Ngayon naglalakad sila papunta sa kanilang mga silid at nagsisitawanan, pero biglang sabi ni Claude na"Oy mga pre. Sh*t late na tayo"
"eh anong oras na ba?" Sabi ni Ryan
Sagot naman ni Wayne na "4:20"
(fast intermission, ang klase nila ay nagsisimula ng 4, ok yun lang)
"oh alam niyo na gagawin? TAKBO NAAAAA!!!" Sabi ni Ryan na napaka lakas na parang maririnig ng ibang klase ang sigaw niya.
At yun nga, sila'y nagsitakbuhan sa koridor. Pinagtitinginan sila ng mga tao sa bawat klase nilang madadaanan.
"Ano ulet una nating subject?" Sabi ni Wayne. Sinagot naman Jack
"MATH PRE, MAAAATTHHH!" Sinabi nya yun habang naghihingalo.
"OH SHH*****TTT! WE GOTTA RUN FASTEEERRRR!!!"
Sagot naman ni Axel ng pasigaw. At nang makadating sa klase nila, naglumpasay sila sa sahig na nanghihingalo at hinahabol ang hininga. Buti nalang air conditioned yung room nila pero ang kaso baka magka sipon naman sila.
"Mga mister! Where have you been?! Pwede ba kayong tumayo dyan at umupo sa inyong mga upuan?!"
Siyang sabi ni Mr. Gwampo. Siya nga pala ang kanilang math teacher na istrikto kaya ilag-ilag din sa kanya pag may time.
"Sorry sir, we just didn't want to be late in your class" binigkas ni Axel ng paawa.
"Oh is that so? Ok sige umupo na kayo sa upuan nyo at ako'y magtuturo na" sabi ni Mr. Gwampo.
Biglang may humawak sa balikat ni Axel at si Winston ito sabay sabi "lupit ng palusot mo pre ah" sinabi na patawa. Tumawa nalang silang anim.
"So class this how you add polynomials... binomials... blah blah blah..." sabi ni Mr. Gwampo.
"Pre nakaka boring naman"
"o nga eh" sabi ni Wayne at Winston.Nagtanong sila Wayne at Winston kay Axel na
"Dude, may joke ka dyan? Parinig naman, amboring eh"
"ok here I go, what did-" At biglang tumingin si mr. Gwampo sa kanila.
"Mr Axel, what are you doing?"
"Oh umm I wa-was just teaching them what you where teaching becuz they can't understand it"
at merong moment of awkward silence dun. Sabi ni Mr. Gwampo na "ohh is that so? So could you please write down the answer to the question that is on the board?"
"Oh ye-yeah, sure" sinabi ni Axel na kinakabahan. Kinuha ni Axel ang marker sa desk at sinagutan ang tanong. Nagtagal ng konti si Axel sa harap ng klase nag-iisip pero eventually nasagutan niya naman. Akalain mong nasagutan niya yung tanong?
"Well done mr Axel, you may now sit" sabi ni mr Gwampo na nagulat.
"Ay wow, galing naman" sabi ni Jack.
"With the help of Ryan and the board, I answered the question right, I saw Ryan on the reflection on the white board"
sabi ni Axel
"Oh dba? Maayos yung katropa nyo yung top 1" at ang anim ay nagsitawanan."Oy Claude, anong ginagawa mo? Makinig ka kaya kay sir." Sabi ni Winston
"Shh... manahimik ka nalang. Ginagawa ko yung pinapa edit sakin nung kabilang section, para daw sa grades nila to at wag ka mag-alala, babayaran naman daw nila ako pagkatapos nito. Tsaka ituturo naman yan sa atin ni Ryan mamaya eh. Libre ko nalang kayo sa uwian" sabi ni Claude
"Bahala ka dyan, pero aasahan ko yung libre ah" sabi ni Winston

BINABASA MO ANG
6th Chain
FanfictionSa istoryang ito, masisilayan nyo kung pano ang magkakaibigang sina Claude, Wayne, Jack, Winston, Ryan at si Axel ay magkakawatak-watak ang kanilang barkadahan dahil lang sa isang babae. Sila ay mga grade 10 students at malapit nang magsenior highsc...