Chapter 8

23 6 2
                                    

May 9, 2019.
2:46 AM.
Training Field, Cavite.

Nurse Monette Dela Cruz' POV.

Nag-aayos nako ng mga gamit na kakailanganin bukas sa pagpunta sa Basilan at para makatulog na rin ako ng biglang sumigaw ang kapwa ko nurse na si Iza tungkol sa nalaman nyang balita.

"DOC DOC! yung mga kakapadala lang daw sa Basilan kagabi nakikipagbarilan daw ngayon!"
-Sabi nito ng malakas na naging dahilan ng kaba sa dibdib ko.

Sa narinig kong yun ay lumapit ako sa kanila at rinig ko ang kanilang usap-usapan.

"Ano ba yan.!"

"Wala eh. Ganun talaga pag sundalo."

"Ilan na daw ang namatay?"

"Wala pang nasasabi dahil hanggang ngayon ay di pa rin daw tapos ang barilan."

Nang makita ako ni Nurse Sarah  (malapit kong kaibigan) na palapit sa kanila ay agad itong lumapit sa akin.

"Monette, Monette!"
-Nanginginig nitong tawag sakin.

"Yung 75th Platoon!"
-putol na dagdag nito.

"A-ah. T-totoo ba?"
-Pautal-utal kong tanong na may kasamang kaba.

"pagkababa na pagkababa nila bigla daw silang pinaputukan."
-Taranta nyang wika sakin.

Pumatak ang luha ko sa hindi malaman na dahilan. Dahil siguro yun sa nalaman ko.

Dali-dali akong pumunta sa Head Qaurter ng Training Field para itanong kung totoo ba at ano nga ba talaga ang nangyari sa mga sundalong kakapunta lang sa Basilan.

"Uy Monette sandali lang. Sasama ako!"
-Malakas na sabi sakin ni Sarah matapos makitang lumabas ako sa Medical Field.

Wala akong ibang maisip kundi ang 75th Platoon lang kung nasaan si 1st Lieutenant Legazpi at kasama nito.

Nang makapunta na ako sa harap ng Headquarter ay agad rin naman akong hinarangan ng mga nagbabantay dito.

"Maam."

"Maam san kayo pupunta Maam."
-Awat sakin ng mga sundalong nagbabantay sa Head Quarter.

"May tatanungin lang ako!."
-Pasigaw kong sagot sa kanila habang ang luha ay unti-unti na namang bumabagsak.

"Sir! May tatanungin lang po saglit, lalabas rin po kami agad."
-Sabi ni Sarah sa mga sundalong nagharang sakin matapos masundan nya ko.

Agad rin naman kami pinapasok. Sa pagpasok ko, nakita ko ang mga sundalo na parang tarantang-taranta sa mga ginagawa nila. Mabuti nalang at nakita ko doon si papa at sa kanya ako nagtanong.

"Pa..!Totoo ba yun?"
-pag-aala kong tanong sa kanya.

"Wag mo muna kong istorbohin anak, May ginagawa pako."
-Mabilis nitong sagot sakin.

"Sir. The war is already ended.!"
-Sabi ng isang sundalo na katabi ko kay papa.

"Pa..! Sag-"
-Naputol ang sasabihin ko sana sa kanya sa pasigaw nyang sagot na:

"MANAHIMIK KA MUNA!"

Agad rin naman akong hinatak palayo ni Sarah kay papa. Sa paglayo namin sa kanya ay pinayuhan naman nya ako na:

"Ano kaba. Wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano."

Pumapatak pa rin ang luha ko at tarantang-tara din ako gaya ng mga nakikita kong sundalo. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong 2:54 AM na.
Sa narinig ko ngayon na tapos na daw ang barilan ay nahaluan ng kunting saya ang sakit na nararamdaman ko ngayon mula kanina. Gayunpaman, patuloy parin ang katanungang gumugulo sa isip ko.

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon