• b r i d g e 1 •

56 12 4
                                    

CLARICE'S POV

Let's start a new day hehe! Hello everyone, my name is Clarice Klein Cordell, 16 years old, Philippines! HAHA

Kakagising ko lang. Ang aga pa pala hehe. Di nalang din ako nag aksaya ng oras, dumeretso nalang ako sa banyo para maligo. New day of my life.

Pagkatapos kong naligo ay agad din akong naghanda. Bumaba na ako at binati ko agad sina Mama, Papa at Manang Esther.

"Good Morning everyone!!" bati ko sa kanila lahat with a wide and beautiful smile din para mas gumanda ang umaga nila.

"Good Morning din sayo maganda kong anak" bati ni papa.

"Binubola mo na naman ako Papa. Pero sa tingin ko naman po, tama po kayo. Mana ako sa inyo eh"

"Sino ngayon ang nambobola, anak?" tumawa nalang kaming lahat.

"Mukhang ang ganda ng gising ng alaga ko ah" sabi ni Manang Esther.

"Syempre Manang, dapat we should start a new day with a wide and beautiful smile hehe"

"Tama yan ija" ngumiti si Manang. "At mabuti pa na kumain ka na habang maaga ka, para di ka na din malate sa skwela" ngumiti siya ulit.

Kaya ko mahal na mahal tong si Manang Esther kasi parang siya na yung pangalawa kong nanay. Pinapangiti niya din ako gamit ang mga cute niyang ngiti.

Nagsimula na din akong kumain. Nagpasabay nalang ako kina mama kumain kasi ayaw na ayaw ko talaga yung ako lang isa ang kumakain. Sumabay din naman sila kasi sa tingin ko alam na talaga nila na ayaw ko kumain nang mag isa.

Sobrang close ko talaga kina Mama at Papa, pati narin kay Manang Esther. Nagsimula niya kaming silbihan simula pa nong bata pa ako, kaya nga sobrang close namin.

"Mama! Papa! Manang! Una na po ako!" paalam ko.

"Mag ingat ka ija!" nakita ko pa si Manang Esther kumaway.

Ito ako ngayon, naglalakad papunta sa paaralan. Excited na din akong makita ang best friend ko. Di nag tagal ay narating ko na din ang paaralan. Papasok na ako sa gate. Di rin kalayuan, nakita ko na si Jenny Maurice Cruz, ang best friend ko.

"Clarice!" tinawag niya ako habang kumakaway. Ang laki ng ngiti niya. Cute talaga ng best friend ko.

Tumakbo agad ako patungo kay Maurice. Agad din naman niya akong sinalubong ng sobrang higpit na yakap.

"Teka! Mau, di na ako makahinga" umubo ako kunwari.

"Ay sorry Clarice" nag bow siya as a sign of sorry, sinabayan niya na din ng napakacute niyang pout.

Pinisil ko yung dalawa niyang pisngi. "Ang cute mo talaga Mau!"

"Aray!" angal niya.

"Tara na nga! Baka malate pa tayo sa unang subject natin" sabi ko tapos tumalon para makasakay ako sa likod niya. Di rin naman siya umangal kasi sanay na siya.

Napakahyper ko po kasi lalo na kung kasama ko tong cute at baliw kong best friend.

Pagkapasok namin sa classroom, nagbubulungan na yung mga babae namin kaklase. Sabay nadin ang napakahina nilang mga tilian. Grabe! Ang aga pa! Chismis agad!

Nagkatinginan pa kami ni Maurice bago kami tuluyang umupo sa aming mga upuan. Pagkaupo din namin, dumating na yung prof namin na si, Sir Villanueva. Mabait tong professor namin this school year. Swerte namin!

Nagtaka din kami dahil may kasama siyang isang lalake na di naka-uniform. Bago ba siya? Siya ba yung pinauusapan ng mga babae naming kaklase?

Pagharap din jung lalake sa harapan namin ng mga kaklase ko. Nasagot lahat ng tanong sa isip ko. Tama nga ako, base sa mga tilian ng mga kaklase kong babae.

BRIDGE TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon