10

209 12 5
                                    

"Maaaa! Pabukas ng pinto! Di ako makatayo ang sakit ng puson ko!"

Mabilis na tumakbo si Mama pababa ng hagdan nang marinig ang sigaw ko. Hindi kasi talaga ako makatayo sa sofa pagkaupo ko dito. Dalawang oras na nga akong tengga dahil pagkauwi ko kanina galing mall, bigla nalang sumakit ang puson ko. Peste namin kasi pag irregular.

"Punyeta ka talagang bata ka akala ko kung napano ka na." Inis na sabi pa ni Mama pero dumeretsyo naman sa pinto. "Ang ayos ayos mo kanina tapos pagbubukas ng pinto di mo magawa."

"Love you Ma." Sagot ko nalang pero inirapan lang ako ng nanay ko. Aba't---

"Good evening Ma." Napangiti agad ako nang marinig ang boses ni Yedam. Napangiti rin ang kaninang busangot ni Mama kaya napairap ako. Nako nanay ko talaga, mas gusto pa bestfriend ko kaysa sarili niyang anak.

"Bakit andito ka? Gabi na ah?" Tanong agad ni Mama na akala mo anak niya yung sinalubong niya. Pano ba kasi kinareer na ni Yedam ang pagtawag sa kaniya ng Ma.

Pinapasok na siya ni Mama saka nilock yung pinto. Oops, mukhang dito matutulog si Yedam ngayong gabi. Di na papauwiin to.

Tinaas ni Yedam ang dala niyang tig-isang box ng Donuts at Munchkins saka binigay sa akin. Nabatukan tuloy ako ni Mama.

"Ikaw talagang bata ka puro ka kunsumisyon. Pinapunta mo pa si Yedam para ipabili ka niyan. Yaya mo ba siya? Kung tutuusin mas mukha ka pa ngang yaya." Sabi pa ni Mama. Tignan niyo, mas mahal pa si Yedam. Konti nalang iisipin kong si Yedam talaga ang anak niya.

"Ma willing siya, gusto mo rin naman makita kunyari ka pa." Sagot ko naman kaya nabatukan tuloy ako.

"Nako bata ka talaga. Kayo na nga lang mag-usap at sumasakit ang ulo ko sa inyo." Natawa ako dahil naggive up na si Mama at umakyat na ulit sa kwarto niya. Buti nalang talaga at inaantok na siya dahil kung hindi, baka sandamakmak na pangaral na naman ang aabutin ko.

Natawa pa si Yedam kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagtaas siya ng dalawang kamay bilang surrender kaya napairap nalang ako.

Binato niya sa akin yung isang plastic at napangiti naman ako nang makitang napkins yon. Shet mahal ko talaga bestfriend ko.

"Thank you for helping your mamatay na bestfriend. The best ka talaga." Nagthumbs up pa ako pero busy siya sa paglagay ng flash drive sa tv namin.

Nagpipipindot siya doon at para akong nabuhayan nang makita kung anong laman non. YUNG ALL TIME FAVORITE MOVIES KO!

Napatayo ako at magtatalon sana pero kumirot nanaman ang puson ko kaya napaupo ulit ako.

Inilingan ako ng bestfriend ko at pinulot ang nahulog na hot compress saka pinukpok sa akin. "Aray!" Kontra ko agad.

"Salamat sa maganda mong thank you. Pasalamat ka talaga dahil may paevent bukas at 1 pm pa pasok natin kasi kung wala, hindi kita sasamahan." Hindi naman ako agad nakapalag sa sinabi niya.

"As if naman na hindi mo ako sasamahan kahit na maaga pasok bukas. You love me kaya bes." Bumelat pa ako saka nagkissy face.

"I love you, Boo pero wag kang ngumuso, ang pangit mo eh." Napairap nalang ako sa sinabi niya at hindi na sumagot pa. Baka mamaya bawiin niya pa yung donuts and munchkins, nako mahirap na.

Hindi ko namalayang natapos na pala namin yung pinapanood naming Clueless at Flipped na ang pinapanood namin.

"Ah, Bes..."

"Boo, nga pala..."

Parehas kaming natigil at natawa dahil sabay kaming nagsalita. Bago pa kami magturuan kung sinong mauuna, inunahan ko na siya.

"Ako muna." Natigil ako nang maalala kung ano ba ang sasabihin ko. Dapat bang sabihin kong nakita ko si Taehyun kanina na may kasamang babae kahit na halos isang araw palang nung kakabreak namin?

Napailing ako. "Ah wala pala, nakalimutan ko na sasabihin ko." Alam kong hindi naman siya naniniwala sa akin pero hinayaan niya nalang ako. "Ikaw, ano ulit sasabihin mo?"

"Nakausap ko si Jeongin hyung..."

Natigil ako sa pagkagat ng donut at mabilis na pinause ang pinapanood namin pagkarinig ng pangalan niya.

"Nakausap mo si Baby I.N?!" Gulat na tanong ko.

"Kumalma ka nga. Narinig mo lang pangalan nagwala ka na. Pano pa kaya kung narinig mo sasabihin ko." Mas lalo akong naexcite sa sasabihin niya.

"Dali! Tell me na kasi! Anong sabi ni Baby I.N?" Niyuyog ko pa siya kaya nahampas ako. Wala na, bugbog na ako nito.

"Wag mo ngang binababy si Jeongin hyung lalo na at mas matanda siya sa atin. Ikaw dapat ang baby hindi siya." Sumimangot ako kasi hindi naman yun yung sasabihin niya.

"Leche pasuspense ka rin eh. Wag mo akong inaano kasi ang cute ni Baby I.N, mukhang baby." Kontra ko pa. "Sabihin mo na kasi!"

Wala naman na nagawa si Yedam at nagsalita ulit na siyang ikinagulat ko.

"Lilipat na daw sila ng Tropang ligaw, ayon sabi ni Jeongin hyung sa akin."

Help | Bang YedamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon