Habang naglalakad na silang magtotropa at habang nahuhuli si Axel sa magtotropa, pununtahan ito ni Winston
"Uy pre, dun sa problema mo nga pala, parinig naman at para may matulong ako, mukha ka kasing malungkot eh" sabi ni Winston sa malungkot na Axel
"Ay... Umm.... Sige pero sa atin lang to pre ah" sabi ni Axel
"Eh kala ko ba number one rule ng squad natin eh walang sikreto?" Sabay tanong naman ni Winston
"Oo pre alam ko naman yun pero kasi nakakahiya ng onti tong sasabihin ko, at diba nga ang rule 6 natin eh walang sikretong lalabas? Kaya pre, sa atin lang to ha?" Sagot naman ni Axel
"Ehhh sige, ikaw naman yung magsasabi eh kaya go, sabihin mo nalang sa akin at makikinig ako" sabi naman ni Winston na sincere
"Ganto kasi pre, habang nagcucutting classes ak-" pero habang nagsasalita si Axel, biglang ginambala sila ni Jack at sabing
"Mukhang seryosong usapan ito ah, ano bang kaguluhan ito?" Tanong ni Jack ng patawa
"Ehh... Umm... Wala wala, ano kasi" sabi ni Axel
"Ay wait, seryosong usapan nga talaga to, di nagbibiro si Axel eh tsaka adi nag-eenglish, pre parinig naman" request ni Jack kina Axel at Winston
"Sige, kung sasabihin mo to kila Wayne at Ryan, sabihin mo muna sakin, baka kasi tumapat sa di magandang time yung pagsasabi mo sa kanila eh" sabi naman ni Axel
"Sige lang pre, pangako ko yan" sabi ni Jack
"Kasi mga pre, alam niyo namang matinik ako sa mga babae diba? Pero wala akong kasintahan, well di yun totoo, may jowa ako" sabi ni Axel ng mahinhin
"WEH? DI NGA" siyang sabi nila Jack at Winston na gulat na gulat
"Huy, babaan nyo boses ninyo, pero oo totoo yun"
"As I was saying, yun nga, may jowa ako at ang pangalan nya ay Jannah. Mga dalawa o tatlong buwan ding naging kami pero kanina nung nagcutting ako, at buti nalang walang teacher nung oras na yun, ayun nakipagbreak sakin, kaya heto ako ngayon, sawi sa pag-ibig men, SAWI! SAWI I TELL YOU!" Sabi ni Axel na galit na may halong lungkot
"Ahhh kaya pala parang malungkot ka kanina at tulalang tulala sa klase" sagot naman ni Jack
"Hindi lang parang pre, malungkot talaga, di ko pa to nakikitang malungkot ng ganito eh tsaka di nangdedemonyo ngayon" sabi naman ni Winston ng patawa
Tumawa ng mahinhin ang tatlo habang pabagal ng pabagal ang kanilang lakad
"Pre advice ko, bilang isa sa mga tropa mo, kung magkakagusto ko sa isang tao, taasan mo na standards mo. Di ko naman sinasabing pandirian mo yung mga di mo type o yung nga di maganda pero pre, siguraduhin mo nalang na yung babaeng gugustuhin mo eh sincere at loyal sayo. Some piece of advice lang" sabi ni Winston kay Claude
"Salamat talaga mga tol sa pakikinig" sabi naman ni Axel sa kanilang dalawa
Biglang sumigaw si Wayne at sabing "Hoy! Tara dito at bilisan ninyo sa paglalakad, gusto ko nang umuwi at makasakay ng jeep!" At nagmadali na ang tatlo sa paglalakad hanggang makahabol kina Wayne, Ryan at Claude
"Oy nga pala, yung libre mo Claude ah" sabi ni Winston ng patawa
"Oo pre, wag kang atat, pagkalabas natin dito sa village na to, dumugin ninyo agad yung unang nagtitinda ng street foods" sabi ni Claude
Nagtawanan ang lahat ng biglang may tumawag kay Claude
"Ay mga pre, sandali lang, may tumatawag wag kayong maingay ah" sabi ni Claude sa lima
Syempre, bilang tropa, uungol yan at biglaang magsasabi ng "oy tol, ipasa mo naman yang droga oh". Lahat naman ata ng mga magkakabarkada ganon eh
"HAHAHAHHA tol sorry, kaylangan lang naming gawin, tradisyon na yun dito eh HAHAHHAH" sabay sabi naman ni Jack pero nung nakita nila yung mukha ni Claude, mukhang seryoso ang naging usapan niya
"Pre sa tingin ko di oras para magbiro, seryoso ata to mga brad" sabi naman ni Wayne sa kanila
"Eh tol sino ba yung kumausap sayo at tungkol saan?" Tanong ni Ryan kay Claude
"Mga tol *yakap*, si mama at papa yun, sabi nila na this weekend daw, sunday, aalis na kami ng bansa, napagdesisyunan na nila para daw di ako mahirapan mag-adapat sa klase ng pagtuturo sa Amerika mga tol" sabi ni Claude na mangiyak-ngiyak na
"Kaya mga pre, sulitin na natin ang linggong ito, di ako bakla mga tol pero pag sinabi kong mahal ko kayo, syempre as tropa yun, sana tumatak sa mga puso't isipan niyo" sabi ni Claude
"Tara na, baka maubusan pa tayo ng oras sa linggong ito sa kakadaldal nating anim dito eh" sabi naman ni Axel at nagtawanan ang anim
Hindi nagtagal ay narating na nila ang gate ng village at sa unang street food vendor na makita nila, agad-agad nila itong dinumog
"Ate yun nga po"
"Ate magkano po to?"
"Ate ano dito masarap?"
"Ate ano po to? Ano po tawag dito?"Sina Axel, Wayne, Jack, Winston at Ryan ay dinumog ang kariton nung aleng tindera
"Oy pre, ikaw tong nanlibre tas di ka kakain, tara dito" sabi ni Wayne kay Claude
"Sige pre ayos lang ako, busog pa naman ako at wala akong masyadong gana kumain" sabi ni Claude
Makalipas ng 30 minutes, halos maubos na ang tinda ng ale at mukhang mga baboy na ang lima
"Tol, mukhang masusuka ako, pusa ata yung niluto eh, hindi isaw" sabi ni Axel
"Oh mga tol ito, 500, siguro more than enough na yan. Kung may sobra man, sa inyo nalang, gawin nyo nalang pamasahe. Sige na andito na sundo ko, mag-iingat kayo ah" sabi ni Claude habang nagwawave goodbye sa lima
"Gege tol, ingat den" sabi ng lima kay Claude
"Oh mga pre paalam na muna since sa ibang direksyon kayo pauwi, pwede na ko sumakay sa jeep na to. Ge mga pre" sabi ni Ryan
"Gege, ingat" sabi ng apat
Natira ang apat na naghihintay ng jeep pauwi sa kanilang mga bahay ng biglang nagyaya si Wayne na maglakad nalang silang apat
"Tara, matagal-tagal na din akong di nakakapag-ehersisyo eh" sabi naman ni Axel
Habang naglalakad silang apat, nagpaalam na at humiwalay na si Jack dahil sa kabilang kalsada ang kanilang bahay
"Sige mga brad, kita-kita nalang bukas!" Sabi ni Jack

BINABASA MO ANG
6th Chain
FanfictionSa istoryang ito, masisilayan nyo kung pano ang magkakaibigang sina Claude, Wayne, Jack, Winston, Ryan at si Axel ay magkakawatak-watak ang kanilang barkadahan dahil lang sa isang babae. Sila ay mga grade 10 students at malapit nang magsenior highsc...