Sumangayon naman ako kaagad sa gusto niya. Mukha naman siyang mabait eh. Ma amo din mukha niya. Bagay sila ni Maurice. Kung makakasama mo talaga itong lalakeng ito ay gagaan agad yung loob mo sa kanya.
"Atsaka Clarice, Friends?" tanong ni Brandon.
"Sure din HAHAHA! But, not close friends, okay?"
"Soon to be close friends hehe"
Bigla nalang tumunog yung bell kaya sabay nalang kaming naglakad pabalik sa classroom. Masayahin pala tong lalakeng ito. Gagaan talaga loob mo sa kanya lalo na pagnakikilala mo siya ng lubusan. Tawa lang kami ng tawa hanggang dumating kami sa classroom namin. Pagkapasok talaga namin ah bumugad yung tumataas na kilay ni Maurice.
"Ano nangyayari dito?" tinarayan niya kami. Ay di pala ako, si Brandon pala.
"Hi Maurice!"
"Ano na naman!?" naiinis talaga tong best friend ko sa kanya. Bagay talaga sila. Para silang aso't pusa na sa tingin ko na magkakatuloyan din sa huli.
Ngumiti si Brandon. "Wala lang, ganda mo kasi. Ang cute mo."
"Tsk! Alam ko yun." bigla nalang siyang nagwalk out. Tumawa nalang ako ng patago.
'ewan ko dito sa best friend ko, ang cute eh! Tsk!'
Umupo na din kami ni Brandon pagdating ng prefessor namin. Nakinig nalang kami ng bigla siyang nagsimulang magdiscuss.
'Tsk! agad agad talaga ma'am'
*discuss*
*discuss
*discuss*
*discuss*
'ugh! dami diniscuss ni ma'am kanina! sabog utak ko! may long quiz pa kami bukas sa subject niya'
Pero finally, malapit na matapos tong last subject namin for this day! Inaantok na ako, sobra. Iniiwasan kong isara ang mga mata dahil baka makatulog ako na wala sa oras.
Habang nagsasalita si sir sa harapan bigla nalang tinawag ni Brandon si...
Maurice?
Natutulog na naman ba tong best friend ko?
Ginising ko si Maurice kasi baka makita siya ni sir. Inalog alog ko siya at di rin nagtagal nagising din siya. Finally.
"Ba't mo ako ginsing?" galit na tanong ni Maurice. Natakot kasi unang beses ko palang siyang nakita na ganito magalit sakin.
"Sorry Mau, tinawag ka kasi ni Brandon." tumingin naman agad siya kay Brandon. "Ano na naman!?" galit talag siya.
"Gigisingin lang sana kita para makita ang napakaganda mong mukha." kulit talaga nitong lalakeng toh, akal ko importante ang sasabihin niya.
"Yan lang!? Alam mo namang natutulog ako!" napalakas ang pagkasabi ni Maurice kaya ayun narinig sila ni sir.
"Ms. Cruz, right? What's wrong?" ayun parang nagsimula nang mainis si sir.
"Sorry sir, itong si Brandon po kasi." sumbong ni Maurice.
"Talking to each other in the middle of my class? Out!" nagulat ako sa sinabi ni sir. Nakakatakot siya. Ito na pala yung sinasabi nilang may dadating talaga na masungit na professor sa buhay niyo.
"But sir--" di natapos ni Maurice ang sinabi niya at bigla nalang ulit sumigaw si sir. "OUT! BOTH OF YOU!"
No choice sila kasi bumubuga na ng apoy si sir. Nakakatakot. Ayaw ko na sa kanya. Nako! Bawas puntos tong si Brandon sa best friend ko. Kawawa naman si Maurice. First time niyang napalabas sa isang subject niya.
BINABASA MO ANG
BRIDGE TO LOVE
Novela Juvenil[ON-GOING] Isang babae na naging tulay patungo sa pagmamahalan ng kanyang dalawang kaibigan. Tinulungan niya ang lalake para mapalapit sa matalik niyang kaibigan. Di niya napansin na siya'y nahuhulog na din pala. Ano kayang mangyayari? Naging tula...