Chapter 3

26 3 2
                                    

May 6, 2019.
6:06 AM.
Training Field, Cavite.

ALPHA Team of 75th Platoon, 118th Battalion and 3rd Infantry Division list:

Corporal Mike Marquez. 28 y/o
Corporal Jimuel Ramos. 27 y/o
Corporal Eduard Sanchez. 33 y/o
Corporal Nathan Parongan. 24 y/o
Sergeant 1st class D.J Agustin. 29 y/o
Master Sergeant Karl Ho. 22 y/o
Master Sergeant James Dumino. 23 y/o
Master Sergeant Christian Macapolon. 22 y/o
Sergeant Major of the Army Ramil San Pedro. 23 y/o

Leader:
1st Lieutenant Mark Angel Legazpi. 22 y/o

Tatlong araw nalang at ide-deploy na kami sa Basilan. Magandang balita naman ang aming narinig dahil sa umpisang pag-upo ng bagong Heneral ng buong militar ay bumababa ang bilang ng patay ng mga sundalo. Tatlong araw nang maging pinuno si General Santos at tanging pitong sundalo pa lamang ang binawian ng buhay.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil bumaba ang bilang ng patay o magiging malungkot pa rin dahil may buhay na naman ang nawala.

"1st Lieutenant Legazpi."
-tawag ng isang mahinhing babae mula sa likod ko.

Nang tignan ko, laking gulat ko na si Monette pala iyun. Agad naman s'yang lumapit sa'kin.

"Isa ka pala sa mga sundalong ipapadala sa Basilan noh?"
-Tanong nito ng nakasimangot.

Ngumisi lang ako sabay sabi:

"Wala eh ganun talaga."
-pagkatapos ay tumingin ako sa ulap.

"Ba't ka nakatingin dyan sa ulap?"
-Painis nitong tanong sakin.

"wala lang."
-sagot ko ng patawa.

"Hindi ka pa mamamatay at hindi ka mamamatay."
-Sabi nya sakin ng painis.

Kaya naman agad akong napatingin sa mukha nya. Ang ganda nya pala talaga. Yung mukha nya, yung mata nya maging yung magkadikit nya ngayong kilay kapag naiinis sya.

"Alam mo Monette. Pinasok ko 'to, kung ano mang mangyari sakin sa gyera. Tanggap ko ng buong-buo."
-sabi ko sa kanya ng mahinahon.

Na agad naman nitong kinalungkot.

"Masaya ako, dahil ito na' ko ngayon. Isang sundalo."
-dagdag ko pa.

Nagulat kami ng biglang may kumanta sampong metro mula sa kinatatayuan namin ni Monette, ang buong ALPHA Team.

"Ako'y sayo ikaw ay akin."
-Kanta nila na nagpangiti saming dalawa ni Monette.

"Ganda mo sa paningin."
-Tumingin ako sa mukha ni Monette at nakita ko syang nakangiti habang nakatingin sa kanila.

"Sa ilaliim---"
-Pasigaw na sabi ni Corporal Eduard sanchez kung saan pumiyok sya.

Tumawa ako, si monette at kaming lahat ng ALPHA Team.

"Hay nako talaga 1st Lieutenant Legazpi, pumiyok tuloy ako."
-Sabi pa nito sakin at pumiyok ulit sya.

Tumawa ako at bigla akong tumingin kay Monette na syang kinagulat ko dahil nakatingin na pala sya sakin kanina pa. Hihi.

"Bakit?"
-Tanong ko sabay ngiti.

Agad naman nitong tinanggal ang mata nya sa akin sabay sagot ng:

"Wala."

"Monette, Monette."
-Malakas na paghanap ng Doctor sa kanya kaya naman agad itong bumalik na sa Medical Field.

"Ingat ka Monette."
-Paalam ko sa kanya.

"Salamat."
-Sagot nya habang tumatakbo pabalik ng Medical Field.

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon