Chapter 13

2.6K 42 0
                                    

Nakatitig lang si Charlie sa kisame, nagmumuni-muni tungkol sa mga nangyari nang nakaraang araw.  Apat na araw na syang nagtatago sa secret paradise ni Jhoan.  Tambak ng missed calls at unread messages ang cellphone nya.  Pero lahat ay nananatiling di nya binabasa at sinasagot.  She still thought that she needed more time to think things through.  Laking pasasalamat lang talaga nya sa bagong kaibigan nya na hinayaan sya nitong sumama sa lugar na iyon.  She actually found peace there.  And that peace is so achingly familiar dahil ganon din ang kapayapaan sa loob na nararamdaman nya pag kasama nya si Jason.

"Aaaaahhhhh....Marco!  Ewwwww!"

Napabalikwas ng bangon si Charlie mula sa kinahihigaan.  Mabilis syang napatakbo sa kinaroroonan ng sigaw, dahil alam na alam na nya ang nangyari.  Nahihiya man kay Jhoan, di pa rin nya naiwasan ang mapabulalas ng tawa nang makita itong nakabusangot ang ilong sa anak nya.  She's carrying Marco at arms length, most probably to lessen the smell of poop that's coming from the baby.


"Sige, tumawa ka pa dyan, babae ka.  Kung di lang cute itong mga anak mo, nunca kong palitan ang diaper nila.  Hmp."

"Sorry." natatawa pa ring sabi ni Charlie.  "But look at him o.  He's smiling at you.  At napupupu lang sya sa mga taong gusto nya, ibig sabihin kasi di sya naiilang sayo.  Tsaka swerte daw ang nataehan ng baby."

"Siguraduhin mo lang Charlie.  Ipapahid ko sayo tong tae ng anak mo."  birong-banta ni Jhoan.  Ilang sandali pa at medyo nagseryoso ang anyo nito.  "Di mo man lang ba sasagutin mga tawag pati text nila?  May net naman ako dito.  Pwede mo naman sila i-email."


"Pwede rin.  Pero di muna siguro ngayon."

"Charlie, baka mamaya maparanoid ang mga tao sa inyo nyan.  Baka akala nila kung ano nang nangyari sa inyong mag-iina.  Kahit maiparating mo lang na okay ka."

Napabuntong-hininga si Charlie dahil may punto ang kaibigan.  "Sige, i-PM ko nalang sila sa FB maya.  Um, Jhoan, maraming salamat ha."

Napangiti naman si Jhoan sa kanya. "Sus, wala yun.  Basta ba may VIP tickets ako pag may international game ang Azkals dito sa Pinas, eh.  Hehe."

"Teka, ikaw ba kinontact mo na pamilya mo pati friends mo?"

"Alam na nila yan.  Parang si Joy lang pag naligaw sa pantasya nya.  Walang tanong-tanong yan basta umalis ako ng ilang araw.  Tsaka nag-iwan naman ako ng message kay Yanskie na mawawala ako ng ilang araw.  Baka buwan pa nga."

Umiyak si Tristan, tanda na nagugutom na ito.


"Yan ang matakaw.  Naku matutuyuan ang mama mo sayo Tristan.  Pero mas ok na rin yung ganun, at least healthy sya.  Di mo ba namimiss yung tatay?"

"Syempre namimiss.  Pero pag naaalala ko yung eksenang yon di ko mapigilan yung kirot dito oh."  malungkot na tinuro ni Charlie ang dibdib nya.

"Sige na nga.  Tama na yan at baka maiyak ka na naman.  Ang laki na ng eyebags mo oh.  Tapalan mo nalang ng pipino mamaya pagkatapos mo dyan."


---------------------0-----------------------

"Ah, fuck, she's still not answering!" mura ni Jason.  Anim na araw na nyang sinusubukan tawagan si Charlie.  Kakalabas lang nya ng hospital dalawang araw ang nakakaraan dahil sa drug overdose.  Ayaw muna nyang isipin ang dahilan ng pagkaka-ospital nya dahil nag-aalala na sya sa mag-iina nya.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon