Chapter 2: Past should be past

4 1 0
                                    

PLAY!*

.

.

.

Sinundan ko sya at nakarating kami sa parking lot. Bumungad sa akin ang isang Black na Mercedes-Benz na sasakyan.


"Sayo ba 'yan?" sabi ko sa kanya

"Hahaha....oo"


'Di ko na lang pinakita sa kanya ang amazement ko sa kung anong meron 'sya. Di naman sa wala din akong ganon pero 'di ko lang inexpect na magkakaroon sya ng ganto hahaha.

Binuksan nya ang pinto para sa akin at sumakay naman sya sa opposite side ng kotse.


"So bakit ka nandito? Anong gusto mo?" tinatanong ko sa kanya.

"..."


Di nya sinagot ang tanong ko at ngumiti na lang habang nakatingin sa daan.


"HOOOYY!!! KUPAALLLL! SAGUTIN MO NGA KO?!" pilit ko sa kanya dahil sa bugso ng damdamin ko.

"YAAAANN! Yan ang gusto ko na marinig sayo.  Naalala mo ba nung mga panahong masaya pa tayo?"


Nag flash back sa akin ang mga ala-ala namin...

.

.

.

.

.

(Habang payapa akong natutulog)


"HOY KUPAL!!!" sabay hagod sa ulo ko.


Tumingin ako sa kanya habang gulanit pa ang buhok ko at di pa nakukusot ang aking mga mata...


"Ano?" sabay sabi ko habang medyo inaantok pa at gustong bumalik sa tulog ko.

"Gumising ka na nga!" 

"Ehh..Ayoko! Inaantok pa ako..."

"Sigi ka pag 'di ka gumising ikikiss kita."


Nagising ako dahil di nya yon pwedeng gawin sa akin at nasa school kami noon kaya gumising na ako at kinusot ang mga mata ko.


.

.

.

"HOY KUPAL!!!" sabi ko sa kanya.

"Makinig ka... Ganto gagawin natin sa project na'to ha! Ikaw magsasabi nito tapos ganto...This is the documentary of the great empire of...."


Tahimik lang syang nakatitig at nakatingin sa akin...

Hinawi nya ang librong hawak ko sa aking kamay...


"Hayy! Tama na muna yan! Magpahinga ka muna Labs"

"hmmmppp!!!" Sabay ilag ko sa kamay nyang sinusubukang hawakan ang kamay ko.

.

.

.

.

.

"...Na ako'y sayo at ika'y akin lamang....Intro"


Nag ngitian kami sa isa't isa at hinalikan nya ang noo ko.

"Love you." sabi nya sa akin

"Awww! Love you too" sabi ko sa kanya.

.

.

.

.

Nang bumalik na ang isip ko sa kasalukuyan, nakaramdam ako ng kalungkutan dahil aaminin ko na medyo nanghihinayang din ako sa kung paano kami nagtapos noon.


"Saan mo ba ko dadalhin ha?" tanong ko sa kanya.

"Basta wag ka nalang maraming tanong malapit na tayo eh."


Medyo pamilyar ang daan papunta sa kung saan kami pupunta, pero tumahimik lang ako at binuksan nya ang radyo...

Nag-play ang isang kanta na nagbalik nanaman sa akin ng mga magaganda kong ala-ala kasama si Macoy...

.

.

.

.

.


"Alam mo ba? na hindi kita magugustuhan kung pangit ang ugali mo?...."


Binalik nanaman ako nito sa mga masasayang ala-ala namin...

.

.

.

(Habang nagkakantahan kami ni Macoy)


"Kaya sinta sana ay wag ka nang magtaka kung ba't napa-ibig sayo...."

"Ikaw ay anghel na napadpad sa malayo. Ako ang demonyong gagabay sa iyo pabalik sa langit habang tayo'y papaakyat."

"Ako'y napa-ibig sa'yo."

Sabay hawak nya sa kamay ko matapos naming magbatuhan ng mga linya ng paborito naming kanta.

"Labyu! yieee!" sabi nya sa akin.

Hindi naman kami, pero mahal ko sya ng palihim at oo medyo halata pero sinasakyan nya kung nahahalata nya man sa akin.

ANG HAROT NYA KASE EHHHH! 

Nakaka asar lang kase 'di ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman...

Kase 'di lang naman nya sa akin to ginagawa ehhhh!!!

'Yun! Dun sa part na 'yon eh 'di ko alam kung aasa ba ako o nilalaro nya lang ako....

Pero kahit na anong gawin ko, di ko pa rin mapigilang kiligin at umasa na... BAKA TOTOO!

Na possible ngang mahal nya talaga ako....

.

.

.

.

.

Bumalik na ako uli sa kasalukuyang pangyayari at tanong nya sa akin...

"May naalala ka dyan?"

"Meron.... Marami..." 


ngumiti lang sya habang nakatingin sa daan at sabi nya...


"malapit na tayo."


Tumango lang ako at nakarating kami sa pupuntahan namin.

Lumabas sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Sumilip ako sa paligid at mistulang naglinaw sa akin lahat...

"Macoy, bakit tayo nandito?"


THIS IS THE END OF CHAPTER 2 HOPE YOU LIKE IT! WANT A BOOK 2? GET THIS TO 50K VOTES!!!





User of MemorieWhere stories live. Discover now