Chapter 11 : Huling sandali

3 1 0
                                    

.

.

.

Nahabol ako ni Macoy gamit ang sasakyan nya pero he's too late already at naandar na ang taxi na sinasakyan ko

Habang nasa sasakyan ako ay napatugtog ang kanta ko para sa kanya noong panahon na nagkakalabuan at para bang nagkakalamigan kami

Binalik ako nito sa mga ala-ala namin ulit

.

.

.

.

.

*Music playing 'two is better than one'

Nag-text sa akin si Lassy:

"Hey bessy!"

"Yow hahaha! bakit gabi na ah! 12:30 na gurl!"

"May gusto lang akong sabihin...."

"Sige ano? hahaha!"

"Pero pwede bang itawag ko na lang sayo ngayon?"


Medyo kinabahan ako sa gusto nyang sabihin pero hindi ko pinahalata

Makalipas ang ilang segundo ay nakatanggap ako nang tawag mula sa kanya


"Uy! ito na nga pala yung sasabihin ko...."

"Ano?"

"Si Macoy....."

"Si Macoy?"

"Gusto nya nang umalis sa loob nang bansa next school year....."

"HA?!.........Pero.......... akala ko......... okay naman lahat diba???"


Bumugso ang iyak ko habang nag pe-play ang kantang iyon sa laptop ko 


"Nich? okay ka lang?"

"Ha? Oo..... Oo naman....."

"Sure ka ha...... Alam mo naman nandito lang ako kung nalulungkot ka diba?"

"Oo hahaha........Sigi sigi bye na nilalagnat ako eh"

"Sigi sigi bye goodnight"


Nagkunwari na lang ako na may sakit para hindi nya ako tanungin kung okay lang ako dahil binuhos ko na ang iyak ko noong gabing iyon


"Bakit mo kailangang umalis???" tanong kong palihim para sa kanya

"BAKITTTTT?!?!" sabay sabi ko habang nabuhos ang luha ko


Nang pagbalik nang diwa ko sa kasalukuyan ay napansin kong sinusundan kami ni Macoy 


"Kuya, iligaw mo nga po yung sasakyan sa likod"

"Sige po mam"


Naligaw naman nang driver si Macoy pero makalipas ang ilang minuto ay nasundan nya na uli kami 

At dahil malapit na ako sa bahay ko ay wala na akong nagawa para maligaw pa namin sya

"Mam, eto na po tayo" hudyat ng driver

"Sige po kuya salamat... Eto po yung bayad"

"Salamat po!"

User of MemorieWhere stories live. Discover now