Habang naglalakad sina sina Wayne, Axel at Winston pauwi sa kani-kanilang bahay, nagyaya muna si Winston na magkape sila sa 7/11 na madadaanan nila
"Oy tara, 7/11 muna tayo mga pre para makapagpahinga tayo ng kahit kaunti man lang" sabi ni Winston na naghihingalo
"Hmm ge tara, kape tayo para may energy ule tayo, mahaba-haba pa tong lalakarin naman natin eh" sabi ni Axel
"Ge tara" sunod namang sumagot ni Wayne
Habang papasok sila sa 7/11 nakita nila ang magkakabarkada ng mga babae sa kabilang section na sina Kathleen at Tricia at Madeline.
"Oy diba sila Kathleen yon? Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Wayne
"Syempre nakaupo kita mo naman diba?" Sagot ni Axel na namimilosopo kay Wayne habang tawa naman ni Winston
"Tara makiupo nalang tayo para naman may iba tayong kausap" suggestion ni Winston
"Umm I don't know about that, don't really wanna go and socialize with other peop-" bago pa matapos ni Axel ang kanyang sasabihin, bigla nang tumayo ang grupo ng babae
"Oy Wayne, pakilala mo naman ako kay Winston, shet kasi sis ang gwapo" sabi ni Kathleen kay Wayne kay ng pabulong
"Eh bat di ka pa magpakilala, pwede namang ikaw na mismo makipag-usap eh idadaan mo pa sa akin" sagot naman ni Wayne ng pagalit ng onti
"Ehhh sige naaaaa, pleaaasseee?" Sagot naman ni Kathleen ng paawa
"Hmf, sige na nga, pero may kapalit to ah" sagot naman ni Wayne kay Kathleen
"Yieeee salamaaattt" sagot ni Kathleen na may kasamang yakap
"Sigeeee byebyeeee, inaasahan ko yun ah" sabi ni Kathleen kay Wayne
"Pre feeling close sayo yun ah, sino ba yun? HAHAHAHHA" tanong ni Winston kay Wayne
"Umm wala, kaibigan ko lang since last year pa" sagot ni Wayne
"Paano ko yan di nalaman pre? Kay tagal-tagal na nating nagkaibigan ah, kababata din kita ah" sabi naman ni Axel kay Wayne
"Sis , alam ang cute nung tropa nilang si Jack hihi" sabi naman ni Madeline habang paalis sila
"Aba may nagkakagusto pa nga kay Jack HAHAHAHHA" sabi ni Axel at tumawa silang tatlo
"Oh pre uupo na muna ko dito, bilin nyo na kaylangan nyong bilin, nagtitipid kasi ako eh" sabi ni Wayne sa dalawa
"Ge" sagot naman ng dalawa
Habang pumipili sina Winston at Axel ng mabibili, biglang may nagtext sa phone ni Wayne
"Umm hi? Ikaw si Wayne noh? Umm gusto ko lang sanang magkaroon ng kaibigan from this school para mas mahasa ako kung anong mga rules sa school" text ni Ricka
"Oy gagi, si Ricka, umm ano sasabihin ko shet! Umm, UMMMM!" Sabi naman ni Wayne sa kanyang sarili ng biglang may isa pang nagtext
"Oy ano nasabi mo na kay Winston? Hehe" text naman ni Kathleen
Nalito na si Wayne kung sino una nyang kakausapin kaya wala syang nireplyan
"Oh tol tara na?" Tanong ni Axel kay Wayne
"H-ha? Ay ahh gege tara na" sagot naman ni Wayne
Habang kumakain at naglalakad silang tatlo, mistulang nakangiti lang si Wayne habang nasa daan sila
"HOY! Anong iniisip mo ha? Babae yan noh? Nako nakooooo Wayne, alam ko na yan" sabi ni Axel kay Wayne
"Ehh preee pano ba naman kase, si Ricka nagmessage sakin at nagtanong kung pede ba daw maging kaibigan talaga kami, kaylangan nya daw kasi ng magiintroduce sa kanya ng school ng maayos. School buddy kumbaga" sagot naman ni Wayne
"Ahh hahaha ge pre kaya mo yan" sagot naman ni Axel ng mahina
"Parang iba nanaman ata mood mo pre ah, anong atin ule? Si Jannah ba nanaman yan? Sabi ko sayo eh, kalimutan mo na yun, hiniwalayan ka na nga eh iniisip mo pa" sabi naman ni Winston kay Axel
"Hindi pre, hindi yun" sagot ni Axel kay Winston
"Eh ano?" Tanong ni Winston
"Pre, mali bang magkagusto doon sa taong kinagugustuhan ng barkada mo" sagot ni Axel.
"Ha? Wag mong sabihin..... Nagkakagusto ka rin kay Kathleen brad?" Tanong ni Winston
"Ehh pre parang ganon na nga" sagot ni Axel
"Eh pre, wala akong kinakampihan at siguro ayos lang? Pero kung maging sila, eh tol siguro alam mong mali na yun dba?" Sabi ni Winston
"Alam mo pre, andami mo talagang words of wisdom HAHAHAHHA" sabi ni Axel
"Ganon talaga brad, basta ako dito, magpapahabol lang ako, di ako magpapahuli sa kahit sinong babae" sagot ni Winston habang nagtawanan ang dalawa
*Makalipas ang 30 minutes*
"Oh mga tol, dito na ata tayo laht magkakahiwa-hiwalay, ge na muna mga tol, kita-kits bukas" sabi ni Wayne
"Gege mga tol, ingat" sabay sabi naman nila Winston at Axel ng sabay
Habang naglalakad pauwi si Wayne, natandaan nyang di pa sya nakakapagreply kina Kathleen at Ricka
"Ay shet, di pa pala ako nakakapagreply sa kanila, hmm siguro unahin ko na muna si Kathleen" sabi ni Wayne
Habang kinukuha ni Wayne ang kanyang cellphone sa bulsa nya, may motor na padating at biglaang kinuha ang kanyang cellphone
"HOY, BALIK NYO YAN!" sigaw ni Wayne sa mga magnanakaw habang palayo ng palayo ang nga ito
"SHET, ANONG GAGAWIN KO?? KINGINAAAAA PANO TO, DI PA KO NANANAKAWAN SA BUONG BUHAY KO, NGAYON LANG! SHET!" Sabi ni Wayne habang hinahabol ang nga magnanakaw habang hinihingal
"Mukhang mapapagalitan ule tayo sa bahay ah tsk" sambit ni Wayne
"Hi ma, hi pa" sabi ni Wayne sa kanyang mga magulang
"Ma pa, umm, nanakawan ko ako ng phone" sabi ni Wayne ng malungkot
"Ha? Ehh wala na tayong nagagawa doon, nanakaw na eh" sabi ng mga magulang ni Wayne
"Bat parang di po kayo galit?" Tanong ni Wayne sa kanyang nga magulang
"Nangyari na iyon anak, wala na tayong magagawa at saka mabuti walang nangyari sayo, matiryal na bagay lang iyon anak, ikaw, tao" sagot ng magulang ni Wayne
"Amm sige po ma, pa, pupunta na po ako sa kwarto ko" sabi ni Wayne
"Sige anak, kumain ka mamaya ah" sagot ng mga magulang ni Wayne
Habang naglalakad si Wayne papunta sa kanyang kwarto, natatakot pa rin sya na ang kanyang phone ay nanakaw
*Wayne's POV*
"Ok Wayne, chill lang, di naman nagalit sila mama kaya ayos lang yan, sabi nga ni mama, matiryal na bagay lang iyon. Hmm paano kaya ako makakapagreply kina Kathleen at Ricka? Hmmm...."
"Ay oo, may lumang laptop nga pala ako dito sa kwarto. Hmmm papakilala ko pa ba kay Winston si Kathleen.... sigurooo wag na, kaya na ni Kathleen na kausapin yun"
"Oh sya, magbibihis na muna ako at bababa na ako para kumain"
Habang nagbibihis si Wayne binuksan nya na ang luma nyang laptop
"Jusko, ilang taon na to andito ah, ang alikabok pa"
"Hoy Wayne! Halikana rito't kumain na para sama-sama tayo" sigaw ng ama ni Wayne
"Opo tay! Papunta na po dyan!" Sagot naman ni Wayne
BINABASA MO ANG
6th Chain
FanficSa istoryang ito, masisilayan nyo kung pano ang magkakaibigang sina Claude, Wayne, Jack, Winston, Ryan at si Axel ay magkakawatak-watak ang kanilang barkadahan dahil lang sa isang babae. Sila ay mga grade 10 students at malapit nang magsenior highsc...