Ang Pagpapakilala

90 7 1
                                    

Ngayo'y nagsisimula ang bagong school year at siyang akalain mo, ang F6 ay nagbabalik. Sila lang naman ang pinaka kilalang squad sa buong eskwelahan. Sila ay sina Claude, Wayne, Winston, Jack, Ryan at si Axel. Kahit sila'y may pagka basag ulo, matataas pa rin ang kanilang mga grado. Parang F4 sila pero 6 kaya F6

*naglalakad sa hallway

Andiyan si Claude, siya yung tipong magaling mag-edit ng kalokohan pero pag yan prinessure mo nako, parang gawang pang professional ang gawa nyan pag dating sa teknikal. Mayaman to pre, di lang mukhang mayaman pero asal mayaman.

"Uy Claude! Pwede pa-edit? Kailangan lang sa project namin eh thank youuu!"

At syempre mabait siya, tatanggapin niya HAHAHHA.

Andiyan naman si Wayne. Siya yung tipong sobrang bait mapapantayan niya na yung mga nagpapa boto sayo sa politiko, pero sa una lang yun, pag ginalit mo aba ewan ko na sayo kung pano mo yun nagalit, hirap nun galitin eh. At isa pa pala, siya yung pinaka adik sa Mobile Legends. Kaya niya ring mag gawang teknikal pero kakaunti lang ang alam niya doon. Walang may ayaw o galit sa kanya, kung magkakaron man, may nagawa lang siyang mali dun sa taong yun. Siya rin yung matuturing "pretty boy" sa kanilang barkada at siya rin yung pinaka kilala sa kanilang tropa

"Uy si Wayne ba yun?"
"Uy kuya crush ka nito! AYIEEE!"
"Pa-picture daw po kuya oh"

Syempre humble si Wayne pero mabait kaya pag may nagpapicture, banat lang ng banat

Ah, si Winston. Siya nga pala yung taga back-up ng joker ng squad nila. Sa mga lakad, imposible syang maiwan kase sya yung unang hinahanap.

"Oy pre, sama ka? Mag gagala lang tayo" "yoko pre, nakakatamad, maglalaro nalang akong ML sa bahay"

Pero ang problema, may pagka tamad siya. Kasing level nya kagwapuhan ni Wayne pero shy sa mga babae at cool lang, du katulad ni Wayne na nagiging famous kasi pinapakita niya kagwapuhan niya, etong si Winston tahimik lang pero marami pa ring nagkakagusto. Eto nga pala yung tipo na kaibigan na di mo akalaing magaling pala sa ganong bagay, magaling rin to mag-advice eh.

Si Jack naman. Meron siyang pagka KJ pero makakakuha ka sa kanya ng advices pag may malalim kang problema at minsan seryoso din to kaya advice ko sa inyo, magpatawa ka lang pagkasama mo to para di ganong kaseryoso. Pangalawa to sa joker ng tropa

Oh ito matindi, si Ryan. Siya yung utak ng kalokohan ng squad. Siya yung top 1 klase pero at least, maganda siya kasama. Seryoso siya at times pero pagsinimulan mong magjoke, nako ewan ko na kung magiging seryoso pa to.

Last but definitely not the least, si Axel. Siya yung taong lagi mong maririning na nag-eenglish. Siya yung joker ng squad pero may pagka demonyo rin. Mahirap din pag galit to, seryosong seryoso katulad ng iba at walang magpapatawa sa barkada kaya minsan siya naman yung pinapasaya nila. Hindi siya pangit, di rin sya gwapo, sakto lang pero akalain mo, mas marami pa to naging jowa kesa sa mga iba dyan eh. Masasabi niyo na si Axel at matinik sa mga babae.

"Oy pre, ano? Sali ka ba sa Rank game?"

"Umm... probably not, my phone's about to die. Speaking of which I'll charge it now, ttyl!"

Takte isipin mo yun? Tinanong mo ng tagalog tas sasagutin ka in english? O my Gawd nosebleed iz meh.

Oo, may itsura silang lahat pero bakit ganun? Walang pumapatol? May mga nakakagusto o crush oo pero hindi yung seryosong relasyon. Pero okay lang yun kasi malakas naman ang friendship goals nila. Apat na taon na silang. magkakasama sa eskwelahan, turing na nila sa isa't isa parang kapatid. Di mo makikita silang magkakahiwalay, pag nakita mo naman na magkahiwalay, may ginagawang importante yun, wag mong abalahin.

"Oy guys cellphone ko asan? Loko rin kayo ehhh" sabi ni Wayne at walang iba na kukuha neto kundi si Axel lang tas kasabwat na yung ibang kabarkada.

Oo nga pala, worth mentioning na kahit sa anong kalokohan, magkakasama sila lagi. Kung magkaron ng problema ang isa, damay ang lahat, damayan na this pre.

*Pause*

Pero siguro iniisip ninyo na paano sila nagkakilala? Well nagsimula yan noong grade 7, ang mga orihinal na magtotropa lang ay sina Jack, Winston, Claude at Ryan pero biglang pumasok sina Wayne at Axel. Sina Jack, Winston, Claude at Ryan ay ngayon lang naging magkaklase samantalang sina Wayne at Axel, well since grade 1 pa sila magkasama sa seksyon pero naging magkaibigan lang talaga sila noong grade 6

6th ChainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon