka lang, ito na nga’t nagmamadali na oh.”

“Sa Studio 23.  Ok na ba?”

“O, eto na ako.  Ano bang meron?  Kick-off na ba?”

“Basta tingnan mo!”

Inabangan nga ni Charlie kung ano ang tinutukoy ni Aya.  Wala naman syang nakita nung una, pero nang i-focus ang camera sa isang tao sa stadium ay parang kinabahan sya bigla.  Alam mo yung feeling na parang may masamang mangyayari?  Na bigla nalang parang may nakadagang mabigat sa dibdib mo.

“O nakita mo na?”

“O-oo.”  Sagot ni Charlie kahit hindi sya sure kung yung nakita nga nya ang tinutukoy ni Aya.

“Anong ginagawa nya dyan?"

"H-hindi pa ba obvious?  E, di nanonood."  Pilit nalang inignora ni Charlie ang pakiramdam na iyon.  Masama ang pagiging paranoid sa buntis.  Baka maging kamukha pa ni Crystalle ang baby ko kung aalalahanin ko sya.  Wala lang to.  Pagkonsola ni Charlie sa sarili.  Sige Charlie, kaya mo yan.

Parang nang-iinis yung cameraman, laging tinututok ang camera kay Crystalle.  Kung pwede nga lang na sumugod dun ginawa na nya.  Isasama pa nga sana sya ni Jason kaso dahil sa ibang bansa ginanap ang laro, di sya pinayagan ni Doc Inggrid na bumiyahe dahil nasa unang buwan ng last trimester na sya ng pagbubuntis nya.

Ang bilis nga ng panahon.  Parang kailang lang nang nag-aalangan pa si Charlie na sabihin sa mga kaibigan nya kung sino ama ng ipinagbubuntis nya.  Pero ngayon, secretly but happily married na sya with Jason.  Yun nga lang, dahil sikreto lang ang pagpapakasal nila sa huwes di nila ma-enjoy masyado ang buhay may asawa.  S'ya kasi ang may desisyon na isikreto muna ang lahat.  Tanging sila Aya at Drake lang ang nakakaalam ng tungkol dun.

Napahawak si Charlie sa kwintas na suot nya.  Pendant nun yung wedding ring nila ni Jason.  Pero suot pa rin nya ang engagement ring na ewan ba niya kung bakit di matanggal-tanggal sa kamay nya.  Naalala pa nya yung araw na naging Mrs. Sabio sya.  Kagagaling lang nila ni Jason sa monthly check-up nya.  Limang buwan na noon ang baby nya sa tyan nya.  Siguro dahil sa hormones kaya nung nakakita sya ng billboard ng Belo eh bigla nyang nai-associate yun kay Crystalle at napaiyak sya bigla.

Buti nalang at madaling naiparada ni Jason sa tabi ang kotse.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon