NEW UPDATE AFTER HOW MANY YEARS! CHAROT HEHE! SORRY KASI SOBRANG LATE NA.
Warning : A very short update!
•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•_•
Di alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Sobrang boring kasi walang papasok na teacher. Natutulog na naman kasi ito si Maurice. Napagod siguro sa kakaiyak ngayong araw na ito. Si Brandon naman ay naglalaro gamit cellphone niya. Yung iba ko namang kaklaseng babae ay puro paganda. Ang mga lalake naman ay puro cellphone din. Ako ito nakatunganga lang. May cellphone naman pero boring din. Ewan ko na kung anong gagawin ko. Bahala na si tulay.
Ilang minuto din akong nakaupo dito habang tinitingnan yung mga kaklase ko. Hanggang sa naka isip ako ng gagawin.
Binatukan ko si Brandon. "Brandon, naka-isip ka na ba ng gagawin mo for your surprise?"
"Aray! Clarice naman eh! Ayan tuloy na talo ako sa laro." ay grabe ako agad.
"Sorry. Sige na nga, maglaro ka nalang jan. Di nalang kita tutulungan para sa surprise mo kay Maurice." kunwari nagtampo ako.
"Ito naman siya oh, di mo ba alam ang salitang biro?"
Tsk.
"Bahala ka jan." pinagpatuloy ko ang pagkukunwari ko.
Tumayo ako at lumabas sa room. Di ko alam kung asan ako pupunta ngayon.
Hay naku!
Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Sumunod nalang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nagkunwari kanina. Kung di ko na yun pinapatuloy ang pagkunwari ko edi sana nandoon lang ako sa classroom nakatunganga.
Bahala na nga!
Huminto na ako sa paglalakad nung pagdating ko sa paborito kong parte dito sa school. Dito ako nakakapagrelax.
Sa garden ng school namin. Parang parke na din ito eh.
May apat na duyan. May maliit na fish pond na may maliit din na tulay sa gitna.
Umupo nalang ako sa swing at huminga ng maluwag at pinikit ang mga mata ko. Nakakahingal din kaya noh.
"Ang bilis mo namang maglakad."
Aba! Sinundan talaga ako nitong lalakeng ito.
"Oy! Sorry na! Biro lang naman yun." naramdaman ko siyang umupo siya sa katabi kong swing. Narinig ko kasi yung bakal ng swing.
"Pst!"
"Sorry na, Clarice"
"Oy"
"Tulongan mo pa naman ako diba?"
"Patawarin mo na ako"
"Sorry"
"Bati na tayo."
"Muntik ko na kasi malampasan kung high score ko."
"Nadala lang ako sa laro."
"Sorry na"
"Sorry, Clarice Klein Cordell"
Luh. Kinumpleto na talaga ang pagbanggit sa pangalan ko.
Ngumisi ako habang nakapikit. "Yie, okay na tayo?"
Hinarap ko na siya. "At sinong nagsabi na bati na tayo?"
"Sorry na" nag-puppy eyes pa siya.
Akala niya madadala niya ako sa pa-puppy eyes niya na yan. Napaka-isip bata talaga nitong lalakeng ito. Ang kulit! Sobra!
BINABASA MO ANG
BRIDGE TO LOVE
Teen Fiction[ON-GOING] Isang babae na naging tulay patungo sa pagmamahalan ng kanyang dalawang kaibigan. Tinulungan niya ang lalake para mapalapit sa matalik niyang kaibigan. Di niya napansin na siya'y nahuhulog na din pala. Ano kayang mangyayari? Naging tula...