The Last plan

25 0 0
                                    

Micah

Nakakainis talaga siya.

Mag wawalk out tapos mag chichicks? Anu kaya yun bwisit!! Nakakainis siya!

Alam kung sinusundan ako ni Alvin. Ganyan yan kilala na niya ako kada mag dradrama. Pero hindi siya yung gusto kong makasama. Hindi siya yung gusto kong sumunod pero wala eh yung taong gusto ko wala. Wala kasi nandoon siya sa mga babaeng yun. Nakakinis talaga.

Sa mga oras na to nasa sea side lang ako. Sa may tabing dagat. May mga bato doon kaya doon ako naupo. Sa sobrang inis ko naiyak na pala ako.

Ang dami kong naiisip na mga bagay bagay. Kagaya ng Bakit minsan malambing siya. Minsan pa nga ramdam ko na mahak niya ako pero bakit ganun? Bakit sa mga minsan na yon eh minsan din malamig siya. Minsan parang wala lang ako sa kanya. Bakit ganun nagbibugay na man na ako ng motibo sa kanya na gusto ko siya. Na mahal ko siya pero bakit napaka manhid niya?.

"Ahhhhhhh!!!!! James Romero!!!! Mahal kita!!!! pero ang manhid mo!! Ahhhhhhh!!"

Hindi ko alam kung bakit ako sumigaw pero nakakagaan pala sa pakiramdam. Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.

"Pinsan wag ka ngang gumawa ng iskandalo dito. Hahaha."

"Kaimbyerna ka alam mong nag momoment ako sisirain mo."

"Haha pero atleast tumawa ka na. Wag ka nang umiyak jan ito nalang gawin natin. Gusto mo ba talaga siya?"

"Oo naman hindi naman halata diba?"

"Ok sige ito ang gawin mo. Bakit di mo siya pagselosin yung todo todo. Willing akong magpagamit sayo . "

Sa punto yun parang alam ko na kung ano ang gustong mangyare ni Alvin. Pero kinakabahan ako, hindi ko gawain ang mag first move baka kasi umasa lang ako lalo sa magiging sagot niya.

Pero desisido na ako.

"Its now or never"

---------

Sinabi sa akin ni Alvin kung ako ang plano niya. Kaya naman naghintay nalang ako dito at binantayan yung mga alak. Oo umiinom ako sa totoo nga nakadalawang bote na ako.

Sinundo ni Alvin si James sa kwarto nila mag ka room kasi sila. Papalabasin namin na break na kami kaya ako ito drama kunware pero ang totoo nagdradrama dapat ako.

Bakit ang tagal niya?

Napaparami na ako ng inom wala pa siya.

"Ang Manhid mo!!!

ahhhhh nakakainis ka!

Inis na inis ako sa kamanhidan mo!"

Halos hingalin ako sa kasisigaw dito buti nalang walang tao.

"Bakit napakamanhid mo!! James Romero!!"

Ahhhhhh naiinis ako sayo!

Naiinis ako sa sarili ko!!

Kung bakit Mahal kitaaaa!!!"

"Mahal mo ako?"

"Oo sobra!"

teka?

Parang may mali?

Imposible namang sumagot yung dagat? yung mga bato? okaya yung hangin?

" Ahh lasing na nga yata ako haha"

sabay inom ulit.

"Paki ulit nga Mahal ko ako?"

Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon