Chapter 8

2.9K 70 0
                                    

Patuloy lang na tinititigan ni Charlie ang singsing sa kamay nya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mga kaibigan nya.

“Baklaaaaaaaa!!! Patingin dali!!!!!”  humahangos na pumunta si Timmy sa table nya at hinablot ang kamay n’ya.  “Waaaaaaahhhh…Onggondooooo (Ang ganda)!!!  Tanggalin mo nga nang masipat nang maigi!”

Pumalibot na rin ang iba sa kanya.  Nakisipat na rin sa singsing.

“Di ko matanggal eh.”  Sabi ni Charlie.

“Weehh. Di nga?  Dali na, kilatisin natin kung tunay.  Di naman namin itatakas para isangla eh.”  Pero pwede rin…hehe…Si Cassie yan. Tsk.

“Di ko nga matanggal.  Ang kukulit.  O subukan nyo pa oh.”  Sabay abot ng kamay nya sa apat.

Pagtulong-tulungan man ng apat na tanggalin yung singsing eh di nila magawa.

“Teka may lotion ako dito.”  Ang girl scout na si Ligaya.

“Natry ko na.  Didn’t work.”

“Sabon?”  si Aya.

“Yup.”

“Shampoo?”  si Aya ulit.

“Ano’g pinagkaiba nun sa sabon?”  tanong ni Timmy.

“Mas mabango!”  depensa ni Aya.

“E lagari na-try mo na ba?”

Napatingin silang lahat kay Cassie.

“Ano?  Baka sakali lang naman di ba?  Di mo madaan sa santong dasalan, idaan sa santong paspasan..hehe..”

Natawa nalang si Charlie sa kalokohan ng mga kaibigan nya.  Pare-pareho man silang mga lukaret eh di nya ipagpapalit ang mga kaibigan nya.

Tiningnan nila ulit ang singsing.  Halatang heirloom ang singsing dahil sa istilo nito.  Bukod sa malaking diamond sa gitna, napapalibutan din ito ng maliliit na brilyantes ng ruby at amethyst, na ayon sa naresearch nya ay sumisimbolo sa pag-ibig.

“Weird no?  Di na sya matanggal sa daliri ko.”

“Uuuyyy…weird ka dyan.  Gusto mo rin naman.”  Tudyo ni Ligaya.

“Pero paano ka ba napapayag ha?  Kala ko ba di ka papakasal sa lalaking di ka naman mahal?”  tanong ni Aya.

“Kung ikaw ba Aya, eh, hinahalikan ni Nate habang ala-ninja’ng sinusuot sayo yung singsing makakatanggi ka ba?”

“Aba, syempre hinde..haha…”  mabilisang sagot lang.

“Gumaganon?!”  react naman si Timmy.  Si Iggy my loves kaya ganun din magpopropose?  Pero in fairness.  Swabeng moves kay Papa Jason.  Dagdag pogi points ka dyan samin.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon