"Hey, Let's talk."
Nag-angat ng ulo si Yedam pagkarinig ng boses ko. Nagulat pa nga siya dahil kinakausap ko siya ngayon.
Nakita ko siya sa park na lagi naming tambayan noong bata pa kami. Nasa swing siya habang nakayuko until I decided na lumapit sa kaniya.
Bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya. "Let's talk about it one week from now. Meet me up sa tambayan natin then we'll really talk."
Huminga ako ng malalim habang inalala ang huling pag-uusap ko sa kaniya last week. Hindi ko nga siya pinagsalita at umalis na pagkatapos banggitin ang mga salitang iyon.
I rented the cafe na pinagtatambayan namin for an hour. Gusto ko kasi na pag-umamin ako, siya lang makakaalam at makakaramdam ng mga katagang sasabihin ko.
Hinigpitan ko ang hawak sa gitara ko at nagpaikot ikot sa stool chair na inuupuan ko. Kinakabahan ako.
Pumunta ako ng cafe 30 minutes before call time para sana makapag practice pero nanginginig lang ang kamay ko at hindi makapag strum.
"Tugtog na, papakinggan kita."
Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang biglang may nagsalita. Inayos ko muna ang balance ko saka tinignan kung sino mang nagsalita.
"Hindi mo ba nabasa yung close sig---" natigil ako pagkakita kung sino ang nagsalita kanina. Nakasandal pa siya sa glass door habang nakangiti sa akin.
"Jeongin!" Malakas na sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya.
Sinalubong niya ako ng malaking yakap kaya napangiti ako. Just what I need.
Medyo matagal rin yung yakap. Hindi ko na kasi siya nakakasama this past week. Magkaibang magkaiba rin naman kasi talaga yung sched namin.
"Tugtog na, baka umiyak ka pa sa akin eh." Tulak niya sa akin papuntang mini stage kaya nag make face ako kunyari, sumunod naman.
Umupo ulit ako sa stool chair habang siya naman ay kumuha ng upuan at inilagay ito sa harap ng stage saka doon umupo.
Nginitian niya ulit ako at nagthumbs up, kaya kinuha ko iyong cue para magstart.
Nakakaisang verse palang ako, may humila sa wrist ko at niyakap ako ng mahigpit. Para akong nanlambot sa mga yakap niya kaya yumakap rin ako pabalik.
"Jeongin..." banggit ko sa pangalan niya. Mas hingpitan niya pa ang yakap kaya pinikit ko nalang ang mata ko at dinama ang presensya niya.
"Let's stay like this for awhile." Bulong niya sa akin kaya hindi ko maiwasang maiyak.
Narinig niya ata ang mga hikbi ko kaya humiwalay siya sa yakap at inangat ang ulo ko. Pinunasan niya ang ilang luhang tumutulo saka ngumiti.
"Pano kita papakalawalan kung ganiyan ka sakin?" Tawa niya pa pero kumirot lang puso ko.
"Bakit ka ba ganiyan?" Tumulo nanaman ang mga luha ko kaya yumakap nalang ako sa kaniya para hindi niya mapansin.
Narinig ko pa ang tawa niya kaya mas para akong tinutusok sa puso. Bakit ba ang sama kong tao?
"Sorry to not love you back." Hinigpitan niya ang yakap pagkawala ko ng mga salitang iyon.
"Hindi mo naman kasalanan yon kaya wag mong sisihin sarili mo. Kung ako sayo, proud ako kasi aamin ka na sa taong gusto mo. Tanga tanga mo eh." Natigil ako sa pag-iyak at hinampas siya. Nagpahiwalay tuloy kami sa yakap.
"Ang ganda na ng moment eh, papansin." Kunyari ay inis kong sabi pero tinawanan niya lang ako.
Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang dalawang pisngi ko at nilapit ang mukha niya sa akin.
"Pagsinaktan ka ni Yedam, punta ka sa akin ha? Hindi na ulit kita ibibigay sa kaniya pag nangyari yon."
Para naman akong batang tumango. Lumayo na siya at niyakap nanaman ako.
"Last na to, pagnaging kayo na hindi na kita mayayakap."
Siguro mga isang minuto rin kami sa ganong position. Hindi naman ako nagreklamo, laki kaya ng sakit na binigay ko dito. Hindi ko man lang nagamot.
"Sige na, paparatig na yon. Baka pagnakita niya tayo umiyak yon." Asar pa ni Jeongin kaya natawa ako.
Tumigil naman kami sa pagtawa at biglang naging awkward yung hangin. Unti unting lumapit si Jeongin at dahan dahan na hinalikan ako sa noo.
Sobrang bilis non kaya hindi ako agad nakareact tapos ngingitian niya pa ako?
"Gusto ko lang sabihin ulit sayo na mahal kita."
Pinigil ko ang sarili ko na umiyak ulit. Pag tumulo nanaman kasi ang luha ko, alam kong hindi na kami matatapos.
"Kaya makita lang kitang masaya, masaya na ako. Kaya pangako mo sa akin na magiging masaya ka ha?" Tinaas niya pa ang pinky finger niya at ikinawit ko ang akin doon.
Sakto naman yon, tumunog ang phone ko kaya nagkatinginan kami ni Jeongin.
Ngumiti siya sa akin. "Ayan na boyfriend mo, kailangan ko na umalis."
Tumango ako kahit na hindi pa rin nag sisink in ang nangyari. Hindi pa siya nakakalayo, tinawag ko ulit siya.
"Ano, thank you. Thank you ng marami." Lumabas iyon ng kusa sa mga bibig ko. Nginitian niya lang ulit ako at lumabas na ng cafe.
---
Asdfghjkl don't hate me dahil wala si Yedam sa last chap, need lang talaga nila ng closure HAHAHAHAHAHAHAHAHAEpilogue na next!
BINABASA MO ANG
Help | Bang Yedam
Hayran Kurgu"Bes! Tulungan mo ako!" - Kim Juliane Whygee Tea Bois Series #3 : Bang Yedam : Bang Yedam X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 03 / 26 / 2019 Date finished: 05 / 01 / 2019 [ Completed ] © All Rights Reserved