Alay Lakad

28 5 0
                                    

Bumalik na sila Axel sa room nila at hanggang sa oras na iyon, wala pa rin ang kanilang teacher

"Oh? Bat wala pa si ms?" Sabi ni Axel

"Aba'y parang himala naman to, bat biglaang nagtatagalog ka na pre?" Tanong ni Wayne ng patawa

"Ehhh wala, gusto ko lang sanang pagandahin kung paano ako magsalita sa tagalog" sagot naman ni Axel

"Oh, diba siya yung bagong transferee na sinasabi ninyo? Will she stay in our classroom for the whole school year?" Tanong ni Axel

Narinig ito ni Ricka at siya na mismo ang sumagot

"Umm.... Yes, sa section ninyo nga ako mag-iistay para sa school year na to. Sorry kung nainterrupt ko yung usapan niyo, pero since na ako naman pinag-uusapan ninyo, sumagot na ako"

"Oh, umm sige ayos lang. Oo nga pala, ako si Axel, ito naman si Wayne, si Claude, si-"

Habang nagsasalita si Axel, sumingit si Ricka at sabing "Ryan at si Jack, oo kilala ko na sila kanina pa, sila yung unang nagwelcome sa room ninyo eh"

At habang nag-uusap ang F6 at si Ricka, pumasok na si ms Malumbay para magturo

"Okay class, sorry sa interruption sa ating klase, nagkaroon lang talaga ng urgent meeting sa office pero ayos na ngayon kaya balik na tayo sa normal schedule" sabi ni ms Malumbay

"So class siguro alam ninyo nanaman ang klase ng sakit diba? Mga communicable at non-communicable. Sino ang makapagbibigay sa akin ng sakit sa parehong uri ng sakit?"

Habang tumitingin at pumipili si Ms Malumbay ng kanyang tatawagin sa kanyang klase, napansin niyang nakatulala si Axel at biglaang tinawag ito.

"Axel! Give me one disease on each type of diseases"

Ang lahat ng atensyon ni Axel ay napunta sa kanilang teacher, siya'y nag-isip ngunit walang pumasok na isip nito

"Sorry miss, I don't know" sabi ni Axel

"Okay anyone who can help Axel here?"

"Oh Ricka!"

"The diseases that I can name are....blah blah blah..."

"Uy brad, ayos ka lang, bat di ka lumingon sakin? Handa na kong tulungan kita eh, may gumagambala ba sayo brad?" Tanong ni Ryan na may pag-aalala

"Oh umm, it's nothing. Wag mo na ko intindihin tol, may malalim lang talaga akong iniisip na para sakin lang talaga" sabi ni Axel na nasa mababang tono ng boses

"Sige pre, basta kung komportable kang sabihin sa amin at magkwento, andito lang kami lagi pre ah. Tropa is tropa, remember?" Sabi ni Ryan habang tumawa ng mahinhin ang pareho

*Makalipas ng isang oras

"Okay class, that is all for today. You may now get ready for your next teacher, goodbye!"

"Goodbye and thank you ms Malumbay!" Sigaw ng buong klase ng sabay-sabay

"Ayan, sa wakaaaaasss natapos na rin tong pinapa-edit ng kabilang section, buti 8 minutes lang tong pinagagawa nila" sabi ni Claude na guminhawa ang pakiramdam

"Oh tol, alam mo na mamayang uwian ah, yung sinabi mo" sabi ni Winston kay Claude

"Oo pre wag ka mag-alala, street food for days tayo mamaya" sabi ni Claude sabay tawa silang dalawa

*Makalipas ang anim na oras*

"Haaaayyyy sa wakas, makakauwi na rin. Oy pre, excited na ko sa kwento mo Axel HAHAHAHHA pero mas excited ako sa libre ng street foods ni Claude" sabi ni Winston

"Oi mga tol, sana wag kayo mabigla ah pero-" sabi ni Claude pero sumingit si Jack at sabi

"Ay alam ko na yan, may jowa ka na noh? Sabi ko na eh" biro ni Jack sa kanilang lahat

"Hindi naman tol, umm may sasabihin kasi ako sa inyo na yung libre ko sa inyo ngayon, all out na, lubusin nyo na mga tol. Ayoko sana maging madrama pero lilipat na kasi kami ng ibang bansa pagkatapos ng quarter na 'to kaya magsaya na tayo ng magsaya mga tol hanggang andito pa ako" sabi ni Claude ng padrama at ng paiyak

"Di ko yun inaasahan ah, pero di bale, utong mga araw na kasama ka pa namin magiging pinaka masasayang araw sa buhay mo!" Sigaw ni Jack at nagtawanan silang lahat

"Tara na mga tol, baka maiwan nanaman tayo ng bus tulad ng nangyari last year HAHAHAH" sabi ni Winston

Sabay-sabay silang tumayo at naglakad papunta sa service na bus ng kanilang eskwelahan

"Ayan, buti naka-upo tayo, di katulad ng mga nakaraang araw na lagi tayong nakatayo" sabi ni Jack

"Oo nga eh, oi Jack, tara ml. May itatry lang akong build kay Bruno" sabi ni Ryan na nasasabik

"Yoko nga, baka madurog lang kita eh, de syempre biro lang, tara connect ka nalang sa hotspot ko kung wala kang load" sabay sagot naman ni Jack

Isipin mo yun, kahit sa ml matalino pa rin. Kahit saang larangan magaling to eh

*Biglang huminto ang kanilang sinasakyang bus*

"Ahh mga bata, mukhang nasiraan tayo at kayo nalang yung huling mga estudyante na iseservice eh kaya wala nang driver na available na pwede kayong ipick up" sabi ni manong driver na nag-aalala

"Kuya, matanong lang po, ano na po gagawin natin?" Tanong ni Ryan kay manong driver

"Wala tayong magagawa kundi maglakad palabas sa village na ito, pero para sa mga masyadong malayo ang mga bahay dito, pwede naman kayong maghintay ng isa pang service pero baka mga 30 minutes pa" sabi ni Manong driver

"Oy mga tol, tara maglakad nalang tayo, masaya namang maglakad pagkasama kayo eh, tara na" sabi ni Wayne sa mga tropa niya

"Tara!" Sabay sabi ng buong tropa ng sabay-sabay

6th ChainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon