28

197 15 1
                                    

"I love you."

Walang alinlangang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Nagulat rin ang mga tao sa cafe and cheered for us.

Hindi pa man ako nakakareact, he slowly closed the gap between us, hanggang sa maramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

I froze at hindi alam ang gagawin. Tanging si Yedam lang ang nakikita ko habang siya nakapikit. Para ring nagmute ang paligid at wala na akong marinig.

The kiss lasted for more than 5 seconds and I decided to push him away. Mukhang ngayon lang siya nagulat sa ginawa niya.

"I-I'm sorry..." sabi niya pa kaya mas nalaglag ang puso ko.

As he decided to come closer ulit, mabilis kong kinuha ang gitara kong nasa lapag at tumayo.

"It's late, uuwi na ako." Mabilis na sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya saka tumakbo na palabas ng cafe.

I stopped nang makarating ako sa bus stop, since hindi naman talaga ito malayo.

Napaupo ako sa bench doon saka hinawakan ang labi ko.

Sorry? He said sorry for what?

Napatingin ako sa gilid ko nang may tumawag ng pangalan ko. I saw Yedam running papunta sa akin at sakto namang dumating ang bus.

Sumakay na ako and the door closed as soon as he arrived at the bus stop.

"HE SAID WHAT?" napatakip kaming tatlo ng tenga nang sumigaw si Haeley.

Kakatapos ko lang ikwento sa kanilang tatlo, namely Haeley, Jillian and Yuki, ang nanyari kagabi. Kahit hindi kami kompleto, minabuti kong ikwento na sa kanila.

"Sorry. He said sorry." Pag-uulit ko ng sinabi niya.

Pinitik naman ako sa noo ni Jillian. "Alam naming sorry sinabi niya."

"Ang kaso, bakit sorry?" Dugtong naman ni Mayuki

"That's what I am thinking. Umamin nga binawi naman." Bumuga nalang ako ng hangin sa inis.

Aamin naman na talaga ako eh, kaso nagsorry siya kaya naguluhan ako. Sorry for what ba kasi?

"Ang bobo niyong lahat ha!" Irap ni Haeley at umupo na sa isa sa mga bench at nagpaypay ng sarili. Mas naiistress pa ata siya sa mga lovelife namin.

"Wow, porket may bagong boyfriend ka na ulit ha." Kontra naman ni Jillian.

"Tinanong mo ba kung bakit siya nagsorry?" Pagbabalik ni Yuki sa topic. Umiling ako.

"Syempre tanga." Bulong o parinig ni Haeley.

"Guys!" Napatingin kami kay Kira na tumatakbo papalapit sa amin. Naagaw pa nga niya ng atensyon ang ibang malapit sa amin dito sa garden ng university.

"May sunog ba?" Oa na sabi ni Yuki.

"Sunog? Baka naman chismis." Sagot ni Haeley at saktong dating ni Kira. Hinihingal pa siya at halatang malayo ang tinakbo kaya hinintay namin siyang kumalma.

"Si Ate Hanna at saka si Jeongwoo, umamin na sila na." Tili ni Kira kaya nagtilian rin ang mga kasama ko.

I am so happy for my bestfriend, sa wakas ay nakakuha siya ng happy ending. Pero hindi ko magawang tumili at ipakitang sobrang saya ko. Eh pano naman kasi ako? Hinalikan nga binawi naman. Saya diba?

"Di ka ba masaya? Ikaw nalang kulang!" Nasense ata ni Kira yung aura ko kaya natigil sila. Binigyan nila siya ng meaningful look at mukhang nakuha niya naman.

"Hindi maganda nangyari kahapon no?" Ngiwing tanong na ni Kira.

"Lagi naman eh." Sabat ni Haeley kaya pinatahimik na siya ni Jillian.

Nainis naman si Haeley kaya tinulak niya si Jillian palayo, ayon na siya nasa lapag. "Tanga ka kasi, hindi ko man lang tinanong o pinatapos si Yedam, you think walang misunderstanding na mangyayari?"

Napaisip ako sa sinabi ni Haeley. Kahit prangka to, thankful kami sa mga pinagsasabi niya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Kira na kakadating lang.

"Late ka na gurl, kwento nalang namin sa inyo ni Ate Hanna mamaya." Sagot ni Yuki sa kaniya kaya sumimangot siya.

"Anyway, kahit hindi niyo ako tinulungan tumayo, sasabihin ko lang na umamin ka na Juls." Pinagpag pa ni Jillian ang damit niya habang sinasabi yon.

Tumingin naman ako sa kanila and they have the look na go for it na para bang umamin na nga daw ako.

Tumikhim naman si Haeley dahil nagkaroon kami ng silence. "Tell your feelings before it's late. That sorry means anything pero hindi mo malalaman kung anong meaning non not until you ask him. Seize your chance kasi sa totoo lang, umamin naman na talaga si Yedam sa'yo."

"Kaya rin siguro siya nagsorry, nabigla rin siya sa tagal niyang kinimkim ang feelings niya, nagulat siya sa actions niya." Dugtong pa ni Jillian.

"We helped Ate Hanna kaya ikaw naman. You also need to be happy!" Sabi naman ni Kira.

"We love you and he loves you too, nandito lang kami for you, kaya mo yan!" Pag cheer naman ni Yuki.

"That's enough na, baka umiyak na si Juls." Natawa kami lahat sa pagputol ng moment ni Haeley. Ayaw niya talaga ng cheesy stuffs.

Huminga ako ng mamalim and tumingin sa mga kaibigan ko. I am so lucky to have them and alam kong I made the right decision dahil sa mga sinabi nila.

"Give me one week. One week and I'll confess."

---
ONE MORE CHAPTER AND THEN EPILOGUE TO GOOOOO!!!

Help | Bang YedamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon