First Day

19 0 0
                                    

Grabe naman talagang matulog to oh. Tulog mantika talaga.

"Micah" dahan dahan ko siyang niyugyug.

"Ummmmmm"

"Anu ba yan bat ba ang hirap mong gisingin."

"ah Iho, naku mahirap talagang gisingin yang batang yan. Halika na't buhatin nalamg natin siya."

"Ahy, Ako na lang ho Tatang kaya ko naman po siya."

"O sige ihahatid nalang kita papunta sa kwarto niya."

At eto na nga binuhat ko na siya.

Ang bigat ah. Kapayat payat na babae ang bugat bigat.

Yung mausap ko kanina. Yun ang mayordoma ng Mansyon nila Miks dito. Bakit ko alam?

Shempre,may mansyon din kami dito.

Diba nga malapit DATI ang mga pamilya namin.

Kilala din nila ako dito, pero hindi tulad ng lolo ni Micah. Tangap nila ako dito. Ewan ko ba ang init ng ulo ng lolo ko at lolo ni Micah sa isa't isa eh mag bestfriend naman sila noon.

"Dito iho."

"Opo tatang"

"O siya ikaw nang bahala sa kanya ha at aayusin ko pa ang mga bagahe niyo sa baba."

"Ahh, Salamat po. Pero hindi po ako dito mag ii-stay. Sa Bahay po ako uuwi alam niyo naman po. Hehe Mahirap na."

"Ahh, Oo nga pala. Naku ewan ko ba kasi kung bakit nagkaganyan ang mga lolo ninyo. O sha sige bababa na ako."

"Opo."

At ibinaba ko na si Miks sa kama niya.

Lalabas na sana ako ng magsalita siya.

"Potpot."

Natigilan ako sa narinig ko. Feeling ko binuhusan ako ng yelo nang marinig ko ulit galing sa kanya ang PotPot.

Nilingon ko siya at nilapitan.

Umupo ako sa tabi niya.

Miss na Miss na kita Micah. Talaga bang hindi mo na ako naaalala?.

"Potpot."

Ang sarap sa feeling na narinig kung muli iyon.

Hinawi ko ang mga buhok na tumatakip sa mukha niya.

"Baba" sabay non ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.

"Susubukan kong ipaalala sayo kung anu tayo noon Baba."

Nagulat nalang ako nung biglang bumukas yung pinto kaya napatayo ako at pinunasan ang mga mata ko.

"Iho,Pasensiya na nakalimutan kong kumatok." At tinignan niya ang prinsesa ko.

"Matagal tagal nadin simula nung nagpunta siya dito. Alam mo bang dito siya itinago ng Lolo niya nung naaksidente siya."

At napayuko si Tatang.

"Nakita ko kung paano siya nahirapan sa pag alala ng lahat. Nawala ang dating masiglang Bata. Lahat ng ala ala niya nawala. Kaya maging kami dito sa mansyon ay nalungkot dahil sa nangyare."

Umupo ulit ako sa tabi niya.

"Maging ako nga po nakalimutan niya."

Shit! ang bading ko. Pero ang sakit kasi matagal ko na itong kinikimkim. Yung lungkot ng pagkalimot sa akin ng kaisa isang babaenh minamahal ko. Ang hirap mag pretend na hindi mo siya kilala.  Ang hirap mag pretend na hindi mo siya mahal na as if gustong gusto mo siyang yakapin sa tuwing nakikita mo siya. Ang hirap malagay sa sitwasyon na alam mong handa mong gawin ang lahat para sa kanya kahit ang iwasan siya wag kang siyang ilalayo sa akin.

Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon