Chapter 6

22 5 3
                                    

May 8, 2019.
8:05pm.
Training Field, Cavite.

Ito kami ngayong buong ALPHA, magkakasama. Aminado ako na kabado ako gawa ng kauna-unahang deploy ko at sa Basilan pa. Kung saan isa sa mga kinatatakutan na lugar ng mga kapwa ko sundalo. Doon kasi naninirahan ang mga rebelde maging mga terorista. Halos magkalahating Century o 50 years na nakikipagsagupaan ang mga sundalo doon sa Basilan. Hindi mapasok-pasok dahil sa mga bantay na animo'y parang suportado pa ng gobyerno dahil sa mga kagamitang militar na kanila ding ginagamit. Suportado rin ang mga 'to ng mga International Terrorist Alliance o ITA. Kung saan buong mundo ay mayroon silang mga tauhan.

Nasa isip ko pa rin kung paano ko malalagpasan ang isang malaking pagsubok na ito. Ngayong 76 na ang namatay na sundalo simula nung maupo si General Santos.

Laman ng balita sa Radyo, T.V,maging sa dyaryo ang mga nagaganap ngayon sa Basilan. Magda-dalawang linggo na rin kasi itong gyera pero parang aabutin pa ng buwan.

"Oh bakit tahimik kayo dyan?"
-Patawang biro ni Corporal Sanchez samin.

Walang kumibo. Tumingin lang ako sa mata nya.

"Alam mo ikaw Mark, wag kang kabahan. Susulungin mo pa ang Bataan ni Nurse Monette diba? Haha."
-Sabi nya sakin ng pabiro sabay tawa.

"Ba't mo alam yun?"
-Tanong ko sa kanya na may halong pagdududa at pagtawa.

Nagtawanan naman ang buong ALPHA.

"Alam mo 1st Lieutenant, Sya kasi yung--"
-Ika ni Corporal Ramos ngunit naputol ang sasabihin nya sana matapos takpan ni Corporal Sanchez ang bibig nito.

"Nabasa mo pala yung tula."
-Sabi ni Sergeant 1st class Agustin sabay tawa.

"Takte kayo. Da't inayos nyo man lang yung paggawa."
-Sabi ko sa kanila sabay tawa.

Nagtawanan kaming lahat.

"Wait lang ah, C.R lang muna ako."
-Paalam samin ni Serg. Maj. San Pedro.

Nang makalabas na si Serg. Maj. San Pedro ay inasar pa ito ni Corporal Parongan.

"Naihi na sa Kaba."

"Baka nga ikaw dyan sir Matae pa mamaya eh."
-Asar ni James kay Corporal Parongan.
"Alam nyo. Mas ok na yun kesa naman mamatay diba?"
-Biro ni Corporal Mike Marquez na naging dahilan namin sa pagtawa.

"Mas okay kung maisahan ko muna si Nurse Monette diba?"
-Biro ko sa kanila.

Sumang-ayon naman sila sabay tawa.

Maya-maya pa ay may biglang kumatok.

"Si Nurse Monette yan pustahan, pag pinag-uusapan natin s'ya bigla s'yang lumalabas eh."
-Pabirong sabi ni Corporal Sanchez kung saan tumawa na naman kami.

"Oo nga noh."
-Pagsang ayon ni Karl sabay tawa.

"Pasok lang."
-Sabi ko sa kumatok.

"Pagbukas ng pinto ay iniluwal ito si General Santos (pinuno ng buong militar) kaya naman agad kaming tumayo ng tuwid sabay 'salute'

"Kamusta na kayo?"
-Bati nito sa'min ng may halong pagtawa.

"Lalo kana 1st Lieutenant Mark Angel Legazpi?"
-dagdag pa nito.

"Okay lang kami sir."
-sagot naming lahat.

Tumingin s'ya samin at parang nagtataka kaya nagtanong s'ya muli samin.

"Bakit parang kulang kayo ng isa?"

"Nag C.R lang po sir sa takot."
-sagot nito ni Corporal Sanchez kay General Santos.

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon