Chapter 12

10 4 2
                                    

May 9, 2019.
6:37 PM.
Colonia, Lamitan Poblacion City of Basilan.

Master Sergeant Karl Ho's POV.

Nandidito ako ngayon sa Medical Field na dito rin sa Training Field ng Colonia, Basilan. Kasama ko dito sa kwartong ito ang team ko sa 75th platoon.

"Karl, ayos ka lang ba Karl?"
-Pag-aalalang tanong sakin ni James matapos makitang nagising na ako.

Magkatabi ang kama naming dalawa.

"Ikaw, kamusta kana?"
-Tanong ko naman sa kanya sabay inda sa natamo kong sugat.

"Okay lang ako."

Sa pagkasagot nyang yun ay nakita ko ang aking paa na nakabenda ng buo dahilan para mapaluha ako.

"A-ano? anong nangyari sa paa ko?"
-pasigaw kong tanong na may halong pagtataka kaya naman may nurse agad na lumapit sakin.

"Sir, kalma lang po sir. Nabalian ka lang po ng paa sir pero maibabalik pa namin ito sir."
-pigil sakin nito matapos makalapit na sya sa kamang hinihigaan ko.

"s-sigurado kaba?"
-Pautal-utal kong tanong habang nakatingin sa kanya.

"Opo sir."
-sagot naman ng nurse.

"Magtiwala ka sa kanila Karl, lalo't nandito na mga doctor ng iba't-ibang bansa."
-sumbat naman ni James.

Sa sinabi ni James ay agad akong nagtaka kaya naman ako ay napatanong tungkol dito.

"P-paanong mga taga ibang bansa?"
-pagtataka kong tanong.

"Sir, nag volunteer po sila na magpunta dito."
-sagot na mahinahon naman ng nurse.
"ganun ba."
-tugon ko pagkatapos ay namaalam na sakin ang nurse na dahil may ginagawa pa daw ito.

Nilibot ko ang mata ko sa apat na sulok ng kwartong ito at laking pagtataka ko dahil bakit walo lang kami na nandito.

"B-bakit parang kulang tayo dito?."
-usisa kong tanong kay James.

Bumuntong hininga lang sya pagkatapos ay nagsabi ng:

"Yung wala ngayon dito."
-sagot nya sakin ng mahinahon.

"ay may posibilidad na patay na sila."
-paluha nyang dagdag sa sinabi nya.

Sa wika nyang yun, agad ko nilibot ang aking magkabilang mata para alamin kung sino ang wala sa kwartong ito. Laking gulat ko sa nasabi ng isip ko na:

"Si Corporal Nathan at ang kaibigan kong si Mark ay wala."

Dahil dun, agad akong nagtawag ng nurse kung saan tumugon naman agad ito at dali-daling pumunta sakin.

"N-nasan po yung dalawa naming kasama?"
-pakaba kong tanong sa nurse ngayong nasa harapan ko na sya.

"Po? 75th platoon po kayo diba?"
-mahinahon nyang tanong na agad ko namang sinang-ayunan.

"Ahh, balita ko po sa dalawa isa po yung patay tapos po yung isa nag-aagaw buhay pa po."
-wika nya kung saan napatayo na lamang ako bigla sa kinahihigaan ko para pumuntang Emergency room.

"Sir sa'n po kayo pupunta, sir."
-awat sakin ng kausap ko ngayong nurse pero winalangpake ko lang ito.

"Karl, san ka pupunta?"
-pagtataka namang tanong ni James.

Sa paglabas ko ng kwarto namin ay ramdam ko ang sakit sa bali ng kanang paa ko pero winalang bahala ko lang ito dahil gusto kong malaman kung sino ang namatay at nag-aagaw buhay pa rin sa ngayon.

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon