Tumingin ako sa phone ko, 9 pm na at kakatapos lang naming manood ng sine. Kakabukas ko nga lang ng phone ko pagkalabas namin ng cinema.
After watching din, may tumawag kay Yuki and sabing nagwawalwal nanaman si Mashiho oppa kasama si Junkyu oppa sa bahay nila Byounggon oppa. Hays, pag pinagsama talaga yung kuya niya kasama yung mga legal squad, walang uuwi ng hindi natutumba.
Tapos ngayon, nag-aya silang kumain.
"Bakit ganiyan mga itsura niyo? Parang kanina ang hyper niyo lang ah?" Tinuro pa ni Hanna yung tinidor niya sa amin.
"Except kay Haeley, bitch talaga yan. Malakas mood swings." Umirap lang si Haeley sa dinugtong ni Hanna habang kaming mga natira, bumuntong hininga.
"Pwede ba? Kung sampalin ko kaya kayong lahat? Magsalita kayo kasi we're not manghuhula!" Hindi na napigilan ni Haeley and napalakas ang boses niya. Napatingin tuloy sa amin yung ibang tao.
"What? Get a life people!" Bulyaw niya pa sa mga taong tumingin sa amin kaya syempre umiwas agad sila.
"Haeley!" Sabay sabay na daing namin.
"Well at least mga natauhan na kayo. Now speak gurls kasi gagawin ko talaga yung banta ko." Irap niya pa sa amin.
"Buti nalang talaga I have Haeley with me. Kaya pwede nga ba? Magsalita na kayo?" Pagpipilit pa rin ni Hanna.
"Nakita ko yung lumalandi kay Haruto kaya nairita okay? Ganon kababaw." Paliwanag na ni Kira. Struggles kung may poging boyfriend.
"Ahhhh!" Napatingin kami kay Hanna nang bigla siyang sumigaw.
"Anong nagyari?" Tanong agad ng pinakacaring sa amin which is Jillian.
"Kakabukas ko lang ng phone ko. May emergency ata, sagutin ko lang kapatid ko." Paalam ni Hanna kaya nagtinginan kami kay Kira pagkaalis niya.
"Ano?" Taas kilay na tanong niya. Tumingin muna siya sa phone bago humarap ulit sa amin. "Wala nga akong natatanggap na ni isang text sa kaniya." Kontra niya naman.
"Anong meron don?" Sa wakas ay nagsalita na rin ako.
"Mukha bang alam namin? Kita mong magtatanong nga rin kami diba?" Sagot naman ni Haeley.
"Wag niyo ngang kausapin si Haeley, nag-away nanaman sila ng boyfriend niyan." Napatango nalang kami sa sabi ni Jillian. Sanay naman na kami eh.
"Aalis na ako! I really need to go." Nagulat nalang kami nang dumating na pala si Hanna at agad na kinuha ang bag niya. Nagflying kiss muna siya bago umalis.
Tumingin ulit kami kay Kira. "Wala nga akong balita tungkol kay Haruto ngayo---" natigil siya nang tumunong ang phone niya bilang may text na.
Nanlaki bigla yung mata niya pagkabasa ng text. "Speaking of! Tulog na daw lahat ng nagwalwal sa bahay nila Byounggon oppa. Aish ako nanaman maguuwi kay Kuya Keita." Tarantang sigaw niya at sumagot.
Sabay naman na tumayo si Jillian na hawak din ang phone. "Aish uminom din si Yoonbin. Sama na ako."
Nagpaalam muna silang dalawa saka umalis. Natira tuloy kaming dalawa ni Haeley.
"Tapos tayong walang pake sa mga kapatid natin, good job Haeley." Tumawa pa ako sa sinabi ko pero natigil nang makita ang itsura ni Haeley at nakatitig ng masama sa akin.
"Now tell me, sino yung kasama ni Taehyun don." Nagulat ako sa tanong ni Haeley.
Tinignan ko ang tinuturo ng tinidor niya at sakto doon ang kanina ko pang tinitignan. Likod palang alam ko na.
"What do you mean?" Kunyari ay walang alam na tanong ko.
"Stupid, sa tingin mo tanga ako kagaya niyo? Alam kong kanina ka pa nabobother sa kanila. Nakita ko rin sila sa cinema kanina at alam kong you know. Kaya spill gurl bago pa ako mismo ang magtanong sa kanila."
I sigh in disbelief dahil si Choi Haeley nga pala to. The bratty girl na hindi mo kayang tanggihan dahil alam mong gagawin niya talaga yung sinasabi niya.
"He's new girl I guess." Pabalang na sagot ko.
"You know her? Since when?" Tumawa ako ng mapait dahil sa mga sunod na tanong niya.
"I don't care since when, and hindi ko siya masyadong kilala. Basta the hell I know," tumigil muna ako saglit at tumingin kung gaano sila kasaya malapit lang sa table namin.
"Siya yung babaeng sabi ni Taehyun na wag ko daw pagselosan."

BINABASA MO ANG
Help | Bang Yedam
Hayran Kurgu"Bes! Tulungan mo ako!" - Kim Juliane Whygee Tea Bois Series #3 : Bang Yedam : Bang Yedam X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 03 / 26 / 2019 Date finished: 05 / 01 / 2019 [ Completed ] © All Rights Reserved