DARK NIGHT

57 17 0
                                    


Shantal's POV.
 

                        *Prologue*

Naglalakad ako Sa tabi ng kalsada malapit sa isang park.Pauwi na kase ako ng bahay galing school.Medyo ginabi na rin ako dahil Sa sobrang daming activities and paper works ang ginawa sa school kanina.

Sa pagpapatuloy ng aking paglalakad ay bigla nalang namatay ang ilaw ng kalsada na aking nilalakaran.At napahinto ako sa paglalakad dahil Sa gulat.Nagmistulang isang nakakatakot na lugar ang aking nilalakaran na kanina lamang ay parang paraiso dahil sa ganda ng liwanag nabumabalot dito na ngayoy naging katakot takot tingnan.

Hindi ko alam kung ano ang nangayayari,pero kinakabahan ako.Kinuha ko sa bulsa ng aking palda ang cellphone ko at binuhay ang flashlight nito.Pero bago ko pa man iyon mabuhay ay dalwang sunod na putok ng baril ang aking narinig.

Napaupo ako sa sobrang takot.

At matapos iyon nabuhay muli Ang ilaw sa paligid at nagulat ako sa aking nakita.Sa di kalayuan isang lalaki ang nakahandusay sa kalsada na naliligo say sarili nyang mga dugo.

Natataranta man ako ay nilapitan ko ito.Habang papalapit ako napansin ko Ang unti unti nitong paggalaw.

"S-sir!Hold on!I'll bring you to the nearest hospital."taranta kong sambit.
And he nodded.

Pumara ako ng taxi at tinulungan ako ng driver na alalayan ang lalaki papasok sa loob nito.

Nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital dito.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng ICU habang iniintay kung ano Ang sasabihin ng doctor.

Makalipas ang isang oras na paghihintay ay lumabas na ang Doctor.Kaya tumayo ako at lumapit dito.

"Doc.Hows the patient?"agad na tanong ko dito.

"Relative ka ba ng pasyente?"Si doc.

"No. I'm just the one who brought him here."sagot ko at tumango nalang ito.

"So for now,I will give you the right to know his condition.Stable na naman ang kalagayan ng pasyente but because marami ang dugo na nawala sa kanya at dahil sa bala na tumama sa ulo nya,kailangan nya munang maobserbahan."explain ni doc.

At may lumabas na isang nurse galing say loob at lumapit say Amin.

"Excuse doc."iniabot nung nurse sa doctor ang isang plastic na may lamang cellphone,wallet at mukhang mamahaling relo.

Iniabot nya iyon sa akin.At tuluyan ng umalis.Binuksan ko ang plastic at agad tiningnan ang loob ng wallet upang malaman ang address at pangalan nya.

Pagbukas ko ay tumambad sakin Ang isang larawan ng lalaki na may kasamang binatang lalaki.Maybe anak nya yon.

Kinuha ko naman ang cellphone sa loob at pinress ang power button para mabuhay ito.Wala itong password kaya tiningnan ko na din ang contacts dito.

Agad kong tinawagan ang nasa una recents nya.

At sa di inaasahan dun na pala magsisimula ang lahat.




DARK NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon