"James, Sorry na please hindi naman namin sinasadya eh, siya yung napag initan namin. Siya kasi ang bukod tanging pinalampas mo."
"Oo nga James sorry, at sorry nalang siya kung nadamay siya. Ikaw naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito eh Ikaw !!"
Mga bwisit tong mga to. Kung hindi lang sila mga babae pinatulan ko na sila eh.
At paanong ako? Tangina sinasayang lang nila ang oras ko.
Kaya naman tinalikuran ko na sila pero bago ako imalis sinabi ko munang.
"Kay Micah nalang kayo mag paliwanag at wag sa akin dahil baka kung anu pa ang magawa ko sa inyo."
Cold kong sabi sa kanila.
Iniwan ko silang nag mamakaawa at sumisigaw.
"Walang Hiya ka talaga James napaka sama mo!!"
Wala akong paki kung magutom sila doon. Mas matindi pa nga yung ginawa nila sa Prisessa ko.
Nilock ko yung bodega at iniwan sa labas ang mga tauhan ni Papa. Nag paalam naman ako kaya ok lang.
"Masama akong kalabanin." yun na lamang ang sinabi ko. Tsaka ako umalis baka gising na ang prinsesa ko.
Ang Sama ko ba? Masama lang naman ako kapag ginagalaw nila ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. At sorry sila dahil sa ginawa nila kay Micah hindi ko talaga palalagpasin ito.
Pag kabalik kong condo nakita ko si Micah na nasa balcony.
Nilapag ko lang yung binili kong pagkain at damit para may suotin siya bukas.
Hindi ko na lang siya papauwiin naipaalam ko na manna kay Tita Min eh. Safe siya dito.
"Gising ka na pala."
"Bakit mo ko dinala dito?, Bat mo ko tinulungan" cold na sabi niya. Parang tinusok yung karayon yung puso ko. Sa tingin siguro niya ako nanaman ang may oakana ng lahat.
"Micah, kung iniisip mo na ako ang may pakana ng lahat ng ito nag kakamali ka."
Umiiyak na naman siya.
Lumapit ako para pakalmahin siya. Hindi naman siya pumalag.
"Kung hindi ikaw sino? Pagod na pagod na ako na kakatakbo, James pagod na pagod na ako sa kakasabi na tumigil na sila."
"Shhh, Tama na nahanap ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Tahan na, I don't want to see you crying Micah."
Pero umiiyak padin siya. Hinayaan ko na lang siyang umiyak na umiyak. Shit Na trauma siya sa nangyare.
Naaawa ako sa kanya. ni hindi niya ginalaw yung pag kain na binili ko. Nakatulog na kasi siya pag katapos niyang umiyak.
Binuhat ko siya papuntang kwarto.
Tangina! Ang bigat niya pala.
Ang payat payat pero ang bigat bigat.
Baboy!
bulong ko habang pinag mamasdan ko ang natutulog niyang mukha.
Nang mapadpad ang mga mata ko sa labi niya.
Parang nagkaroon ako ng urge na halikan iyon. Shit ang hirap pigilan.
Sa huli hindi ako nakatiis at namalayan ko nalang na hinalikan ko na pala ang
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Mr. Manhid
Fiksi PenggemarNagmahal ako,Nasaktan,Bumangon,Nakalimot, at Muling nagmahal kayalang sa lalaking hindi naman marunong Makadama ng pag ibig. Paano ko tatangapin sa sarili ko na ang kaisa isang lalaing minamahal ko ay isang Napakalaking Manhid. May happily ever afte...