• b r i d g e 3 •

22 7 6
                                    

MAURICE'S POV

-Kinabukasan-

Nagising ako ng maaga at kaya maaga nalang din akong pumunta sa skwelahan. Wala pa masyadong tao kaya nagpasya akong pumunta sa garden ng school. Doon muna ako naglipas ng ilang oras at doon nalang din ako naghintay kay Clarice.

Nagtext naman agad si Clarice sakin.

From: Clarest the best
"Asan ka na? Nandito ako sa labas ng bahay niyo."

'Kawawa naman ng best friend ko, sana inantay ko nalang siya kanina'

To: Clarest the best
"Nandito na ako sa school. Meet me dito sa garden ng school. Aantayin kita. Mwahhh. Labyouu"

*sent*

Habang inaantay ko dito si Clarice ay may nakita akong lalakeng papalapit dito. Nakahoodie siya. Kung di man ako nagkakamali na siya na naman yun.

"Hi Magandang Maurice!" Nandito na naman itong isip batang Brandon ito.

"Sinusundan mo ba ako!? Kailan ka pa titigil ha!?" sinisira na naman nito ang araw ko.

"Di kita titigilan mahal ko hanggang mahulog ka na din sakin. Alam kong mabait ka at maganda ka kaya ako'y nahulog sa iyo." umupo siya sa tabi ko. Agad naman akong lumayo sa kanya. Nakakainis talaga itong lalakeng ito.

'Di ako mahuhulog sayo kahit kailan, may inaantay pa ako at alam kong babalik siya'

Matagal ko na siyang hinihintay. May nararamdaman pa rin ako sa kanya at di ko alam kung pano yun pigilan. Bigla nalang kasi siyang nawala na parang isang bula lang.

Sa gitna ng pag-iisip ko sa kanya ay tinawag na namana ako ni Brandon. "Uy! Ba't ka umiiyak? Sorry na. Ano ba nagawa ko?"

'anong umiiyak?'

Umiiyak na pala ako, di ko napansin. Ano ka ba Maurice! OA mo te! Di na babalik yun kaya mag move on ka na.

"Alam mo, kung titigil ka jan sa pinaggagawa mo. Di ako iiyak, sa totoo lang!" sinigawan ko siya. Nakakainis kasi itong lalakeng ito.

"Sorry na. Please, sana pabayaan mo lang ako lumapit sayo."

Aba may pa nguso-nguso pa itong isip batang ito. Akala mo madadala mo ako jan sa pagpapacute mo? Pwes, Hindi!

"Bahala ka jan sa buhay mo! Nakakainis ka! Hindi kita type kaya kung pwede, lumayo ka sakin at wag na wag ka nang lumapit ulit!"

Nag walk-out nalang ako dun. Nakakabadtrip yung lalakeng iyon. Ayaw na ayaw ko talaga sa lalakeng iyon.

Pumunta nalang ako sa room at natulog muna habang inaantay yung iba kong kaklase.

BRANDON'S POV

"Bahala ka jan sa buhay mo! Nakakainis ka! Hindi kita type kaya kung pwede, lumayo ka sakin at wag na wag ka nang lumapit ulit!" sigaw ni Maurice sakin at umalis na din siya agad.

Parang tinusok yung puso ko sa sinabi niya. Ngayon niya lang ako nasaktan dahil sa sinabi niya. Mukhang naiinis na talaga siya sakin.

Napa-upo nalang ako sa swing malapit sakin. Di naman sa nagiging OA ako. Lalake ako at nasasaktan din noh.

'Titigil na ba ako o ipagpatuloy ko parin?' Yan ang tanong na dumaan agad sa aking isipan.

Yumuko nalang ako at pumikit para maiwasan kong tumulo ang mga luha ko.

BRIDGE TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon