Chapter 1

47 6 2
                                    

May 2, 2019.
6:33 PM.
Main Military Office.

"1st Lieutenant Mark Angel Legazpi"

"Congratulations Mr.Legazpi."
-Bati sa akin ngayon sa pagpasok ko dito sa Main Military Office ni Captain Salazar(pinaka-mataas na pinuno sa PMA). Pagkatapos ay agad naman nyang inilapit sakin ang kanyang kanang kamay para makipagkamay.

"Maraming salamat po sir."
-Pasasalamat ko habang ang kanang kamay ay itinaas para makapagkamay sa kanya.

Nandidito ako ngayon sa Main Military Office kung saan ibibigay na ngayon ang nararapat na ranggo para sa akin.

"Dito po sir."
-Sabi ng sundalong nagbabantay pagkatapos ay turo ng kamay sa dulong pintuan.

Kaya naman agad akong naglakad ng mahinahon at may kunting kaba sa dibdib. Nang makarating na ako sa dulong pintuan na sinasabi ng sundalo kanina, agad naman akong pinagbuksan ng dalawang sundalo ng pinto.

Sa una kong tapak, may nakita na naman akong sundalo na nakaupo sa upuan habang may tinitignan na litrato sa likod.

"Sir, nandito na po ngayon ang Valedictorian ng PMA ngayong taon."
-Paggalang na sabi ng sundalong pinagbuksan ako ng pinto.

Agad namang humarap ang sinabihan nito sabay sabi:

"Ay sorry."
-sabay tawa.

Agad s'yang tumayo sa kanyang kinauupuan at agad lumapit sa akin ng may pag-ngiti.

"Congratulations, Mr. Legazpi."
-Bati nya sa'kin sabay mahinang tapik sa kaliwang braso ko.

Halong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Ako nga pala si General Santos."
-pagpapakilala nya sa'kin sabay alok ng kamay para makipagkamay.

Nakipagkamay rin ako. Nagulat na lang ako na may bigla s'yang nilagay sa aking kaliwang dibdib mula sa pagkakakuha nito sa kanyang bulsa.

"Mark Angel Legazpi, Isa ka na ngayong 1st Lieutenant."
-Bati nya ng may pagngiti.

Nang tignan ko kung ano ang inilagay n'ya, isang ribbon na may nakasulat na '1st Lieutenant'.

"Salamat po Sir."
-Pasasalamat ko ng may tuwa sa labi ko.

Tinapik n'ya lang ako sa kaliwang braso ng tatlong beses sabay sabi:

"Isa kana ngayong matuturing na magiting na sundalo, asahan mong darating na ang malaking hamon at pagsubok na darating sayo."
-Huling sabi n'ya sabay ngisi pagkatapos ay bumalik na s'ya muli sa kanyang kinauupuan.

Napatunganga ako, wala akong masabi. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba'ko o maiinis. Kung aalis na ba agad  ako sa harapan n'ya o mamama-alam na muna.

" Dito ka na sir. "
-aya sakin ng sundalo na nagbabantay sa pintuan sabay turo ng kamay sa labas.

Lumabas din ako kaagad. Sa paglabas ko sa pinto, samu't saring kaisipan ang nagpakaba sa dibdib ko.

Sa paglalakad ko, nagulat na lamang ako na bigla akong batiin ni Captain Salazar.

"Kamusta ang pakikipag-usap sa Heneral?."
-pangiti n'yang tanong sa'kin sabay mahinang tapik sa balikat ko.

"Wow, 1st Lieutenant."
-dagdag n'ya pa pagkatapos nyang makita ang ribbon na nakadikit sa kaliwang dibdib ko.

Wala akong emosyon. Tahimik lang ako, hindi makapagsalita.

Maya't-maya pa ay nawala sa pagkangiti ang mukha ni Captain Salazar dahil siguro sa itsura kong hindi maipinta.

"Ano na naman ba yun Mr. Legazpi?, Ay 1st Lieutenant Legazpi?"
-Tanong nya ng mahinahon.

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon