Chapter 6

3.3K 57 32
                                    

"ANO?! NAG-DATE KAYO NI JASON AFTER NG CHECK-UP MO?!"  di makapaniwalang sigaw nila Timmy, Aya, Cassie at Ligaya kay Charlie nang hapong yon sa coffee shop.

"Ano ba?  Lower your voices nga.  Kung makasigaw tong mga to.  Kala nyo naman sakin bingi?  Hello??? Kaharap nyo na ako oh, di naman kilometro layo ko sa inyo dyan."  reklamo ni Charlie habang pinamimigay sa apat ang mga pinamili nila ni Jason sa mga tyangge nung nakaraang araw lang.  Paunahan lang sila sa pagpili ng kukunin nila.  Nag-agawan pa si Aya at Cassie sa isang bracelet na pareho nilang natipuhan.

 "Wag ka nga mag-ala Vice dyan.  Di bagay.  Uy, headband!"  comment nalang ni Ligaya.  Kinuha yung headband na may nakakabit na malaking pink heart.

"Hmp.  Kaya nga may suhol para di na kayo magtanong." napasimangot nalang si Charlie.  Ayaw nya na kasi magkwento kasi special yung nangyari pero napakwento pa rin sya.  "And besides, di naman date yun."  maktol nya sa mga kaibigan.  "He was just being nice."

"Being nice mo mukha mo.  Kung di ko lang alam na mahal nun si Crystalle pati wala sya nung party, iisipin kong sya ama ng dinadala mo sa inaakto nya eh."  ismid na sabi ni Aya na medyo ikinaputla ni Charlie.

"Oo nga Charlie.  Tatalunin pa nun si Drake sa pagiging close sayo eh.  Akalain mo nga namang gustuhin pang maging daddy ng baby mo?"  sabi ni Cassie.  "Hoy Aya, may utang ka saking meryenda dyan ha.  Sayo na napunta yang bracelet."

"Sinong tatalunin ako sa pagiging close kay Charlie pati gustong maging daddy ng baby nya?"  Guess who?  Haha...Speaking...

"AAHHH si Drake!!!"  Nagulat na sigaw ng mga girls.

"Hi Lucky Charm.  For you."  Inabot ni Drake ang dala nyang roses kay Charlie.  "Ano nga ulet pinag-uusapan ninyo?"

"Ah..ah..wala lang yun, Drake."  kaila ni Charlie.  "Nadaan ka yata?"

Namula nalang bigla si Drake habang nagkakamot ng batok.  (May kuto?ewwww...)  "I just thought that maybe I should not waste my time and instead start courting you.  So here I am.  Will you go out with me?"

"Aaaaawwww...ang sweet...Naalala ko tuloy si Iggy Honey ko...Matawagan nga."  si Timmy naiinggit..hehehe...

"Wala, mahina ka Drake.  Naunahan ka na ni Jason." - Aya.

"Paanong naunahan?" - Drake.

"Nasamahan na kaya nya magpa-check up tong si Charlie.  Namasyal pa ng Luneta pagkatapos." - Cassie 

"Namasyal? Check-up?"

"Oo. Tapos nag-alok pa kay Charlie na maging daddy ng baby nya.  San ka pa?" - Ligaya.

 "What?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Drake.  Makikita mo lang pagkalito sa mukha nya.

Si Aya na nagbabasa ng twitter updates nya eh biglang napahiyaw.  “Charlie!  Charlie!!!  Diba harap ng coffee shop mo to???”  Inabot ni Aya ang tablet nya at pinakita ang tweet ni Nate Burkey:

“Gotta have a cup of the best choco in town accdg to @Jsabio3…<twitpic ng harapan ng coffee shop ni Charlie>”

“Oo nga noh?” sagot ni Charlie. 

Ting!

Napalingon nalang silang lahat sa pinto nang pumasok si Jason, Nate, at Anton sa loob ng shop ni Charlie.  Nanlaki ang mata ni Aya sa gulat nang makita nya ang crush nyang si Nate.

“Coach Drake you’re here!”  nakangiting bingad ni Anton.  Sabay tapik sa likod ni Drake.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon