A piece of PAST

29 1 0
                                    

James POV

Nagulat ako sa pagkakakita kong nabanga sa kabilang kayle si Micah. Nataranta ako kaya nabitawan ko yung mga pinamili ko at dali dali akong pumunta sa kanya at itakbo sa Hospital.

Bakit ko siya kilala? Simple lang , anak siya ng bestfriend ng mama ko.

YAGO!

tawag sakin ni Tita Min.

Sa ER:

"Anong nangyare?"

"Nabanga po siya ng kotse,kaso hindi ko na po nakuha yung plate number kasi nataranta ako sa kalagayan ni Micah."

Inalalayan naman ako nung nurse papunta sa waiting area.

Kinokontak ko si Tita Min. At ilang saglit pa ay dumating din siya.

Sinamahan ko siya kasi alam kong kaylangan niya ng makakasama ngayon.

Bumukas ang pinto ng ER at iniluwa nito si Dr. Roa ang isa sa pinakasikat sa Doctor sa asia.

"Kamusta na siya doc? ok na ba siya?"

Mahinahong tanong ko.

Kita ko sa mukha ni Tita Min ang kaba. Alam ko kung bakit.

Pero hahayaan ko nalang na ang tadhana ang mag balik nun at hindi ako.

Kinausap saglit ni Dr. Roa si Tita Min di naman kalayuan dito sa akin.

Ako? Ito nakatanaw sa salamin ng door ni MikMik.

Stable na daw siya kaya naman nagpaalam na ako dahil may klase pa ako.Iniwan ko muna si Tita min.Jullian at Sarah sa kwarto niya.

Pagdating ko sa RU.

Sigawan nanaman ang mga babae. Tss. Gwapo nga naman.

Resback naman ang mga kasama ko.

"Grabe, Brad pag ikaw talaga ang dumating daig mo pa ang 1D." sabi sakin ni Miguel.

"Wala tayong magagawa gwapo eh"

Pagkasabi ko non hindi ko na sila pinansin pa.

Dumaretso na lang akong Room.

Nagkwekwentuhan ang barkada kaya lang alam kong lutang ako.

Mas nangingibabaw kasi sakin ang kalagayan ni MikMik. Nag aalala ako sa kanya.

Pakiramdam ko kasi na sa mga oras na to pweding may maalala na siya.

Natatakot ako para sa mararamdaman ng Mama niya.

Oo matagal na kaming magkakilala ni MikMik. Matagal ko na siyang kilala.

Kaya lang nakalimutan na niya ako.

Kababata ko siya. Malapit sa isa't isa ang pamilya namin. Kaya lang sa isang aksidente naglaho ang lahat ng iyon.

Ang angkan namin at ang angkan ni Micah ay nagkaroon ng hindi pag kakaintindihan.

Kaya ang nangyare. Nabuwag ang samahan ng dalawa kompanyang malakas sa buong mundo.

Ang Romero Corp at ang Manuel Corp.

Nang dumating na yung teacher namin pinilit kong makinig.at Pag katapos nalang nitong klase kong to dadaretso na akong hospital.

Habang nag didiscuss si Mrs.Quitos hindi ko padin talaga maalis sa isip ko si Micah.

Damn ang tagal ng oras. Konting bilis naman.

***

Nang matapos na ang klase ko agad na akong pumunta sa hospital.

Kaya lang sa di inaasahan nandoon ang Lolo ni Micah.

Shit!!

Nagtago nalang ako.at sumilip at umalis. Hindi ako pweding makita ng lolo niya. Dahil alam kong ilalayo nanaman nila sa akin si Micah.

Handa akong gawin ang lahat kahit ang pag layo kay Micah makita ko lang siya araw araw.

Pag labas ko ng Ospital may nakita akong lalaking naka motor na nakatingin sa akin.

Hindi ko siya makilala dahil naka riders mask siya pero alam kong ako ang tinitignan niya.

At dahil bad boy nakipag titigan ako sa kanya. Yung pang bad boy na titig ko. Tignan natin kung hindi ka masindak.

May dumaan kasing truck kaya naman naputol yung pakikipagangasan ko sa kanya.

Tatawid sana ako papunta sa kanya kaya lang wala na siya agad.

"Tanginang lalaki yun. Sino ba yun?" sabi ko sa sarili.

Umiling nalang ako at umuwi sa bahay.

******

Salamat po sa pag babasa :)

Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon