Bilisan Ninyo

25 5 0
                                    

*Wayne's POV*

"Sige po, aakyat na muna ako ako sa kwarto ko" sabi ni Wayne sa kanyang mga magulang pagtapos kumain

"Gagana pa kaya tong laptop ko? Mahigit apat na taon ko na to di nabubuksan eh dahil dun sa ano, dun sa computer lab sa school"

Habang binubuksan ni Wayne ang luma niyang laptop, hindi na nya namalayan na ang mga gamit nya ay nakakalat pa sa kanyang kama

"Ayun! Gumana! Ano pa kaya yung windows na tumatakbo net-" ngunit bago niya pa matapos ang sasabihin nya, nagturn off ito

"Ay, kala ko ba naman gagana, hays. Siguro wala lang tong charge, charge ko muna"

*Humikab si Wayne*

"Antok na ko, siguro idlip lang ako ng konti, napapapikit na ko eh" sabi ni Wayne nang paonti-onting nakakatulog na

*Mga manok na tumitiktilaok*

"Mmmm.... Bat parang umaga na.... Anong oras na ba?" Sabi ni Wayne habang tinitingnan ang orasan

"AY POT- 3 O'CLOCK NA, SHET! MAAAAAAA! DI NA PO AKO KAKAIN, MALILIGO NA PO AKO!" sigaw ni Wayne habang nagmamadaling ligpitin ang gamit niya sa kanyang kama at naghahandang maligo

"SHET SHET SHET! WAG MONG SABIHIN WAYNE NA MALALATE KA NANAMAN?! PANGALAWANG ARAW PALANG NG KLASE! AAAAAAAA" sigaw ni Wayne ulit habang papasok sa banyo

"Ok ok Wayne, kalma, wag ka matarant-" ngunit bago pa nito tapusin ang kanyang mga sasabihin, walang nilalabas na tubig ang kanilang gripo sa banyo

"POCHA, NGAYON PA TALAGA??? PAAAAAAAA, PEDE PO PAKUHA PO AKO NG TUBIG DUN SA MGA GALON! PAKIBILISAN NALANG PO! SALAMAT PO!" Sigaw ni Wayne sa kanyang mga magulang

"Wag ka mataranta, nak, bilisan mo nalang dyan" sambit ng kanyang ama

"Wayne! Oi!" Sigaw ng kanyang kaibigan na si Axel sa labas

"Uy ikaw pala Axel, ambagal kasi ni Wayne eh tsaka kagigising lang" sabi ng ina ni Wayne

"Ay sige lang po tita, nasan na po sya ngayon?" Tanong ni Axel

"Ayun, nasa banyo naliligo at natataranta, oh pasok ka muna baka mainitan ka dyan sa labas" sagot ni ng ina ni Wayne

"Sige po tita, salamat" sabi ni Axel "ay hello tito!" Bati naman ni Axel sa ama ni Wayne

Habang kinakausap ng ina at ama ni Wayne si Axel, ito'y dali daling lumabas

"Oi pre tagal mo naman" sabi ni Axel

"Usap nalang tayo mamaya pre, magbibihis na ko" sagot ni Wayne habang tumawa si Axel

Habang nagbibihis at naghahandang tumakbo si Wayne papunta eskwelahan, napansin nyang naka-charge pa rin ang laptop niya

"Ay oo nga pala.... Hmmm..... Siguro mamayang gabi ko nalang to gagalawin, kaylangana na naming magmadali" sabi ni Wayne sa kanyang sarili

Dali daling lumabas na si Wayne sa kanyang kwarto na nakabihis na at halata ang taranta sa kanyang mukha

"Tara na par, kaylangan pa nating magmadali, tara tara tara!" Sabi naman ni Wayne nang mabilis

"Tara, sige po tita at tito, bye po!" Paalam naman ni Axel

At dali daling lumabas ng bahay at tumakbo agad ang dalawa

"Bat kasi antagal mo? Tsaka bat kakagising mo lang?? HAHAHAHAHHAH" tanong ni Axel habang natakbo silang dalawa

"KASIIIIII, TINATRY KONG BUKSAN YUNG DATI KONG LAPTOP PERO NAKATULOG AKO, TSAKA PRE NANAKAW YUNG PHONE KO KAGABI!" Sabi ni Wayne na nagmamadali

"Ahhhh kayaaaa HAHAHAHHA" sagot naman ni Axel

Ngayo'y nakapasok na sila sa kanilang eskwelahan at biglang silang hinarang ng guard at sabing

"Hep hep, sandali lan, kita nyong flag ceremony diba? Hintayin nyong matapos muna yan" sabi ni ng gaurd

"Buti nalang may flag ceremony, noh?" Bulong ni Axel kay Wayne at sabay tawa

Nang natapos na ang flag ceremony bigla nang tumakbo agad ang dalawa papunta sa kanilang kwarto

"Mga batang to talaga, laging late pumasok, hays" sabi naman ng guard

Dali daling pumila agad ang dalawa na parang walang nangyari

"Oy, Wayne! Yung favor ko ah! Sabihin mo!" Sigaw ni Kathleen kay Wayne ngunit di nito pinansin si Kathleen

"Oh Axel, Wayne, bakit pawis na pawis kayo? Nakatayo lang naman tayo doon sa labas at nagflag ceremony lang naman ah?" Tanong ni ms. Malumbay

"Ganon po talaga ms, nasa Pilipinas po tayo eh" sagot ni Axel na may onting tawa ang kanilang tropa

"Oh sya, sige, take your seat"

"Thank you ms Malumbay!" Sagot ng buong klase

"Okay class, I have some news regarding for our 1st quarter classes. Your first class for every day is math second is..... Blah blah blah....."

"Oi, anong nangyari? Alam kong di kayo nainitan doon eh, halatang kakapasok nyo lang dito sa eskwelahan" tanong ni Ryan sa dalawa na naghihingalo pa

"Eto kasing si ano, si Wayne, kagigising lang, buti hinintay pa kita pre" sagot naman ni Axel

"Pre naman, alam mo nanaman yung nangyari kagabi dba? Kinuwento ko na sayo eh" sabi ni Wayne kay Axel

"Sandali nga, ano ba nangyari kagabi?" Tanong ni Ryan

"Kasi pre yung phone ko nanaka-" bago pa tapusin ni Wayne ang kanyang sasabihin, sinitsitan ni Jack ang tatlo at sabing "oy, psst, nakatingin sa inyo si ms mga pre, tigil ninyo muna yan"

*Tumahimik ang klase*

"Anywaaaayyssss, as I was saying...."

"Buti di kayo sinita mga pre, ano ba yang kaguluhan na yan ha? Sama ko" sabi ni Jack

"Sige, so ayun nga, yung phone ko nanakaw sa daan tapos tinry kong habulin pero mas mabilis kesa sa akin. Ayun since wala akong pangmsg sa inyo tinry kong buksan yung luma kong laptop at nakatulog na ako habang chinachrage ko sya.... Ay gago HAHAHAHAHAH nakalimutan kong tanggalin sa charge HAHAHAHHA" sagot naman ni Wayne sabay tawa ang apat

"Okay class that is all for today for this homeroom time, goodbye!"

"Goodbye ms Malumbay!" Sigaw naman ng buong klase

"Onga pala, asan si Winston? Ang weird kasi pag wala sya eh" tanong ni Jack

"Ewan ko" sagot ng tatlo

Biglang sumulpot si Claude at sabing

"Sabi nya sakin may problema daw sa bahay nila kaya di sya makakapasok ngayon. Nag-aalala nga ako kung ano nang nangyayari sa bahay nila eh" sabi ni Claude na may pag-aalala sa kanyang mukha

"Siguro nawalan din sila ng tubig kagaya ng nangyari kay Wayne HAHAHAHAHA" sagot ni Axel sabay tawa ng tropa

Habang nagatatawanan ang magtotropa, biglang lumapit si Ricka kay Wayne at sabing "Oi amm ano? Payag ka ba sa school buddy?" Tanong ni Ricka

"Ay oo nga pala, sorry kung di ako nakapagmessage kagabi, long story masyado" sagot ni Wayne kay Ricka.

"Anyways, ano? School buddy?" Tanong ni Ricka

"Sige lang, ayos lang naman sakin" sagot ni Wayne

"Slamaaaaaat" sagot ni Ricka

Habang nag-uusap sina Ricka at Wayne, napapakilig ang magtotropa, maliban nalang kay Axel

*Pumasok ang kanilang susunod na guro*

"Good afternoon class!"

"Good afternoon sir Gwampo!" Sigaw ng buong klase

"Okay take your seat"

"Thank you sir!" Sagot naman ng buong klase

"Oh sya, mamaya nalang ulit" sabi ni Wayne kay Ricka na pabulong

"Sige, salamat ulit!" Sagot naman ni Ricka

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

6th ChainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon