PROLOGUE

52 9 3
                                    

May 2, 2019.
10:06 AM.
Philippine Military Academy.

"Magandang Umaga sa inyong lahat. Magandang umaga sa aming mga kaguruan, trainer, sa mga magulang, maging sa aming mga kaibigan at kakilala sa Eskwelahang ito."
-Sambit ko ng may kunting kaba mula sa entablado habang may hawak na mikropono.

Bumuntong hininga lang ako ng kunti pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na muli ang aking mga sasabihin.

"Makatapak lamang sa loob ng eskwelahang ito ay isa ng malaking karangalan, Paano pa kaya kung makapagtapos pa dito?."
-Dagdag ko kung saan ang kanilang mga ulo ay tumango na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon.

"Sa una, medyo mahirap dahil sa mga ensayong kailangang gawin. Aaminin ko, napakahirap ang mamuhay sa apat na sulok ng napakalaking eskwelahang ito. Dahil bukod sa mga dugo't pawis na mga ensayo, malayo ka pa sa pamilya mo na s'yang maaaring magbigay ng inspirasyon sayo. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Magagawa namin? kundi sundin ang alituntunin ng paaralan na ito."
-Nakita kong sumang-ayon ang mga kapwa kong magtatapos mula sa ibaba ng entablado, Kaya mas lalo akong naengganyo pang magsalita muli sa kanilang harapan.

" Nakakatuwa lang dahil, Hindi mo akalain at maski ako hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pamilya dito. Medyo masaya dahil nandyan ang mga kaibigan ko kung saan kanya kanya kaming bigay ng motibasyon sa aming grupo"
-Sambit ko na may kunting pag-ngiti sa labi ko.

Humiyaw ang mga kaibigan ko sa narinig nila, Hiyaw kung saan mararamdaman mo ang kasiyahan mula sa kanilang mga labi at mata. Napatawa ako.

Bumuntong hininga ako. Mga tatlong segundo lang ay ipinagpatuloy ko na ulit ang pagsasalita sa kanilang harapan.

"Napakabuti talaga ng Diyos sa atin ano?, Yung pangarap mo noon nung bata ka, natupad at matutupad na ngayon. At yung hindi mo inaasahang pangyayari sa buhay mo."
-Napahinto ako sa sasabihin ko sa gulat kong pagpatak bigla ng luha ko.

"At yung hindi mo inaasahang pangyayari sa buhay mo, Mga kamag-aral at kaibigan. Isa na tayo ngayong magiting na sundalo."
-Sambit ko ng mahinahon.

Ramdam ko sa entablado ang nararamdaman din nila. Sino nga bang hindi matutuwa? Hindi masisiyahan at mapapaluha?. Yung dati mong pangarap ay abot kamay mo na.

" Maraming salamat sa aming mga magulang na todo suporta sa'min, Todo gabay, t'yaga at alaga."
-pagkatapos ay tumingin ako kila mama at papa.

"Ma, Pa. Para sa inyo to. Wala ako ngayon sa inyong harapan at walang ako na matuturingang isang ganap na sundalo kung wala kayo. Maraming salamat sa inyo."
-pagkatapos ay binitawan ko na ang hawak kong mikropono sabay baba mula sa entablado ng may kasamang luha.

Rinig ko mula sa pagbaba ng entablado ang kanilang mga kamay na pumapalakpak.

Sumalubong sa'kin sila mama at papa. Naluluha, gayunpaman. Makikita mo mo pa rin ang kasiyahan mula sa kanilang mga mukha.

"Ang galing galing naman talaga ng anak ko. "
-Pabirong sabi sakin ni mama habang may luhang kasama.

"Di ako makapaniwala anak. Dati nung bata ka akala ko bakla ka, Ang lambot mo kasi nun"
-Pabirong sabi naman sakin ni papa ng may pag-ngiti.

"Mamaya na tayong mag-usap Ma, Pa. Nagmumukha na tayong nasa taping ng KDrama eh. "
-Dahilan ko para makabalik na ako sa aking kinauupuan.

At dahilan ko para hindi matuloy ang paglabas ng luha ko mula sa magkabilang mata. Sumang-ayon naman sila kaya agad na akong pumunta sa aking kinauupuan.

Pag-upo ko sa aking upuan. Ramdam ko ang kanilang mga mata na nakatingin sakin mula sa kapwa ko kamag-aral maging sa mga magulang. Proud na proud ako sa sarili ko. Hindi dahil sa ako ang nagsalita sa harap nila, kundi isa na 'ko ngayong isang magiting na sundalo.

Habang nakaupo sa upuan, naiisip ko ang mga nakakatuwang pangyayaring naganap dito. Yung tipong yung chewing gum ay pagpapasahan-pasahan nyo. Maging sa tubig, makakainom ka nga pero yung tubig galing sa bibig ng kasamahan mo. Nakakadiri pero kailangan. Siguro lahat naman dumadanas sa ganung gawain bago ka magsundalo. Talagang sariling dugo't pawis ang malalasahan mo. Nakalimutan ko pa lang sabihin, pati pala laway ng kasama mo ay matitikman mo.

Gayunpaman, Naiisip ko rin sa ngayon kung ano nga ba ang tunay na kapalaran ng isang sundalo. Kung ngayon ay masaya ako, magiging masaya pa kaya ako sa susunod na mga araw kung saan buhay ko na mismo ang aking iaalay?.

Sabi nila, pag nagsundalo ka daw ay yung isang paa mo ay nakatapak na daw sa hukay. Pero ang totoo, dalawang paa mo na mismo ang nakatapak, kailangan mo nalang lumaban at pagtagumpayan ang lahat para makaalis ka sa sinasabi nilang kapalaran ng isang sundalo.

"Ma, Pa. Maraming salamat sa inyo. Dahil panahon na para ibigay ko na ang pangangailangan ng bayan natin bilang isang sundalo."
-Sabi ng isip ko habang nakatingin sa maliwanag na ulap.

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon