• b r i d g e 5 •

13 3 17
                                    

BRANDON'S POV

Narinig ko silang kumakanta. Ang gaganda ng mga boses nitong mga babaeng ito. Napangiti nalang ako habang nakikinig sa kanila.

Sa isip ko, kumakanta din ako. Paborito ko rin yang kantang yan. Paborito namin ng best friend ko, ng best friend ko noon. Ewan ko kung best friend parin ba kami hanggang ngayon. Ewan ko bigla nalang kasing nawala.

Pagkatapos nilang kinanta yung paborito kong kanta ay bigla nalang silang nagyakapan. Mukhang nagiging emotional na ito eh.

Pagkatapos nung yakapan ay kumanta na sila ulit. Mukhang masaya sila ngayon. Masaya talaga kapag may best friend ka.

Tumunog na yung bell. Uwian na!

Nag-aayos na ako ng gamit ko. Sasabay sana ako kina Clarice, kaso mukhang ang saya nila dalawa ni Maurice. Di nalang muna siguro ako eepal sa moment nilang dalawa.

Nagmadali akong umuwi.

Nag-iisa lang ako lng naglalakad pauwi. Trip ko lang di mag-commute. Gusto ko lang mag-isip ng mga bagay-bagay.

"Ano kaya gagawin ko para sa surpresa ko kay Maurice?" sinipa ko yung maliit na bato.

Haharanahin ko kaya siya? Tapos bibigyan ko ng bulaklak at teddy bear?

Wala talaga akong maisip. Di kasi ako sanay manligaw, marami na akong nagustohang babae pero ewan ko! Nakakainis!

Sinipa ko ng malakas yung bato at napadpad ito kung saan man.

"Aray!" sigaw ng babae dahilan para mabalik ako sa katinuan ko.

Hinarap ko yung babae, nakatalikod ito sakin dahilan para di ko makita ang mukha niya pero kinabahan ako bigla.

"Sorry, miss" paumanhin ko.

Humarap ito sakin.

"Ikaw na naman?!"

"Pasensya, Maurice. Di ko sinasadya."

Wrong timing! Bakit si Maurice pa? Hay nako, Tadhana!

"Okay lang." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano?" dagdag niya.

"A-ah w-wala." nauutal kong sabi.

Tumawa siya. "Bakit ka nauutal?"

Tumawa siya! Pakshet! Wag kang tumawa, Maurice.

"Bakit naman di ako tatawa, nakakatawa ka naman. Bakit ka ba kasi nauutal?" ngumiti siya.

Ngumiti siya!

Titig lang ako ng titig sa kanya hanggang nakaramdam ako ng masakit.

"Hoy! Wag ka nga tumitig, isip bata ka!" binatukan na pala ako nito.

"Sorry, ganda mo kasi." bulong ko at mukhang di niya narinig yun. "Bakit ka pala nandito?" tanong ko.

Nagtataka din ako kung bakit siya nandito sa court ng village namin. Malapit lang din dito bahay nila Clarice.

"May inaantay lang." sagot niya. "Ikaw, mukhang ngayon ka lang umuwi."

"Naglakad ako pauwi eh, trip ko lang. Nakakapagod din kaya palagi nalang commute." ngumiti ako. "Sino pala inaantay mo?"

'Tsk. Malamang si Clarice yan.'

"Si Clarice. Maglalaro kasi sana kami ng volleyball, kaso wala pa siya kaya ito."

BRIDGE TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon