Akala ko ang ganda ganda na nang araw ko. Pero akala lang pala.
Kasi naman hindi ko alam kung bakit ang sasama ng tingin nila sa akin.
bigla naman akong hinila ni Keindy at Cheska papunta sa Bulletin Board.
0____________0
laking gulat ko nung makita ko na may picture ako ni James na nasa bahay kami at karga karga niya ako.??
Kahapon ba to?
"Ang daming nagkalat na pictures nya teh" sabi sakin ni Keindy.
"I am so dead!!" sabi ko.
Lagot nanaman talaga ako nito pero baka naman hindi kasi bati na kami nun eh. Pero Kinakabahan na ako. Natatakot na ako. Sa mga tingin palang ng mga babaeng nakapaligid sa akin mukhang may binabalak nanaman sila akin.
Aish... Nakakaimbyerna.
*****
Nakakainis.
Nandito nanaman ako ngayon sa CR. Naglilinis ng damit.
Wala sina S at J dahil may kanya kanyang kaming group project. Kaya ako ito forever alone nanaman.
"Nakakainis, akala ko ba pag bati na kami ng lalaking yun titigil na sila sa kakabully sa akin. Bakit ganun? ganito padin ako."
Umiiyak nanaman ako. Nakakainis naman kasi.
I should be treated like a Princess Not like a slave. Naiinis ako. Naiinis ako dahil nagtiwala ako sa lalaking iyon.
Umiiyak na lang ang nagawa ko nang may pumasok sa cr.
Nang lingunin ko sila sina Cheska at Keindy pala.
"Girl? What happend?"
"Ahh,wala to napag initan nanaman ako."
"Grabeng pag iinit naman sayo yan? Micah Gusto mo bang ireport yan sa SAO?" alalang sabi sakin ni Cheska.
Hindi ko alam na nag aaral pala sila dito.
"Wag na, wala naman akong magagawa dahil...."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita ko yung mga Babaeng humahabol sa akin.
Nakita din nila ako at nag tatangkang pumasok sa loob kaya naman agad agad na akong umalis at tumakbo as hard as i can.
Wala na akong paki alam kahit na ma absent na ako sa mga class ko.
Ang importante hindi ako maabutan ng mga humahabol sa akin dahil wala na akong damit at isa pa yung bag ko naiwan ko sa cr. Aish.
Tumakbo takbo lang ako at hindi ko namalayan na na corner na pala ako. Sa may kasulok sulokan na pala ako sa building.
Walang masyadong dumadaan ditong tao. Nag tago nalang ako doon. pasilip silip at gaya na inaasahan ko. May nagtapon sa akin ng tubig na madumi.
Bakit ko nalaman? Amoy map kasi.
Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Sawang sawa na ako. Kada papasok ako ganito ang laging senaryo ng buhay ko.
Do I deserve this? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah.
Ganun ba nila katinding sambahin yang James na yan? At sa isang sampal ko lang ganito na ang kapalit.
Nag tatawanan yung mga lalaking nagtapon sa akin ng tubig.
At sa may Fire exit nakita ko na may mga babaeng pababa at may mga dalang itlog at kamatis.
Ahhh Not this time.
BINABASA MO ANG
Mr. Manhid
FanfictionNagmahal ako,Nasaktan,Bumangon,Nakalimot, at Muling nagmahal kayalang sa lalaking hindi naman marunong Makadama ng pag ibig. Paano ko tatangapin sa sarili ko na ang kaisa isang lalaing minamahal ko ay isang Napakalaking Manhid. May happily ever afte...