Ilang araw na bumabagabag sa isipan ko yung tanong na yun. Posible nga ba?
Di pa kami masyadong nila Clarice kasi mukhang palagi nalang silang nagsasama eh. Busy din ang mga professors namin sa paghahanda. Walang klase kumbaga pero pinapapasok parin kami para sa mga assignments.
Nakakapagod mag-aral!
Kanina lang din namin nagawa yung 200 items quiz ni sir. Akala pa naman namin nakalimutan niya na yun.
Di parin kami tapos ni Clarice tungkol sa plano para sa surprise. Ewan ko kung matutuloy pa yun.
Break time na pala. Di ko man lang napansin.
Mag-isa akong naglakad patungong cafeteria. Hanggang sa may lumapit na mga babae sa akin. Iba na naman sila. Lalong lalo na di ko pa kilala.
"Brandon, may sabay ka bang kumain?" tanong ng isa.
Sumingit na naman yung isa. "Gusto mo sabayan kita?"
May isa na naman. "Ano ba kayo?! Ako ang unang nagtanong sa kanya!"
Ito na!
"Kapal naman ng mukha mo, ateng!"
"Kapal din ng mukha mo. Akala mo ba sayo sasabay si Brandon?"
Nag-aaway na naman sila. Juskong mga babaeng ito.
"Oh! Ayan na pala ang boyfriend ko, Brandon. Sa susunod nalang. Bye!" may flying kiss pa siya.
"Mabuti ngang wala siya."
"Brandon, tara kai-" di niya natapos ang sasabihin kasi may nagsalita.
"Kami ang kasabay ni Brandon." pamilyar ang boses na iyon. Alam kong kay Clarice yun.
Hinarap ko ang direksyon kung saan ko narinig ang boses na iyon. Nakita ko si Clarice na nakangiti.
Kasama si Maurice!
Nagsalita din si Maurice. "Umalis nalang kayo mga te." at tumawa siya in a sarcastic way.
Umalis din naman agad yung mga babaeng natira. Salamat naman!
Lumapit silang dalawa sakin na nakangiti. Pero iba ang ngiti ni Maurice, dahilan ng nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko.
"Sasabay talaga kayo sakin?" tanong ko.
"Oo, Brandon. Sasabay kami." ngumiti siya.
Ngumiti na naman siya! Ghad! Baliw na talaga ako sa babaeng ito!
Umupo na kami sa isang table sa loob ng cafeteria. Ako na ang umorder ng kakainin namin. Umorder ako ng madami para makapili sila.
"Ang dami naman ng binili mo, Brandon. Papatabain mo naman kami." tumawa si Clarice.
"Mas mabuti nga yan para mas mabusog kayo."
Ewan ko naging awkward ako bigla kay Clarice. Dahil naalala ko na naman yung tanong na yun.
Sa kalagitnaan ng pagkakain namin ay bigla nalang natapos si Clarice ng kain. Ang bilis nya as in. Siya nga yung nagkwekwento kanina habang kami ni Maurice ay kumakaij at nakikinig lang sa kanya.
"Actually, may gagawin pa kasi ako. Makikipagkita ako sa isa nating kaklase." sabi niya.
"Paano ka-" di na niya ako pinatapos nang bigla niya nalang akong kinindatan.
Tinanong ko siya with a kunot noo. Di ko gets.
"Basta, makikipagkita ako sa isa nating kaklase." nagpaalam siya at umalis agad.
BINABASA MO ANG
BRIDGE TO LOVE
Teen Fiction[ON-GOING] Isang babae na naging tulay patungo sa pagmamahalan ng kanyang dalawang kaibigan. Tinulungan niya ang lalake para mapalapit sa matalik niyang kaibigan. Di niya napansin na siya'y nahuhulog na din pala. Ano kayang mangyayari? Naging tula...