02

436 12 12
                                    

"I'm sorry. Hindi ko lang kasi talaga mawork out yung relationship natin. Sa tingin ko mas better tayo as friends."

And with that, for the third time, iniwan niya nanaman ako dito sa cafe mag-isa.

"Pang-ilan na yan?" Inangat ko ang ulo ko nang may magsalita.

Nakita ko si Yedam na nasa upuan sa tapat ko na may inaabot sa akin na tissue. Mas lalo tuloy akong napahikbi pagkakita sa kaniya.

Narinig ko pa ang sigh niya bago niya iusog yung upuan niya papalapit sa akin. Naramdaman ko ang yakap niya kaya hindi ko na talaga napigil at niyakap siya pabalik kasabay ng paglakas ng mga hikbi ko. Buti nalang at nasa gilid kami ng cafe at wala halos nakakakita sa amin.

Ilang minuto rin kaming ganon hanggang sa napagdesisyunan ko nang tumigil. Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti kay Yedam. Inilingan niya lang ako.

Nagpaalam naman siya na bibili muna siya saglit kaya tumango ako. Tumayo na rin ako at pumunta sa cr para maghilamos.

Ano ba yan Juliane. Lagi ka nalang bang ganito?

Pagbalik ko, nandoon na ang bestfriend ko at nakalapag na ang dalawang strawberry match latte, favorite naming dalawa.

Tahimik lang kaming dalawa, habang ako nakayuko lang, at hinihintay niya ata ako magsalita.

Tumikhim ako at inangat na ulit ang ulo ko para matignan siya. "I need your advices. Pretty please?" I smiled pa to ease the cold air.

Binaba muna ni Yedam ang iniinom niya. "Kailangan mo naman lagi ng mga advice ko. Kailan ka ba titigil ha?" Nagsigh lang ako at hindi siya sinagot.

"Alam kong hinahayaan kita kasi bestfriend kita at sakaniya ka masaya pero habang buhay ka na lang ba magpapakatanga sa kaniya?" Parang mga kutsilyo ang mga salita niya kaya hindi na talaga ako makasagot.

Lagi nalang naman ako nagpapakatanga sa isang tao. Dapat bang matuwa ako kasi hindi ako napapagod?

"Juls, pakinggan mo ako. Pangatlong beses ka na niya iniwan sa ere pero hindi ka pa rin napapagod. Masaya ka pa ba sa lagay mong yan?" Sa pagkakataong iyon, kusa nanamang tumulo ang mga luha ko.

I bitterly laugh para macover up yung mga luha ko pero no use, alam ko namang alam na ni Yedam. I heard him sigh once again kaya yumakap siya agad sa akin.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you." Comfort niya pa sa akin kaya umiling ako.

"No, I needed your help and I need you to wake me up sa katangahan ko, for the third time." Hinarap niya ako sa kaniya at pinunasan ang mga luhang natitira sa mata ko.

"Hindi ka lang naman tatlong beses naging tanga. Pero kahit na ganon, handa naman akong tulungan yung tangang bestfriend ko." Natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya. Well, at least he made me laugh.

"Galit ka nga sa akin parati! Wala na yung boo mo, break na rin ba tayo?" I joked pa kaya napitik ako sa noo.

"Tanga. Galit ako sayo parati kasi sinasaktan mo sarili mo. Break nanaman kayo sisirain ko pa friendship natin. Edi kawawa ka na non." Mas malakas ko siyang hinampas kaya siya naman yung natawa.

"Hindi mo naman mapuputol seven years of friendship natin. At kung ginawa mo yon, akala mo makakatakas ka sa akin?" Pinatunog ko pa yung mga daliri ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "My jolly boo is back."

Kusa akong napangiti. "Ang swerte ko kasi sayo, bes."

"Mali, swerte kami sayo. Kaya nga tanga rin yung Kang Taehyun na yon kasi sinayang ka niya." Sagot niya naman kaya humiwalay ako sa yakap.

"So dapat ba akong matuwa sa sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

"Oo naman. Ayaw mo non, bagay kayo. Parehas kasi kayong tanga!" Hahampasin ko sana siya sa sinabi niya pero nahuli niya yung dalawang kamay ko.

Lumapit siya sa akin saka bumulong. "Totoo sinasabi ko. Makakarating din to sa kuya mo."

Hinala ko na sa kaniya ang mga kamay ko. "Pake ko don! Si Mashiho oppa lang naman importante don."

"Bahala ka, basta sa susunod na makikita mo si Taehyun, nasa ospital na siya." Panakot pa niya.

"EHHH BANG YEDAM NAMAN EH!" Inis kong sigaw pero tinawanan niya lang ako.

Hays, buti naman kahit papaano napagaan niya loob ko.

Help | Bang YedamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon