Chapter 11

3K 50 0
                                    

“Baby ko, Tristan, tahan na.  Wag ka na umiyak.”  Pilit pinapatahan ni Charlie ang anak na patuloy sa pag-iyak.  Ok naman ito kanina lang pero nang magising ito mula sa afternoon nap nito ay bigla nalang naging bad mood.  Saka n’ya naalala na ang asawa n’ya ang nagpatulog dito.  “Hay, o sige na nga, I’ll just call Tita Jazzy para samahan tayo sa practice ng Dada mo ha?  Di ko kayo kayang buhatin pareho ni Marco.  Naku, mukhang ikaw ang maka-Daddy sa inyong dalawa.”

Oo, kambal na lalaki ang mga anak nila Jason at Charlie.  It was a pleasant surprise dahil hindi agad nakita sa ultrasound na kambal na lalake ang anak nila.  Pinili nilang huwag nang alamin ang gender noong panahong yon para daw may thrill.  Three months na ang kambal at ang pinaka-natuwa sa lahat ay sila Jason at ang mga tatay nila dahil nanalo ang mga ito sa pustahan na lalake ang magiging baby nila.  Laban sa pusta ng mga nanay nila at mga kaibigan ni Charlie na babae.  Kaya ngayon tuloy, ang mga natalo sa pustahan ang gumastos sa binyag at gagastos sa first birthday ng kambal.  Ang saya diba?

Tinawagan ni Charlie ang katulong nila na si Maying at inutusan na itong ayusin ang mga gamit ng kambal.  Dumating naman si Jasmine na agad binuhat si Marco.

“Hello, pamangkinsssss!!!  Tita Jazzy missed you!!!”  bati ni Jasmine at pinupog ng halik ang kambal.  Humagikhik naman ang kambal na parang kinikiliti kaya lalong natuwa ang tita nila.  “Ang ku-cute ng mga pamangkin ko, mana sa tita.  Hi, Ate Charlie!”

“Hi Jazzy, ready na kami.  Tara na.”

Si Jasmine ang nag-drive ng kotse patungo sa practice field ng Kaya FC.  Tiyak na matutuwa ang mga ninong ng kambal at siguradong pagkakaguluhan na naman ang mga anak nila.  Lahat kasi ng mga ito ay nag-volunteer na maging coach nila Tristan at Marco pag-laki ng mga ito.  Pero syempre si Jason pa rin ang unang-unang magtuturo sa mga anak nila ng football.

Nasa kalagitnaan pa ng practice ang team nang makarating sila Charlie.  At anong paglalaway nya nang makita ang pawisan nyang asawa.  Topless na kasi si Jason at parang gusto na nya ito sugurin sa gitna ng field at punasan ang pawis nito.  Parang bumalik sya sa panahon noong fan pa lang sya nito at naghihintay na ibato nito ang jersey sa mga audience.

“O, Ate Charlie, ang laway mo.  Maying, ang tissue dali!”  biro ni Jasmine kay Charlie.

Napangiti nalang sya sa hipag.  Saka kumaway kay Jason nang makuha nila ang pansin nito.  Ngiti ni Jason ang naging bati sa kanila nito at nagpaalam sa Coach nito na pupuntahan sila saglit.

Jason scooped up his wife in his arms, neverminding the sweat on his body.  Kaninang tanghali lang sya umalis ng bahay pero parang isang linggo sila nitong di nagkita kung mamiss nya si Charlie.  Napapangiti syang lalo nang maalala ang hitsura nito kaninang umaga lang, kung saan nagising siyang natutulog si Charlie sa dibdib nya at yakap-yakap sya.  He loved that feeling of waking up with her in his arms every morning.

“Kuya masyadong makeso.  Ibaba mo nga si Ate Charlie.”  Reklamo ni Jasmine sa kuya nya.

Tila naman nang-iinis si Jason at hinalikan pa sa labi si Charlie.  “Hi.  How’s the mother of my kids?”

“Ok naman.  Kamusta naman ang tatay ng mga anak ko?”

“Nawala ang pagod kasi nandito na kayo.”

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon