Epilogue

245 17 2
                                    

Huminga ako ng malalim. Malapit na daw si Yedam kaya hinanda ko ang sarili ko. Hindi na kumalma simula kanina eh.

Kinuha ko ang phone ko at isinagawa ang plano ko. Dahan-dahan kong pinindot ang call button.

Nakailang ring din yon pero narinig ko agad ang pahinga sa kabilang linya.

"Bes! Tulungan mo ako!" Malakas na sigaw ko at binaba ang tawag.

Hindi ko mapigilang matawa sa pinaggagagawa ko. Ever since pumasok ako sa relationship, siya lagi ang natatakbuhan ko pag may nangyari.

This time, siya na ang problema ko at siya rin makakasagot non.

Napangiti ako nang makita si Yedam na tumatakbo papunta dito sa cafe. Hindi niya nga ata nakita ang closed sign at basta nalang pumasok.

"Anong problema?" Agad na tanong niya sa akin at halatang nag-aalala.

Nagulat naman siya nang makitang okay lang ako at tanging kami lang ang andito sa cafe. Hindi pa man siya nakakailang hakbang, tinapat ko ang bibig ko sa mic at sinagot ko na siya.

"Ikaw, help me bes. Hindi ko na alam kung paano matatago feelings ko sayo."

Mas nagulat naman siya sa sinabi ko. Ikaw ba naman kasi, hindi ka kausapin ng isang linggo tapos pagkakita niyo umamin sayo. Sinong hindi magugulat diba? Natawa ako lalo sa itsura niya, mukhang hindi siya makapaniwala.

"I love you too."

I was amazed dahil agad na lumabas iyon sa bibig ko. Ang mga katagang sinagot ko sa kaniya nung isang linggo pa dapat. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at nagsimula na magstrum.

(NP: Say you won't let go cover)

(Ito kinuha ko since I need a girl version kasi si Juliane yung kumakanta.)

~ I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough
We danced the night away, I drank too much
You held me hair back when
I was throwing up ~

Iniba ko yung ibang lyrics to match ourselves. Gulat na gulat pa rin si Yedam lalo na sa choice of song ko.

Hindi ko na nakanta ang sunod na verse dahil nakatitig lang ako kay Yedam. Siya rin, nandoon lang sa pwesto niya simula kanina at hindi man lang gumalaw. Para bang we're talking with our eyes only

~ I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go ~

I ended the song there at ibinaba ang gitara ko. Through the song, alam kong nagets niya na ang gusto kong iparating.

Ako na ang kusang humakbang papalapit sa kaniya. Nakakatatlong hakabang palang ako, tumakbo na si Yedam papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

It felt like home.

"Akala ko galit ka sa akin." Naramdaman kong nabasa ang balikat ko kaya nanlambot ako. Hindi ako nagsalita at mas hinigpitan lang ang yakap.

"I'm sorry I said sorry last time." Pagpatuloy niya sa sinasabi niya. "I said sorry kasi binigla kita. Pero I didn't regret kissing you."

Humiwalay ako sa yakap at hinarap siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa kaniya at ginawa iyong chance para ipikit ang mga mata niya.

Dahan-dahan akong tumingkayad para maabot ang labi niya. Saglit lang yon pero it means everything to me.

"I didn't regret kissing you also." Sabi ko pagkahiwalay ng labi ko sa kaniya.

Gulat na gulat naman siya pero nakuha niya pang ngumiti. Niyakap niya naman ulit ako.

"Akala ko pag umamin ako masisira 7 years of friendship natin, hindi ko naman alam na aamin ka rin." Tawa niya pa at mas siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Edi kung hindi ka torpe sana matagal na naging tayo." Asar ko pa.

Hinarap niya ako sa kaniya pero hindi pa rin humihiwalay sa yakap. "Edi tayo na?" Tanong niya pa kaya natawa ako.

Hindi ako sumagot pero mukhang nakuha niya namang sumang-ayon ako. "Basta tayo na. Pitong taon ko kayang pinangarap to." Sagot niya pa sa sarili niyang tanong.

Natawa ako pero bigla natigil nang biglang magsink in ang sinabi niya. "So you've like me since we met?" Gulat na tanong ko pa.

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang dalawang kamay ko saka tamango. Feeling ko tuloy nalaglag panga ko. Akala ko alam ko talaga kung kailan niya ako nagustuhan. Ilang taon ko na pala siya pinapahirapan.

"Pero hindi ko rin pinagsisihan na ginusto kita ng ganon katagal." Pag ease niya ng mood.

"So that's why you called me Boo." Asar ko kaya namula naman siya. Cute.

"Ni minsan ba hindi mo naisip kung bakit ganon tawag ko sayo?" Kunyaring tampo niya pa.

Umiling ako. "Hindi, ang cute kasi tapos syempre parang ang pangit pakinggan kung bes tawag mo sa akin kaya akala ko boo nalang alternative mo."

Hindi siya sumagot at niyakap niya ulit ako para magtago kaya natawa ako. "Anong meaning non ha?"

Binaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko bago sumagot. "I called you Boo kasi ikaw ang Boo-hay ko."

I cringe sa sinabi niya pero nakuha pa ring tumawa. Niyakap ko siya ng mas higpit. "I love you, Boo."

Humiwalay siya saka ako hinalikan sa noo. "I love you too, Boo."

[ THE END ]

Date Completed: 05 \ 01 \ 2019

Help | Bang YedamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon