• b r i d g e 7 •

10 1 0
                                    

BRANDON'S POV

"Good Morning Brandon."

"Good Morning Pogi, kahit di good ang morning kasi umuulan."

"Pansinin mo naman ako."

"Pst!"

"Hello Kuya."

Sobrang ingay. Tawag sakin dito, tawag sakin doon, tawag sakin kahit saan.

Kumaway-kaway nalang ako. Nagpatuloy lang ako sa pagkaway at maya maya ay nakita ko si Maurice sa labas ng classroom.

Lumapit ako sa kanya habang ngumingiti. "Good morning, Maurice."

Humarap siya sa akin at binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti na nagpabuo ng araw ko.

"Good morning din."

"Nanjan na ba si Clarice?"

"Yun nga eh, wala pa. Anong oras na kaya." nag-aalala niyang sabi.

"Tawag mo nalang kaya."

"Tinawagan ko na pero di parin sumasagot. Baka di yun papasok. Pero, sinasabihan niya naman ako kung papasok ba siya o hindi."

"Sa loob mo nalang siya antayin kasi ang lamig dito sa labas baka magkasakit ka." May bagyo kasing palapit ngayong linggong ito. Kahapon pa nagsimulang umaambon.

Hinintay namin si Clarice sa loob pero walang dumating. Dumating nalang ang prof. namin wala pa ding Clarice na dumadating.

Natapos na din ang araw na ito, pero di talaga pumasok si Clarice. Kaya hinatid ko si Maurice pauwi sa kanila.

Habang naglalakad kami papasok sa village nila ay bigla siyang nagsalita, "Bakit late ka nga pala pumasok nun?"

Anong late ang sinasabi niya? "Anong late? Kailan?"

"Late ka na kasi pumasok, after one week pa."

"Concern siya. Yieeeee." pabiro ko siyang binabangga.

"Concern mo mukha mo. Di ba pwedeng curious lang?" umirap siya. "Nandito na pala tayo."

Tinignan ko yung bahay nila. Simple lang pero malaki din. Familiar din ito sa akin.

"Sige, pasok ka. Dumidilim na kasi at umaambon pa, baka magkasakit ka niyan." ngumiti siya at naglakad na papasok.

"Salamat nga pala sa paghatid!" tumango ako at ngumiti pero kinikilig na talaga ako. Sa totoo lang.

Pagkapasok niya sa bahay nila ay nakangiti pa rin ako habang naglalakad. Malapit lang din naman pala ito sa amin. Muntik ko nang makalimutan, matagal na kasi akong di dumadaan dito. Doon ako sa kabilang daan ako dumadaan.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong umubo sa court banda. Nakita ko naman din agad kung kanino galing yun kasi di pa naman masyado madilim.

"Brandon?" pagkasabi niya palang sa pangalan ko ay nakilala ko na agad siya.

"Clarice? Anong ginagawa mo dito? Umaambon ngayon. Padilim na din. Bakit ka mag-isa?" lumapit ako sa kanya.

Di siya sinagot ang tanong ko at umubo ulit.

"Wala lang." paos din siya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya, malamig iyon. Hinawakan ko yung noo niya, ang init niya.

"Nilalagnat ka, Clarice." inalalayan ko siya patayo pero bago pa siya makatayo ay bigla nalang siyang nahimatay.

"Clarice!" napasigaw ako, sabay pa nun ang pagpatak ng ulan. Palakas nang palakas na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BRIDGE TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon